Nasa canteen kami ng school at kumakain ng hapunan.
I am with them, obviously dahil kaklase ko sila up until ngayong senior grade.
" Where is Kat?" Tanong ni Angeline pagkatapos ng last subject namin ay bigla nalang itong nawala.
" She told me that his boyfriend was here." Ani Ella na tinutukoy iyong boyfriend ni Kat na nasa kolehiyo na sa school na ito.
Hindi ko pa ito nakikita dahil laging si Ella ang kasama niya sa tuwing dinadalaw ito ng boyfriend niya.
" Hindi ba siya iyon?" Turo ni Thalia sa amba ng pintuan ng canteen at nakita kong papasok ito.
" Don't tell me Ella, si Julius ang boyfriend ni Kat?" Takang tanong ni Angeline dito.
" Yup!" Ani Ella at tumango pa sabay subo ng pagkain niya.
" Julius? Hindi ba iyon yung maangas na basketball player?" Anas ko at kinumpirma nga ito. Napangiwi ako ng makita itong magkahawak kamay sila habang sa unahan naman nila ang dalawang kaibigan ni Julius.
" ...and Esteban is here," bulaslas ni Nathalia na hindi mawala ang tingin nito sa kanila.
" Don't tell me Thalia, until now gusto mo pa rin yan." Saad ni Ella.
" Ano pa nga ba!" Ani Angeline na ibinalik ang mata sa pagkain.
" Gumising ka nga! Parang hindi mo nababalitaan mga babaeng pinaiyak niyan." Saad ni Ella at iiling iling.
Nathalia pouted at pasimpleng sumulyap sa gawi nila Katarina. Nagkibit balikat ito at kumain na muli.
" Kinakabahan ako Bella, I really wanna ask him to dance." Ani Nathalia sa akin habang nilalamig ang kamay niya.
Natawa ako sa kanya, hindi niya ito nasusubukan at hindi ko naman siya pinipilit pero kinakabahan na. Nasa engrandeng pagtitipon kami ngayon, at kaming dalawa lamang ang umattend dahil nasa ibang bansa sina Kat at Angeline habang si Ella naman ay may sakit.
" Just try it girl, wala naman mawawala." Akmang maglalakad na ito patungo sa lugar ni Esteban ay may hinawakan itong magandang babae na idinala nito sa dance floor.
Nakita ko ang pagdaan ng sakit at lungkot sa mata nito.
" Anong gusto mong kainin?" Mabilis kong tanong sakanya upang mawala ang sakit sa dibdib nito.
" Uh- Oo gu-gutom nga ako. Let's have some wine, Bella."
I never thought that the simple heartbreak turns into like this. Kaya niyang lunukin ang pride niya para lang sa lalaking mahal niya, napailing ako doon.
Weak girls easily became a victim of love.
" Bakit mo sinasabi ngayon sa akin lahat ng ito?" Marahang tanong ko.
" Hindi mo siya mahal, tama ba ako?" Umaasang tanong nito.
" Oo," maagap na sagot ko. Nakahinga ito ng maluwag at ngumiti.
" I wanted to be close to him again Bella, kung ayaw mo sa kanya. Tulungan mo ako." Nanlaki ang mata ko at sumilay ang ngiti sa aking labi.
" Kung hindi nangyare ito, I know konti nalang mamahalin niya na ako." Dagdag nito na punong puno ng pagasa.
Hindi tuloy mawala sa isipan ko iyong pinagusapan namin ni Nathalia kaninang umaga, nagiisip ako ng paraan kung papaano ko siya matutulungan.
I have to plan now, lumipas pa ang isang linggo at natapos na din lahat ng ipinapagawa ni Mama. Ngayon ko na din naisip na ipagpatuloy iyong plano ko, mas marami na akong oras para lumabas ng mansyon.
Humikab ako at nagstretch ng kamay sa huling lesson namin. Isang linggo ko na din hindi nakikita si Rad, ang sabi ni Katya ay naging mas abala sila dahil sa pagbili ng iilang batang kabayo ni Papa.
