He put the empty lunch boxes back in the thermal bag. Sinarado niya ang blinds at hinila ako papunta sa swivel chair niya. Doon niya ako pinaupo sa swivel chair samantalang siya’y kinuha ang upuan sa coffee bar upang doon maupo. Magkatabi kami nang ginalaw niya ang laptop niyang nasa ibaba ng office table. Pinagmasdan ko siya habang seryoso siyang nagtitipa at nagta-trabaho. Sumusunod sa pagkurap ng mata niya ang kanyang pilikmata. Ang ilong ay parang kay sarap padaanan ng mga daliri. Mas gumanda ang hulma ng kanyang panga ngunit hindi nagbago ang kinis ng balat. Ang labi niya’y kahit hindi hawakan ay masasabing malambot sa unang tingin pa lang. Kung hindi ganito ang itsura niya, mapapansin ko kaya ang magandang kulay ng mga mata niya? Oo na aaminin ko nang mas una akong na-attract sa it

