It's Monday today and unlike the previous Mondays in my life, inspired akong pumasok sa school ngayon. I got a good morning text from my boyfriend, Miguel, kaya sino ang hindi sasaya. Nakangiti at kumikislap ang mga mata ko kaya pati sina Daddy at Mommy ay napansin iyon. Kahit kaninang naglalakad ako papunta sa classroom namin, halos lahat ng nakakasalubong ko ay napapatingin sa akin. Masigla rin akong sumasagot sa mga tanong. Active na active sa klase. Nakakantiyawan na ako but I don't mind. Mas lalo pa nga akong napapangiti kapag may nagsasabing I look so good today. "Susunduin ka ng driver na kinuha ko." Iyan ang nakuha kong mensahe mula kay Miguel kaninang lunch break. Kaya ang saya ko ay nadagdagan ng kaba... ng nerbiyos. We are going to have our first date! Saan kaya niya ak