Sumulyap ako sa bintana kung saan makikita ang rancho namin mula dito. Naramdaman ko ang pagsunod ni Katya sa likod ko.
Mabilis kong nakita si Rad na walang saplot na pinapakain ang isa sa mga kabayo. Napangiti ako ng makita ko siya, isang linggo na kaming hindi nagkikita pero buong gabi ko naman siyang katext.
" Para kang baliw!" Bulong ni Katya sa akin. Ngumuso ako at hindi siya pinansin.
Pumangalumbaba ako habang minamasdan siya mula dito, mabuti nalang ay hindi niya ako napapansin. May lumabas na hindi pamilyar na mukha ng lalaki sa rancho, tulad ni Rad ay malaki din ang pangangatawan nito. May sinasabi ito kay Rad habang may ibinigay na iilang damo para ipakain sa kabayo.
" Katya sino siya?" Takang tanong ko dahil hindi ko ito nakita noong pumunta ako doon.
" Uhm- Hindi ko din alam, parang nitong nakaraang araw ko palang siya nakita. Mukhang bagong kasama ni Rad sa rancho dahil dinagdagan ng Papa mo ang mga kabayo niya." Tumango tango ako roon.
Tumawa ang kausap ni Rad, " Pero mukhang magkakilala sila?"
" Siguro, nagpahanap nalang si Don Cristobal kay Rad." Tumango tango muli ako sa sagot niya.
Umayos ako ng tayo at nagpasyang bumaba upang puntahan siya.
" Oh saan ka pupunta?" Tanong nito.
" Sa baba, tapos na din naman ang ginagawa ko at isang linggo na akong hindi nakakalabas ng mansyon." Saad ko at nagpatuloy ng bumaba.
May iilang bumati sa akin sa mga trabahador tanging ngiti lamang ang sagot ko sakanila.
" Natapos mo na bang ayusin ang nasa loob?" Baritonong boses ni Rad ang narinig ko noong makalapit ako sa rancho.
Mukhang pumasok muli ang kasama niya sa loob.
" Hi," nahihiyang bati ko sa kanya kahit na ang malapad at pawis na likod nito ang nakaharap sa akin.
" Senyora Bella.." gulat ang mukha nitong tumingin sa akin. Sumulyap ito sa mansyon bago muling ibinalik sa akin ang tingin niya. " I thought you're busy."
" Uh, tapos na." Tipid na sagot ko.
" Oo boss tapos na!" Sagot ng lalaki na lumabas sa loob ng kulungan ng mga kabayo at tumingin sa akin na nagtataka.
Halos magkasingtangkad lang sila ni Rad, pero mas malaki ang pangangatawan nito mukhang batak ito kung magworkout.
" Bago ba siya dito Rad?" Tanong ko kay Rad na nakatingin din dito.
" Oo, nagpahanap ang Papa mo ng makakasama ko dito." Sagot nito.
Ngumiti ito sa akin, he have some tattoes on his left shoulder.
" Kaibigan mo?" Tanong ko kay Rad at lumipat ang tingin ko dito.
" No." agap ni Rad.
" Opo, Senyora Bella." Sagot naman ng lalaki. Napangiti ako sa kanya.
" Anong pangalan mo?" Kuryosong tanong ko.
" Bella you should not asking someone's name. Especially if they are men!" Giit ni Rad na may tono ng iritasyon sa kanyang boses.
" Why he's your friend!" Sagot ko.
He hissed. " He's not, and I will not introduce you to those idiot." Bulong nito na hindi ko masyadong naintindihan.
Itatanong ko pa sana ulit sa kanya ng biglang magsalita ang nasa harapan ko.
" Alyas Ma'am, uh-sorry po. Senyorita pala." Ngumiti ako sa kanya.
" Nice meeting you Alyas, I'm Abella." Sabi ko sakanya.
" Ako din po, ang ganda ng pangalan niyo Señorita parang kayo ho!" Pilyong biro nito na ikinatuwa ko.
" Alyas!" Naiinis na pahayag ni Rad.
