... Anika’s POV May bigla na lamang kumatok sa kwarto ko dahilan para magising ako, agad kong pinabangon si Rafael, noong una ay ayaw pang gumising at pilit na isiniksik ang sarili sa akin pero noong sabihin kong may tao sa labas ng kwarto ay agad siyang tumayo at pumasok sa kusina papunta sa kwarto niya. Habang tumayo naman ako para pagbuksan ang nasa labas ng kwarto, pagbukas ko ay bumungad sa akin si Josie, ang kausap na Katulong kahapon ni Daddy Estor. “Hi,” nakangiting sabi ko. “Pinapasabi po ni Sir Estor na bumaba na daw po kayo dahil kakain na, naistorbo po ba kita?” kinakabahan niyang aniya. Mahina akong tumawa. “Hindi naman, sige susunod na lang ako, Josie right?” ani ko. “Opo, Ma’am.” “Tanggalin mo na lang ang Ma’am, ilan taon ka na ba?” tanong ko. “Thirthy-nigh

