Nang makalabas ako sa eskinita ay nagbantay na ako ng tricycle para maka-uwi sa bahay. Napahinga naman ako ng malalim dahil alam kong sa pwesto kong ‘to ay hinding-hindi ako matitigilan ng tricycle.
“Ano ba naman ‘to, ang init na nga ng panahon sumabay pa ‘tong daan,” sambit ko naman sa sarili ko habang tumatawid sa daan.
Huli naman nang mapagtanto ko na may mabilis na sasakyang paparating, pero nasa pedestrian lane naman ako kaya hindi ako kinabahan. Nagtaka naman ako dahil mukhang walang planong tumigil ang sasakyan kaya wala na akong nagawa kung hindi ang yumuko nalang dahil sa tingin ko ay katapusan ko na.
“Aaaahhh!” napasigaw ako nang wala sa oras.
Hindi kasi talaga tumitigil ang sasakyan kaya umupo nalang ako at tinakpan ang mukha ko. Mga ilang segundo pa ang nakaraan nang mapagtanto kong buhay pa rin ako. Unti-unti naman akong nakakarinig ng daing galing sa isang matanda kaya iminulat ko nalang ang mga mata ko.
“Hija! Hija!” tarantang bulyaw niya naman sabay yugyog sa akin kaya napatingala ako.
Nagulat naman ako nang makita ang isang pamilyar na mukha, pero hindi ko naman maalala kung saan ko siya nakita. Nanginginig akong tumatayo habang nakatihaya na sa kalsada ang mga binili kong gulay kaya dali-dali ko itong pinulot at ibinalik sa bayon.
“Hija, hija! No need to do that, I’ll just pay for the inconvenience I’ve caused you,” sambit niya naman kaya muli akong napatingin sa kaniya.
Inayos ko naman ang buhok ko. “Ayos lang ho ako, Madam. Hindi niyo na po ako kailangang bayaran dahil ayos pa naman ‘tong mga pinamili ko.”
Patuloy pa rin ako sa pagkuha ng mga natapong gulay nang bigla akong ituro ng matanda.
“Aren’t you the girl who saved from from the falling bricks around the mall?” tanong niya naman sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.
Agad ko naman siyang naalala kaya napangiti ako at tumayo na. “Ako nga ho, Madam. Kaya po pala mukhang pamilyar kayo sa akin. Nagkita na po pala tayo.”
Ngiting-ngiti naman siya sa akin. “What a small world,” pahayag niya naman sabay abot ng kamay niya sa akin. “I never thought I would bump you in here. Taga rito ka ba, Hija?”
Pinark na ng driver niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada kaya gumilid na rin kami ni Madam. May katandaan na siya, nasa 70’s na siguro ang edad pero hindi pa rin gano’n katanda ang mukha niya.
Napa-iling naman ako. “Hindi po, namamalengke lang po ako dito sa bayan at isang sakay lang naman po pauwi sa amin.”
“Is that so?” Agad naman siyang may kinuha sa kaniyang bag at nagulat ako nang may inilabas siyang ilang-libong pera. “Here, take this child.”
Agad naman akong napa-atras. “Hindi na po, Madam. Ayos lang naman po ako kaya hindi n’yo na dapat gawin ‘yan.”
Ayoko naman kasing isipin niya na mukhang pera ako. Pinalaki kami ng lolo ko ng maayos, at huwag dapat maging gahaman sa pera ng ibang tao kahit na nangangailangan pa kami dahil palagi niyang pinapaalala sa amin na ang pera ay dapat na pinaghihirapan.
Nadismaya naman ang mukha ni Madam kaya ibinalik niya nalang ang pera sa bag. “This is the second time you rejected my offer, Hija. Anyway, do you any job right now?”
Napatingin naman ako sa kaniya nang bigla niyang binanggit ang tungkol sa trabaho. “Uhmm, honestly wala po, Madam. Pero maghahanap na rin ako ngayong bakasyon dahil wala pa namang pasok ang kapatid ko.”
“So you haven’t really applied for a job?” tanong niya pa ulit.
Tumango naman ako. “Opo, Madam.”
“Then I think I’ve found the perfect job for you. Are you willing to be my caretaker? I’m finding someone trustworthy enough to take care of me and my husband, Hija.”
Nagulat naman ako sa biglang offer niya sa akin dahil I think this time ay hindi ko na talaga tatanggihan, pero agad ko namang naisip si Jewel dahil hindi ko naman siya pwedeng iwan dito habang nagtatrabaho ako.
Napabuntong-hininga naman ako. “Gusto ko ho sana, Madam. Kaso lang kasi may kapatid akong may sakit kaya hindi ko rin naman siya pwedeng iwan nalang sa bahay habang ako naman ay nagtatrabaho.”
I won’t sacrifice my sister para lang makapaghanap ng pera. I just can’t. Siya nalang ang natira kong pamilya.
Agad namang napangiti sa akin si Madam. “That is not a problem, Hija. Bring your sister into our home and I’ll give her the hest education she wants,” sambit niya pa kaya nagulat ako.
Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kaniya dahil sobrang bait ng pag-offer niya sa akin kaya natagalan muna bago ako makasagot. Ayoko rin naman kasing magpadalos-dalos sa desisyon ko na ‘to.