Napakamot ito sa ulo." Sorry boss, babalik na po ako sa loob Senyora."
Natawa ako sa kanya at tumingin kay Rad na nakakunot ang noong pinapakain ang kabayo.
" Nakakatuwa ang kaibigan mo-"
" I told you, he's not my friend." Nawawalan ng pasensyang giit nito.
Tumango tango ako. " Bakit ka bumaba dito?" Tanong nito.
Bakit nga ba?
" Gu-Gusto lang kitang makita." Napahinto ako sa sinabi ko at parang may mali.
Maging siya ay napahinto sa pagpapakain ng kabayo at ibinigay ang buong atensiyon sa akin. Umiwas ako ng tingin.
" I mean, balak ko kasing pumunta bukas ng umaga sa bayan. Sasabihin ko lang sa iyo na aalis tayo bukas." Pagdadahilan ko ng tumingin sa kanya, mamaya ko pa dapat ito sasabihin ang kaso ay hindi ko na alam ang idadahilan ko sa naunang nasabi.
His eyes became sharp and nodded slowly.
" Anong oras tayo aalis? Tapos na ba ang lessons mo?" Kaswal nitong tanong sa akin na tuluyang ibinaba ang mga damo at itinuon ang buong atensiyon sa akin.
Nabuhay ang kaligayahan sa aking dibdib, hindi ko alam kung para saan iyon. Pero ang isiping maglalaan ako ng oras muli na kasama siya ay hindi na ako makapaghintay.
" Uh-Oo." I stuttered and can't even looked at him in the eyes.
Pakiramdam ko nababasa niya ang nasa isipan ko. Ayokong malaman niya na sobra akong nangulila sa kanya sa loob ng isang linggo naming hindi nagkita.
Hindi muna kasi siya dumalaw sa mga nakaraang araw dahil mas lalong naging marami ang ginawa ko at lagi nalang akong pagod kapag natatapos na ang lessons.
Ngumisi ito. " See you then, Señorita." I felt goosebumps when I heard his voice.
My heart was beating to fast that I can't even think properly how to react.
" Uh, yeah." Maiksing sagot ko at tumalikod na sa kanya.
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko kapag kaharap ko siya, makiramdam ko sasabog ako any moment. Shocks! Nakakahiya, napansin kaya niya? Umiling iling ako na naglakad patungo sa mansyon.
I wanna ask myself ano nangyayare sa akin, pero hindi ko naman makuha ang eksaktong sagot para doon.
Nakahiga na ako sa malambot na kama ko ng biglang tumunog ang cellphone. Mabilis ko itong kinuha sa ilalim ng kama, bigla akong nataranta ng tumatawag si Rad.
Napaawang ang labi ko at mabilis na napaupo sa kama, normally nagtetext lang siya. Pero ngayon ay tumatawag na siya! Grabe, ano ba 'to! Pinaypayan ko ang sarili ko sa aking kamay kahit na malakas naman ang aircon pero bigla akong pinaginitan.
I heave a deep sighed. Akmang sasagutin ko na sana ng huminto ito sa pagring.
Natapon ko sa inis ang cellphone sa kama, at hinilamos ang dalawang kamay sa aking mukha, sabay higa muli sa kama ko.
" Ang arte arte mo kasi Bella!" Naiinis na giit ko sa sarili ko.
Pinikit ko ang aking mga mata at naghintay pa muli ng tawag niya. Dahil sa pagod at dami ng ginawa ngayong araw ay unti unti kong naramdaman ang paghila ng antok sa akin.
Nagising ako ng maramdaman ang halik ng araw sa aking pisngi.
" Goodmorning Señorita!" Maingay na bati sa akin ni Katya habang inaayos ang kurtina ng up down window ko.
Pinatay nito ang aircon at binuksan ang pintuan ng veranda ko at pumasok ang malamig na simoy ng hangin.
" A-Anong oras na?" Nanlalambot na tanong ko dito sabay takip sa aking mukha gamit ang malambot na unan.
