Teacher's Enemy Lady_ROXIE23✍️ Chapter 53 ... Anika’s POV Sabay kaming napatingin ni Rafael sa labas ng kotse noong huminto ito. Napuno ng pagkamangha ang mga mata ko noong masilayan ko ang nakatayong Mansion sa harapan namin. Kung ipagkukumpara mo sa Mansion ni Mommy ay mas malaki ang Mansion na ito. “Are you sure na siya ang Daddy mo? Sobrang yaman niya,” manghang sabi ni Rafael. “Oo,” bulong ko sa kanya. Sa kabila ng pagkamangha ay nagawa pa nitong alalayan akong makababa mula sa kotse ni Estor kasabay na pagbaba si Estor. Nakangiti itong lumapit sa amin ni Rafael“Nagustuhan mo ba ang bahay na ito Anak? Kung nandito lang ang Mommy mo, baka tuwang-tuwa ‘yun, lalo na at pangarap naming magkabuo ng sariling bahay,” mapait nitong sabi, bakas naman ang pagngungulila kay Mommy

