Kinaumagahan ay maaga pa kaming magising ni Jewel at agad na ring nag-ayos. Hindi naman kasi maganda na anong oras na kami dumating doon kaya maaga palang ay nakahanda na kaming dalawa.
“Ano, tapos ka na bang mag-ayos lahat ng mga gamit mo? May naiwan ka pa ba?” sunod-sunod kong tanong sa kaniya nang makalabas na siya sa kwarto namin.
Ngiting-ngiti naman siya sa akin ngayon. “Oo, Ate. Kagabi pa ako excited eh. Ilang oras ba nag byahe papunta sa mansiyon nila?”
“Hmm, hindi ko rin alam eh. Isa pa matagal na rin akong hindi nakakapunta ng siyudad at sa capital kaya hindi ko na rin matandaan. Tingnan nalang natin mamaya.”
Nakahanda na rin ang mga gamit namin kaya lumabas na kami ng bahay. Napatingin naman ako sa munting bahay namin na iniwan pa ni lolo kaya naging emosyonal ako. Ngayon ko lang kasi lilisanin ‘tong bahay dahil simula bata pa ako ay dito na ako nakatira.
“Okay lang ‘yan, Ate. Maintindihan naman tayo ng bahay ni lolo.”
Natawa naman ako kay Jewel kaya marahan kong ginulo ang buhok niya. “Ikaw talaga ang dami mong alam. Siya, halika na at medyo malayo-layo pa ang iba-byahe natin.”
Nagkalad na kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa sakayan. Nag tricycle lang kami hanggang sa makarating kami sa bayan para sumakay ng jeep.
“Paano nga pala Ate ang mga requirements ko sa paaralan? Babalik ba ulit tayo rito?” tanong naman sa akin ni Jewel habang nakapwesto kami rito sa loob ng jeep.
Mangilan-ngilan palang kasi ang pasahero kaya hindi pa makaka-alis kaya siguro ay nainip na siya.
“Hindi ko nga rin alam sa ngayon eh. Pero gusto ko pang munang makasigurado na tatanggapin nga tayo doon sa papasukan kong trabaho. Kahit naman na isang caretaker lang ako ay ayos na ‘yon sa akin basta’t mapag-aral ka lang at makapagtapos.”
Gusto ko rin naman na makapagtapos ng pag-aaral, pero alam ko namang yakang-yaka kong makapagtapos sa mga susunod na taon dahil isang taon nalang naman ang kukunin ko sa college. Uunahin ko lang talaga ngayon ang kapatid ko na Grade 11 na this school year.
“Hayaan mo, Ate. Kapag nakapagtapos na ako at nakapaghanap ng magandang trabaho ay gagawin kitang prinsesa sa bahay natin. Pagkatapos, kapag nagkaroon ka na ng sarili mong prince charmning, edi mas mabuti.”
“Alam mo, h’wag mo nalang akong alalahanin dahil ayos lang talaga ako kapag gumaling ka na rin.”
Napanguso naman siya. “Aba, syempre Ate gusto kong sabay tayo.”
Bahagya naman akong natawa sa kalikutan ng imahinasyon ng kapatid ko. Naikwento ko nga sa kaniya dati na gusto kong maging isang prinsesa na may mapagmahal na prince charming, pero hindi ko naman alam na sineryoso niya pala talaga.
Mga ilang minuto pa ang nakaraan ay napuno nag ang jeep dahilan para maka-alis na ito. Halos isang oras din ang byahe namin dahil hindi katulad ng bus ay mas mabagal naman talaga ang jeep, pagkatapos ay idagdag mo pa ang traffic sa edsa.
“Nahihilo ako, Ate. Mukhang masusuka yata ako.”
Napatingin naman ako kay Jewel. “Sandali lang, pigilan mo muna at malapit na rin naman tayong makababa.”
Wala pa naman kasi akong dalang plastic dito kaya baka magkalat pa ang suka ni Jewel sa buomg jeep at magkaroon pa ng gulo sa loob.BMaya-maya pa ay nakarating na kami sa terminal kaya agad nang bumaba si Jewel at tumungo sa restroom para sumuka.
Hindi naman kasi talaga siya sanay sa malalayon byahe dahil usually ay nasa bahay lang talaga kami palagi, at isa pa ay malapit lang din naman ang paaralan niya sa amin.
“Ano, ayos ka na?” tanong ko naman nang makalabas na siya galing sa restroom.
Itinaas niya naman ang dalawang hinlalaki niya sabay ngiti. “Solve na, Ate. Pero nagugutom na ako Ate, pwede pa tayong kumain muna rito?”
“Oo naman.” Inilibot ko na ang paningin ko sabay hanap ng pwedeng kiosk na kakainan namin.
Naglakad na ako patungo sa isang stall kaya sumunod naman sa akin si Jewel. Nag-order lang ako ng tocilog para kay Jewel at siomai naman sa akin. Kumain naman kasi kami kaninang umaga ng noodles at isinuka niya lang talaga ang pagkain niya.
“Anong oras na, Ate?”
“Alas-osto palang ng umaga. Maaga pa kaya siguro nasuka ka dahil din sa hangin,” tugon ko naman sabay subo ng isang siomai.
Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan siyang kumakain. Ngayon nalang kasi kami ulit nakalabas ng ganito para kumain. Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming naghanap ng pwedeng sakayan papunta sa subdivision ng mga Salcedo.
Mayroon namang shuttle bus na tumigil dito na papunta raw doon sa tinitirhan ng mga Salcedo kaya sumakay na kaming dalawa ni Jewel.
“Bongga naman ng service nila, Ate,” sambit niya naman nang makasakay na kamigg ng dalawa kaya napatawa ako.
“Oo nga, mabuti nalang talaga at nag-offer sa akin si Madam ng trabaho at ngayon ay may matitirhan na tayong maayos.”
Sa bahay kasi ay tuwing umuulan ay kailangan naming maghanap ng pwesto ni Jewel kung saan may walang tumutulo. Wala rin naman kaming perang pambili ng bagong bubong dahil tsakto lang din naman ang kinikita ko sa pagkain namin sa araw-araw at baon niya sa eskwelahan.
Nang makarating naman kami sa loob ng subdivision ay hindi naman ako makapaniwala sa laki ng mga bahay sa loob. Ang akala kong sa pelikula ko lang makikita ay ngayon ay tanaw na tanaw na ng mga mata ko.
“Grabe Ate ang lalaki naman ng mga mansyon dito. I wonder kung gaano kayaman ang mga magiging amo mo, Ate.”
“Pasaan kayo mga Ineng?”
Napatingin naman ako sa unahan nang biglang nagsalita si Manong driver sa unahan.
“Roosevelt street, Manong. Block 2 lot 26 po.”
Mabuti nalang talaga at kumpleto ang nasa calling card ni Madam kaya wala na akong proboema sa paghahanap ng bahay nila lalo na at mayroon din namang shuttle na magdadala sa amin.
“Sigurado ba kayo mga Ineng? Bahay ng mga Salcedo ang pupuntahan ninyo.”
Tumango naman ako. “Opo, Manong. Inalukan kasi ako ng trabaho ni Madam kaya tama nga ang address na ibinigay niya sa amin.”
Hindi nalang nagsalita si Manong at nagpatuloy sa pagdrive hanggang sa tumigil na kami sa isang napakalaking gray na gate.
“Ito na po ba ‘yon, Manong?” tanong ko sabay turo.
“Iyan na nga ang bahay nila.”
“Salamat po.”
Bumaba na kaming dalawa ni Jewel bitbit ang mga bag naming may laman na mga damit. Hindi naman ako halos makapagsalita dahil hindi ko na maaninag ang bahay sa loob dahil sa taas ng gate.
“Nakakatakot naman ‘tong mansiyon nila, Ate. Hindi mo makita-kitaang nasa loob.”
Napangiti naman ako. “Hayaan mo nalang. Tara na at kumatok para makilala mo na rin si Madam Cynthia sa loob.”