" Alas otso y media na po, Senyora. Hindi ka pinagising ng maaga ni Perla para makapagpahinga ka ng mabuti." Tumango tango ako. Masarap ang tulog ko ngayon.
" Oo nga pala Bella, aalis ba kayo ni Rad? Kanina pa kasi siya naghihintay sa labas?" Napabalikwas ako sa aking paghiga at napasapo sa ulo ng maramdaman ang hilo dahil sa biglaang pagupo.
" Oo nga pala!" Tumingin ako kay Katya na nakataas ang kilay. " Nakalimutan kong sinabi kung anong oras." Anas ko.
Nagmadali akong naligo at nagayos, hindi ko na nga pinaayos kay Katya ang buhok ko at hinayaan nalang itong nakalugay.
" Hindi ka ba kakain?" Tanong ni Katya ng nagmamadali akong inaayos ang gamit ko.
" Just tell them to pack my breakfast, sa kotse na ako kakain." Saad ko.
Iyong sketch baka makalimutan ko pa.
" Okay sige." Ani Katya na lumabas ng silid ko.
I searched on my phone then saw his one missed call last night. Walang text or tawag na sumunod pa.
Kanina pa kaya siya naghihintay? Bakit ba kasi nakalimutan ko.
" Saan ka pupunta Señorita?" Masungit na tanong ni Perla habang pababa ako ng hagdan. " Kailangan mong magbeauty rest-"
" I have some important things to do Perla, and I don't need your approval for that." Naiinis kong sagot.
Tumingin ako kay Katya na nagaalangang lumapit sa akin dala ang isang brown paper bag.
" Kailangan malaman muna ito ni Donya Angelita, Senyora." She added with a warning tone.
Kinuha ko ang dala ni Katya at ibinigay na muli ang buong atensiyon kay Perla.
" Go, I don't mind." Sambit ko at naglakad na palabas ng mansyon.
Nakita ko si Rad na nakasandal sa kotse. Tumayo ito ng mabuti ng makita ako.
" Rad, ibalik mo siya bago ang tanghalian!" Paalala ni Perla na hindi ko naramdaman ang pagsunod nito.
I clenched my wrist and rolled my eyes in frustration, hindi ko na hinayaan pang buksan ni Rad ang pinto kusa na ako naglakad patungo sa kotse at pumasok.
" Wala pong problema." Narinig kong sagot ni Rad bago tuluyang pumasok sa loob ng kotse.
Nakita ko ang pagsulyap nito sa salamin bago tuluyang pinaandar ang kotse.
" Sa malaking mall tayo sa bayan." Tipid na sagot ko sa kanya at tumingin sa labas ng bintana, gusto kong humingi ng tawad sa kanya dahil sa paghihintay niya ng matagal. Pero hindi ko naman alam kung papaano simulan.
Napangiwi ako ng hindi pa kami nakakalayo sa mansyon ay naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko.
Sumulyap ako kay Rad na seryosong nagmamaneho.
" Nag-Nagalmusal ka ba?" Nagaalangang tanong ko.
" Yeah." Tipid na sagot nito. Tumango tango ako at kinuha ang paper bag na inihanda ni Katya.
" I'm sorry to keep you waiting, napasarap ang tulog ko." Nahihiyang saad ko habang kinukuha ang sandwich na ginawa ni Katya.
Apat ang ginawa niya kaya sobra na ito sa akin.
" It's okay. Did I wake you up?" Nagulat ako sa tanong niya na ikinakunot ng noo ko.
" Huh?!" Tanong ko sa kanya.
" I'm trying to call you last night. I might wake you up, I forgot you must be tired." Saad nito.
Biglang lumukso ang dibdib ko sa kanyang sinabi, hindi ko mapigilang ngumiti ngunit ayokong makita niya ito, I pouted my lips to refrain myself from smiling.
Hindi ako makahinga ng maayos.
" Ayaw mo bang kumain? Maraming inihandang sandwich si Katya sa akin." Saad ko sabay kagat sa tinapay na hawak ko dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin upang mailayo ang topic namin.
