“Bakit kamukha mo si Nico? Ang gago na ‘yun, akala mo hahabulin. Sino ba siya sa akala niya? Kung ayaw niya, edi don't! Hamak naman na mas mahal ako ni Kai, kumpara sa pagmamahal niya na makasarili.” Hindi ako umiimik, habang buhat ko papasok ng bahay si Anna. Mabuti na lang, kahit lasing ito, alam ang passcode, dahil kung hindi, baka hindi kami makapasok sa loob. “Kai, mahal mo ba ako?” humihikbi na tanong ni Anna. Parang bata ito na nilapag ko sa ibabaw ng kanyang kama at hinalikan sa noo. “Mahal na mahal, lahat kaya kong gawin, para sayo. Sabihin mo lang kung ano ba ang gusto mo,” sagot ko dito, habang ang puso ko, kinukurot. Sa pangalawang pagkakataon, sinaktan na naman ito ng pagiging makasarili ng aking kakambal. “Fvck me, Kai. I want to feel your love,” sabi nito habang lumu