“Sigurado ho ba kayo diyan, Madam? Hindi lang din po kasi ganyan ang iniisip ko lalo na at may heart disease ang kapatid ko kaya kailangan ko rin siyang maagapan,” sambit ko pa. “Hindi ko po alam Madam kasi masyadong malaki na po ‘tong problema ko at ayoko namang pasanin niyo pa ‘yon.”
Napansin ko namang may inilabas siyang card sabay abot nito sa akin. “This is my calling card and my address, hindi kita minadali, Hija. Kapag kailangan ko ng work ay pumunta lang kayo ng kapatid mo sa bahay anytime at welcome na welcome kayo ro’n. I’ll appreciate that if bukas ay nandoon na kayo sa tapat ng gate namin dahil ako na ang bahala sa inyong dalawa.”
Agad ko namang kinuha sng calling card niya at napangiti. “Maraming salamat, Madam. Huwag kayong mag-alala at kakausapin ko lang ang kapatid ko tungkol dito at pupunta nalang ho kami sa inyo kapag nakapagdesisyon na.”
“That’s good to hear. I’ll be leaving now, Hija. May kailangan pa akong puntahan kaya mag-iingat ka sa pag-uwi and I am very sorry for what happened earlier.”
“Ayos lang po ‘yon, Madam,” wika ko. “Mag-iingat din po kayo.”
Ngumiti na siya at bumalik na sa kanilang sasakyan. Pinagmasdan ko hanggang sa mawala na sa paningin ko ang itim na sasakyan nila at tumawid nalang ulit hanggang sa maka-uwi na ako. Nang makarating ako sa bahay ay nadatnan ko naman si Jewel na nagwawalis sa loob.
“Oh Ate, medyo natagalan ka ngayon ah? Napachika ka ba ulit kay Chang Merna?” bungad na tanong niya naman sa akin nang makapasok na ako sa loob.
Tinulungan niya naman ako sa mga bitbit kong gulat sabay lapag nito sa mesa. Napahinga naman muna ako dahil kanina pa ako nahihingal sa kakalad papasok dito sa amin.
“Hindi may nangyari kasi kanina bago ako maka-uwi kaya natagalan pa ako,” wika ko. “Ay siya nga pala, may nag offer sa akin ng trabaho, pero sa tingin ko sa mga exclusive at private subdivisions lang ‘to kaya mahihirapan akong hanapan ka ng murang paaralan kapag nagkataon.”
Bahagya namang nagulat sa akin si Jewel. “Anong ibig ninyong sabihin, Ate? Anong paaralan?”
Ngumiti naman ako at inilabas ang calling card na ibinigay ni Madam kanina. Nakalimutan ko naman tanungin ang pangalan niya kaya pinagmasdan ko nalang ang calling card.
“Cynthia Salcedo, block 1...”
“Patingin nga ako, Ate.” Putol naman ni Jewel sa pagbabasa ko kaya agad ko itong ibinigay sa kaniya.
“Hindi ko nga alam kung legit ba ‘yan, baka kasi niloloko lang tayo niyan eh pagkatapos ay sindikato pala. Nako nga!”
Napakunot naman ang kilay niya habang pinagmasdan ang calling card kaya nagtaka ako.
“Bakit?” pagtatakang tanong ko.
Agad naman siyang tumayo sabay takbo papunta sa upuan sa sala. “Wait, Ate. May kukunin lang ako.”
Nang makabalik naman siya ay agad siyang may dalang magazine sabay bigay sa akin.
“Ano ‘yan?”
“Look, Ate. Siya ‘yan hindi ba?”
Pinangmasdan ko naman ang litrato at nagulat nang makita ang pangalang Cynthia Salcedo. Sila pala ang may ari ng Georgia na sikat dahil sa kanilang mga naggagandahan sandals at sneakers shoes.
“Legit pala? Hindi ko naman akalain na isa palang bilyonaryo ang nakilala ko kanina,” hindi makapaniwalang sambit ko pa. “Nag-offer kasi siya sa akin ng trabaho at papa-aralin ka pa raw niya. Ano go ba tayo, sis?” tanong ko pa sa kaniya.
Ngiting-ngiti naman sa akin si Jewel ngayon kaya napatawa ako. “Ikaw Ate, anong gusto mo?”
“Ito talaga nahiya pa, sabihin mo nalang kasing gusto mo at tayo ay lalarga na bukas. Malaking opportunity din sa atin ‘to kaya gora na agad,” tumayo na ako at lumapit sa kaniya sanay yakap ng mahigpit. “Huwag kang mag-alala at gagawin lahat ni Ate ang lahat maiahon ko lang ang buhay natin.”
“Salamat Ate ha? Ipagdadasal ko palagi na makita niyo na rin ang gusto niyong prince charming. Alam ko rin kasing gustong-gusto niyo si cinderella.”
“Loko ka! Ay siya magluto tayo ng hapunan pata maaga pa tayong makapag-ayos ng mga gamit natin mamaya at aalis na agad tayo rito bukas,” sambit ko naman at kumawala na ng pagkakayakap sa kaniya.