Sumulyap ako sa kanya sa salamin at nakita ko ang pagngisi niya. Naghumerantado bigla sa bilis ang dibdib ko.
Mabilis kong inubos ang sandwich na kinakain ko upang mawala sa isipan ko ang pagngisi nito.
Nasamid ako sa pagkain ng sandwich, at naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan. Pinagpapalo ko ang itaas ng dibdib ko at mabilis na hinanap ang tubig sa paper bag ngunit walang tubig na inilagay si Katya, gusto niya ba akong mamatay?
Napatingin ako kay Rad ng may iniabot ito sa aking bote ng tubig na nakabukas na. Mabilis ko itong ininom at nakahinga ng maluwag ng nawala ng ang bara sa lalamunan ko.
Napahinto ako ng mapansin na malayo pa kami sa bayan at huminto na ang sasakyan. Tumingin ako sa kanya na nagaalala ang mukha.
" Bella, you should eat slowly." Anito sa akin pagabot ko ng bote ng tubig sa kanya.
Nanigas ako ng mas lalo nitong iniharap ang kanyang katawan at inabot ng kaliwang kamay nito ang dulo ng labi ko.
Ngumisi ito at napailing. " ...you eat like a kid." Dagdag pa nito.
Para akong tuod na tumingin sa seryoso niyang mukha. Naramdaman ko ang paghaplos ng palad nito sa labi ko. Naginit ang buong katawan ko ng nagtama ang mga mata namin. Pagkatapos ng nangyare ay tahimik lang ako buong biyahe. Masyadong maraming mga bagay na bumabagabag sa isipan ko, at dumagdag pa itong si Rad.
" You can wait here." Saad ko bago tuluyang lumabas ng kotse.
Napatingin ako sa kanya na sumunod sa akin sa paglabas.
" I'm going with you." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya, get a hold of yourself Bella.
I looked away and nodded slowly. " Okay."
I don't know if it will work, but I wanna try.
Alam kong nagpagawa na si Mama ng mask para sa gagamitin ko sa masquerade party. Pero hindi niya naman malalaman na magpapagawa ako ng isa pa. Surely, she went to one of the famous designer, I know her too well.
" Señorita Bella," manghang salubong sa akin ng isang pamilyar na babae. Inilipat ko ang tingin ko sa kanyang name plate, Jena.
She was in her forties but still look younger than her age. Sumulyap ito sa likuran ko, at muling inilipat ang tingin sa akin na nakangiti.
" Hi," tipid na ngiti ang iginawad ko sa kanya. Iginiya niya ako patungo sa loob ng shop nito, kung saan may iilang tao din ang nandoon at inaassist ng mga staff nito.
" Are you here to check on your mask if it fits Señorita?" Tanong nito. Noon pa man sakanya na madalas magpadesign ng mga bags and accessories si Mama. I don't know her personally, I often see her.
Sumulyap ako kay Rad na nakakunot ang noong nakatingin sa akin.
" Yes, if it's okay with you Jena?" I asked.
Ngumiti ito sa akin at tumango. " Sasabihin ko palang sana kay Donya Angelita, mabuti nalang at napasyal ka dito." Anito.
" May bibilhin lang sana ako dito, nagpasya na din ako na dumaan." Pagsisinungaling ko.
Tumango tango ito. Sumulyap itong muli sa likuran ko at tumingin sa akin. " You can come with me, Señorita." Anito at ngumiti.
Sumulyap ako kay Rad na hinihintay ang sasabihin ko. " Kindly wait here, Rad." Sabi ko at turo sa sofa.
Sumunod ako kay Jena na pumasok sa isang pintuan. Namangha ako ng makita ang iilang diseniyo nito sa iba't ibang mga bags and clothes, embroidered and painted.
" Tapos na ba ito?" I asked.
" Finishing nalang, pero matatapos namin ito at the end of the week." Anito at may kinuhang isang magandang mask sa loob ng secured glass.
