bc

The Billionaire’s Virgin B*tch (SPG)

book_age18+
1.0K
FOLLOW
3.1K
READ
billionaire
sex
second chance
CEO
drama
sweet
bxg
small town
seductive
wild
like
intro-logo
Blurb

f**k BUDDIES ONLY!

Pagkatapos mabigo ni Chiara sa kaniyang ex-fiancé na pinagpalit siya sa kaniyang bestfriend, nangako siya sa sariling hindi na magmamahal ng kahit sino. Isang gabi, habang payapang umiinom sa isang bar, nakilala niya ang isang bilyonaryo na si Kyler Del Fuego, isang negosyante na pinsan pala ng kaniyang ex-fiancé. Pareho silang bigo na naghahanap ng init sa katawan kaya napagkasunduan nilang dalawang maging f**k buddies—friends with benefits lamang.

BAWAL MA-IN LOVE, BAWAL MA-ATTACH!

Pero ano kaya ang mangyayari kung sa kalagitnaan ng kanilang sitwasyon ay nakita na lang ni Chiara ang sarilng nahuhulog na kay Kyler? How will fate play with their hearts?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“Anong ulam natin, Ate?” Napatingin naman ako Jewel na nakadungaw sa bintana namin. Hindi pa kasi ako tapos sa paglalabada ko kaya hindi pa ako makapagluto ng gulat para sa tanghalian naming dalawa. “Ipagluluto kita ng bangus na may kalabasa maya-maya, Beb. Tatapusin ko lang ‘to ha?” Tumayo naman siya sa kinauupuan niya at naglakad palapit sa akin. “Ako nalang kasi ang magluluto, Ate. Hanggang ngayon ba ay wala pa rin kayong tiwala sa mga niluluto ko?” Napangiti naman ako. “Hindi naman sa gano’n. Pero alam mo namang sabi ng doktor mo ay kailangang less sa salt at maaalat na pagkain. Baka kasi kung ano na naman ang ilagay mo at umatake na naman ang sakit mo,” pahayag ko. “Ay siya sige, Ate. Pagkatapos ng paglalaba mo diyan ay ako nalang ang magdadala niyan kela Ma’am Cordovez para hindi ka na mahirapan mamayang hapon.” Napangiti naman ako. “Sige. Mabuti nga ‘yon at pupunta ako ng bayan mamaya para bumili ng bigas natin para bukas.” “Okay, Ate!” Napa-iling nalang ako at tinapos ko na ang pagbanlaw sa mga labahin. Simula kasi noong namatay si lolo ay nagpatuloy pa rin ako sa pag-aaral, pero noong naubos na ang pera at ipon namin pati na rin ang pag-lala ng sakit ni Jewel kay kinailangan kong tumigil na sa pag-aaral kahit na graduating na ako. Pwede pa rin naman akong mag-aral sa mga susunod na taon kaya uunahin ko muna ang kapatid ko. Sixteen years old na ngayon si Jewel, at sadya naman talaga siyang matangkad keysa sa akin. Matagal nang wala ang mga magulang namin kaya wala na kaming choice kung hindi ang buhayin ang isa’t-isa. “Nakapagsaing ka na ba?” tanong ko namam habang nagsasampay ng mga nilabhan ko sa tapat ng bahay. Tumango naman siya sa akin. “Kanina pa, Ate. Nakapaghiwa na rin ako ng sibuyas atsaka luya para sa lulutuin mo.” Napangiti nalang ako at tinapos na ang pagsampay. Pagkatapos ay nagluto na ako ng bangus na may kalabasa at kumain na kaming dalawa ni Jewel. “Naghahanap ka na ba ng trabaho ngayon, Ate? Gusto mo tumigil na muna ako sa pag-aaral at tutulungan nalang kita?” Napatigil naman ako sa pagkain at napatingin sa kaniya. “Anong titigil? Walang titigil hangga’t kaya kong maglaba araw-araw at magbenta ng kung ano-ano ay ipagpapatuloy mo ang pag-aaral mo. Okay?” Ayoko kasing tumigil siya dahil lang wala kaming pera. Maysakit nga si Jewel, pero matalino naman siya sa klase kaya sayang naman kung patitigilin ko. Napabuntong-hininga naman siya. “Eh kasi Ate, sayang naman ang isang taon nalang at graduate ka na sana. Kung hindi lang sana lumala ‘yung saki ko noong isang taon ay sana ngayon graduate ka na.” “Hayaan mo at maghahanap ako ng scholarship o part-time job ngayong summer para makapagpa-enroll na ako kahit diyan nalang sa bayan. May state college na rin naman kaya hindi na tayo mahihirapang umalis sa malayo,” pahayag ko naman sa kaniya para hindi na siya mag-alala sa akin. “Sana hindi nalang ako nagkasakit, Ate. Sana ngayon ay nagtatrabaho ka na sa isang malakin kompanya at magkaroon ng boyfriend na mayaman o kaya naman anak ng may-ari...” “Alam mo ikaw, sa pelikula lang ang mga ‘yan. Bawas-bawasan mo kakabasa ng mga romance novels at kakainin ka lang ng pag-iisip ng perpektong buhay.” Putol ko naman sa pagsasalita niya at tumayo na dahil tapos na akong kumain. “Liligo na ako at pupunta pa ako ng bayan para bumili ng bigas. Ikaw na ang bahala rito sa bahay ah? Baka kasi may mga bagong liptint si Chang Mariana at baka makakuha pa ako ng ibebenta,” sambit ko pa. Rumaraket din kasi akong magbenta ng mga produkto ng mga may malalaking tyangge sa bayan pandagdag sa tustusin namin ditosa bahay. Minsan ay gumagawa rin ako ng mga DIY na tsinelas o bakya kaya may gamit para maibenta ko. Pagkatapos