"How is she?" tanong ko kay Dad habang mariin itong nakatitig kay Mom na ngayon ay nakatulalang nakatitig sa mga halaman. Inaasikaso nina Manang Rosa at Josie si Mom. Pinapakain ni Manang Rosa habang si Josie naman ay waring kinukwentohan ng kung ano-ano si Mom. Lumingon ito, "She is fine. But as you can see, lagi na lang siyang ganyan. Nakatulala. Minsan maayos naman siya na parang normal lang ang lahat, pero ilang sandali lang ay magbabago na uli ang mood niya. Ang dami niyang mga sinasabi at hinahanap na gaya nang dati pero hindi ko maintindihan," bumuntonghininga ito. "I always hear her mention Sarah's name and your child. But then she will go back to being quiet. I tried to talk to her and ask questions about it, but she just stared at me," Napakunot naman ang aking mga kilay at ag