It was a half mask that is carefully hand-made with the finest quality that was perfectly match on my gown. The material was metal with a lavender color and a small beads of diamonds around its eye part. It wasn't finish but I know this would be a beautiful mask. It was perfectly fitted on my face.
" Wow! I knew it." Ani Jena na nasa likod ko while I am looking at the big mirror.
I smiled at her and hand the mask. " Like I've expected."
" Do you like it?" Anito na maingat na ibinabalik sa lalagyan.
" Yes!" Agap kong sagot.
" I swear Señorito Esteban would love it!" Dagdag pa nito.
May kumatok sa pinto at may sumilip dito na babae na isang staff niya sa shop. " Ms. Jen, may gusto pong kumausap sa iyo ng client." Anito kay Jena.
Tumingin sa akin si Jena at ibinalik ang tingin sa staff niya.
" Kindly tell them to if it-"
" No, it's okay Jena. Aalis na din naman ako, I just came here to check on my mask." I said cutting her off in her mid sentence. Napaawang ang labi nito at tumango.
" Are you sure Senyora?" Nahihiyang tanong nito.
" Yeah! I don't mind, I just roam this room if it's okay with you?" Ngiti ko.
" Oh no problem! Please, excuse me." Anito at nagmadali ng lumabas ng silid.
Napangisi ako at mabilis na kinuha ang cellphone sa pouch ko, glady the cctv camera wasn't on my direction. I glanced at the door and hurriedly take photo on my mask.
Mabilis kong tinago ang cellphone ko ng makita ang clear capture ko nito at huminga ng malalim dahil sa kaba na nararamdaman ko. I can ask for duplicate but I know Jena, she's close to my mom. She might tell her about it, kaya I don't have a choice.
Lumabas ako ng silid at nakita si Jena na may kausap na iilang mga guest nito. I looked at Rad who was talking to some staff while laughing. Napansin ako nito kaya maagap na tumayo, pinasadahan ko ng tingin ang dalawang babaeng staff na kausap niya.
Naglakad ako patungo kay Jena upang magpaalam. Naramdaman ko ang pagsunod sa akin ni Rad.
" Mukhang nagiging malapit ka sa mga babae dito." Hindi mapigilang puna ko habang naglalakad kami palabas ng mall.
" They just asked me some questions." Sagot nito, tumaas ang kilay ko at tumikhim.
Tumango tango ako. " Talaga? Mukhang enjoy na enjoy ka." Nakaramdam ako ng inis sa hindi malaman dahilan at nagmadali nalang lumabas ng mall.
" Abella," anito at naramdaman ang kamay sa aking palapulsuhan. Napahinto ako at tumingin sa kanya na nakakunot ang noo. " ... hindi mo ba itatanong kung ano pinagusapan namin?" Kuryosong tanong nito.
I hissed and removed my wrist on his hand. " Like I care, bilisan mo nga at may pupuntahan pa tayo." sabi ko at mabilis na lumabas ng mall patungo sa kotse namin.
Ngumisi ito ng pinagbuksan ako ng pituan ng kotse. Tumikhim ako bago tuluyang pumasok.
" Bagay daw tayo," napatingin ako sa kanya sa salamin na seryosong pinapaandar ang sasakyan.
" What?" Naguguluhang tanong ko sa sinabi niya.
" They asked me if I am your boyfriend." Anito at tuluyan ng pinaandar ang sasakyan.
Napakurap ako sa sinabi niya at iniwas ang tingin. " A-Ano sagot mo?" nagaalangang tanong ko.
" No," tipid na sagot nito, nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Tumikhim ako at tumango. " But I wanna court her, sagot ko." My jaw dropped and looked at him with my eyes wide opened.
Sumulyap ito sa salamin at ngumiti. Hindi ko alam ang sasabihin ko, kanina lang ay naiinis ako sa kanya dahil may kinausap siyang mga babae. Ngayon ay halos matunaw ako sa hiya sa sinabi niya.
Totoo ba ang narinig ko?
" Saan tayo Señorita?" Tanong nito ng mapansin ang katahimikan ko.