kong maligo ay dinala ko na ang paborito kong bayong at umalis na papuntang bayan. Nang makarating naman ako ro’n ay agad akong tumungo sa suki ko para bumili ng mga gulay. “Oh ikaw pala Jen, kumusta naman na ang kapatid mo ngayon?” tanong naman sa akin ni Chang Merna nang makarating ako sa pwesto niya. Ngumiti naman ako nang malapad. “So far po ay gumagaling naman dahil palagi kong pinapakain lang ng mga masustansiyang pagkain at gatas kaya baka next school year ay makapag-aral na ulit ako.” “Aba magandang balita ‘yan, Jen. Mukhang unti-unti nang umaayos ang buhay niyo ah?” “Hindi naman po at marami pa rin talagang gastusina dahil mau gamot ding iniinom si Jewel, pero syempre dahil sa awa ng diyos ay nakakaahon din kami,” tugon ko pa. Mabuti nalang talaga at nakilala ko ‘tong si Chang Merna at iisang barangay lang naman kami, pero siya ang tipong kapitbahay na mabait sa amin. “Ano dating gulay pa rin ba?” Tumango naman ako. “Opo, gano’n pa rin po.” “Kalabasa, malunggay, petchay, at sitaw,” sambit niya naman sabay lagay ng mga gulay sa plastic. Naglabas naman ako ng isang-daan piso at ibinigay sa kaniya. Mabuti nalang at hindi high-maintenance ang pagkain ni Jewel dahil sa sakit niya. Bawal kasi kumain ng mga karne at maaalat na pagkain. “Maraming salamat, Chang. Mauna na po ako at pupunta pa ako kay Mariana sa kabilang kanto,” pahayag ko naman sabay kuha ng plastic na may lamang gulay at inilagay sa bayong na dala ko. “Mag-iingat ka, Jen!” Kumaway na ako kay Chang Merna at tumungo na sa tyangge ni Chang Mariana. Nang makarating naman ako ro’n ay agad akong sinalubong ng anak niyang si Paul na may gusto sa akin. “Jen, nandito ka pala. Nasa loob lang si Mama, tara pumasok ka muna,” pahayag niya naman nang makita niya ako kaya napangiti ako. “Ay sige sige, salamat,” ani ko naman at pumasok na sa loob. Napatingin naman ako sa buong bahay dahil sobrang hilig pa naman ni Chang na mangolekta ng mga halaman kaua punong-puno ang bahay nila ngayon. Hiwalay ang kaninlang tindahan sa bahay kaya kapag pumupunta ako ay dito na ako dumidiretso. “Meryenda ka muna, Jen.” Nagulat naman ako nang biglang tumambad si Paul sa harapan ko na may bitbit na isang baso ng juice at pandesal. Napangiti naman ako. “Ay, hindi na kailangan, Paul. Nag-abala ka pa talaga,” sambit ko naman. Alam ko namamg crush niya ako, pero kukuha lang naman kasi ako ng paninda ng ina niya kaya hindi na niya kailangan pang gawin ‘to. “Okay lang ‘yon, alam mo namang malakas ka sa’kin eh.” Napakindat naman siya kaya muntikan na akong mabilaukan. Pogi si Paul at halos lahat ng taga-bayan ay may gusto sa kaniya, pero hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita ko siya ay hindi manlang ako kinakabahan ko kinikilig. “Nandito ka na pala, Jen!” Napatingin naman ako kay Chang Mariana na katatapos lang maligo kaya agad akong napatayo. “Chang,” mahinang sambit ko. “May bagong mga liptint ho ba kayo ngayon? Magbebenta sana ako dahil wala na akong mga labahin ngayon eh.” Napangiti naman sa akin si Chang. “Aba, kasipag na bata. Ay mayroon pa naman akong natira at talagang nag-reserve talaga ako ng para sa’yo, Jen.” Natuwa naman ako nang marinig ‘yon dahil nga at kailangan ko talaga nang mapagkakitaan ngayon. “Maraming salamat po, Chang.” May inilabas naman siuang maliit na karton at ahad itong iniabot sa akin. “Tatlumpu ang nandiyan sa loob at pumili ka nalang ng gusto mong gamitin at ibibigay ko sa’yo ang isa,” sambit niya naman kaya napangiti ako. “Talaga ho? Nako, maraming salamat po talaga, Chang. H’wag kayong mag-alala at mga ilang araw lang ay naibenta ko na lahat ng ‘to,” wika ko naman sabay kuha na ng box. “Kaya gustong-gusto ko talagang ikaw ang nagbebenta dahil mabilis lang maubos, Jen.” “Kaya nga po, sige po mauna na ako at para maaga kong maibenta ‘tong mga ibinigay mo,” pahayag ko pa. Bigla naman akong hinawakan ni Paul sa braso. “Nagluto ang Mama ng biko baka gusto mo munang tumigil dito, Jen.” “Oo nga naman, Jen,” dagdag pa ni Chang. Napa-iling naman ako. “Pasensya na ho talaga hindi kasi talaga ako pwede ngayon.” Nakakahiyang tanggihan si Chang, pero kailangan kasi. “Ayos lang ‘yon, Jen. Sige saka nalang,” anito. “Sige po alis na ho ako, salamat nga pala sa libreng pa liptint,” pahayag ko naman at napasulyap kay Paul. “Sige Paul una na rin ako.” “Ingat ka.” Ngumiti nalang ako sa kanila at lumabas na ng bahay. Kailangan ko ‘tong maibenta ngayon hanggang bukas dahil maghahanap na agad ako ng part-time job na pwedeng pasukan dahil medyo maayos na naman ngayon ang kondisyon ni Jewel.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook