Teacher's Enemy Lady_ROXIE23 Chapter 55 .. … Anika’s POV “Where are you going Anika? tanong ni Daddy Estor. Nakababa na ako at naaabutan siyang nanonood ng action movie sa sala. “Sa trabaho po,” aniya ko. Nakakamiss din ang maging pagod sa hospital, lalo na ang Kaibigan ko doon na paniguradong raratratin ako ‘pag nakita na naman niya ako. “Trabaho?” takhang sabi niya. Napakunot ang noo niya. “Doctor po ako,” aniya ko. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha na mukhang walang alam sa trabahong meron ako. “Really?” tanong niya. “Opo, mag-ingat po kayo dito ni Kuya, kailangan ko na pong umalis,” aniya ko. Humalik ako sa pisngi niya at agad nang lumabas ng Mansion. Paglabas ko ay agad na may pumaradang sasakyan sa harapan ko. Binuksan ko ‘yun at agad na sumakay. “Good

