XXVIII

1508 Words
“Oh you mean Alonzo? The black sheep? Oh, signore, we asked him to stay in his room. Alam mo naman ang batang ‘yon, wala nang ginawang tama. Can you even imagine? He beat up a kid in his class! Buti pa itong si Sandro. Alam mo ba na nangunguna ‘to sa klase? Hindi na ako magtataka kung kapag nawala ako, lalong lalago ang famiglia sa pangangalaga niya. He even aced his Krav Maga lessons!” Marahang lumayo si Alonzo mula sa pinto ng malaking dining hall ng Villa Romano. Kaya pala pinipilit siyang matulog ng kanyang mga magulang nang maaga kahit na alam niyang may pagdiriwang ang mga ito noong gabing iyon. Imbes na tumuloy sa kanyang silid ay nagtungo siya sa napakalawak na hardin ng kanilang magarbong tahanan. Tiyak niya naman na walang maghahanap sa kanya. Lahat sila ay abala sa pag-aasikaso sa mga bisita. Well, he has gotten used to it. After all, in the fourteen years of existence, he was nothing but the spare heir. The substitute in case Alessandro dies or becomes incapable of running the family business. It has always been like that. Kahit na sa murang edad ay ipinamukha na iyon sa kanya ng kanyang mga magulang. He sighed and tried to pull out a weed that was sticking out of the bermuda grass. Ipapakita niya pa naman sana sa kanyang Papa na nakakuha siya ng perfect score sa kanyang exam kanina. He tried showing it to his Mama earlier but she just snarled at him. Siguro ay galit pa rin ito dahil pinatawag ito ng eskuwelahan dahil sinuntok niya sa mukha ang nang-agaw ng baon niya at nagkaroon iyon ng pasa. Naririnig niya pa rin na pinagtatalunan iyon ng kanyang mga magulang kaya naman tiyak niya na hanggang ngayon ay mainit pa rin ang dugo sa kanya ni Signora Romano, ang kanyang ina. And his father was too busy running the estate and forking his secretary and a couple dozens of women right in front of her Mama. Their family has… always been lacking. Sa pagkakarinig niya mula sa mga katulong ay hindi naman talaga mahal ng kanyang Mama ang kanyang Papa. They were arranged for each other after the Romano famiglia took out everyone in his Mama’s famiglia. Then they were born, him and his twin brother Sandro,. After that, his parents slept in separate rooms. Minsan pa nga ay nakikita niya ang kanyang Papa na nag-uuwi ng babae. Hindi naman umaangal ang kanyang Mama pero madalas niya itong nakikita na may kausap sa telepono, tumatawa. Halos mabibilang niya sa kanyang daliri ang mga sandali na nakita niya ang kanyang mga magulang na masaya. At madalas, hindi siya ang dahilan ng sayang iyon. He sighed as he laid on the bermuda grass. Mamaya na siya babalik. Mainit sa loob ng kanyang silid at sa totoo lang, ayaw niyang marinig ang tawanan ng kanyang mga magulang habang ipinagmamalaki ang kanyang kakambal. Alessandro was the golden child. Mataas ang expectations ng mga ito sa kanyang kakambal. Para sa mga ito, ang kakambal niya lang ang magaling, ang may potensyal, ang matalino, mabait, masunurin. Hindi naman sa galit siya kay Sandro o kung ano pa man pero… Nakakaramdam siya ng kakaibang damdamin na masyado pang maaga upang maintindihan ng kanyang murang isipan. “Bakit hindi ka pa natutulog?” Napapitlag si Alonzo nang marinig ang tinig ng kanyang kapatid mula sa kanyang likuran. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga nang makita itong nakasuot ng tuxedo. Hinubad ni Alessandro ang suot nitong coat at naupo sa tabi niya. “Hindi ba dapat nasa loob ka?” Mahina itong tumawa at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. “Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi nila. At saka gusto ko nang matulog.” Mahinang tumawa si Alonzo at nilingon ang kapatid. “Hindi ka ba napapagod sa mga pinapagawa nina Mama sa ‘yo? Kakatapos mo pa lang sa Krav Maga classes mo.” Mapaklang ngumiti ang kanyang kapatid. Napansin niya ang pagod sa mga mata nito.. Hindi niya masisisi si Alessandro. Masyadong kontrolado ng kanilang ina ang buhay nito. “Kahit naman sabihin kong napapagod ako, hindi rin naman ako puwedeng magpahinga.” Alonzo sighed and chuckled. “Sometimes I wish they won’t go too hard on you.” Mahinang tumawa si Alessandro. “And I wish they’re not blaming you every time something goes bad. Hindi mo naman kontrol ang mga bagay, Alonzo…” He just shrugged and stared at the sky. “Reserba lang naman ako sa ‘yo, Sandro. I’m just a spare part in case you decided not to manage the famiglia. Alam nila iyon kaya naman wala silang pakialam kung masasaktan ako, o kung ano man ang ginagawa ko…” Bahagyang napangiti si Alonzo nang tapikin ni Alessandro ang kanyang balikat. “Look, you’re not a spare part, okay? Kapag minana ko ang famiglia, magkasama nating pamumunuan ‘yon. Ikaw at ako. Kambal tayo, Alonzo. You’ll always be my best friend.” Hindi niya matandaan kung ano ang pumasok sa isipan nilang dalawa noong gabing iyon kaya nila napagdesisyunan na itakas sandali ang isa sa mga Harley-Davidson na nasa garahe at pinaharurot sa labas. Malapit nang maghatinggabi noong mga oras na iyon, at pareho silang walang lisensya ni Alessandro. At kahit na natatakot siya na baka maaksidente sila, hinayaan niya pa rin ang kanyang kapatid na magmaneho noong gabing iyon. At iyon din ang gabing muntik na silang mamatay nang hindi na nagawa ng kanyang kapatid na kontrolin ang minamaneho nitong motorsiklo. Alessandro sustained a few injuries, just a broken arm and some mild concussion. Siya naman ay tumilapon sa motor kaya nabali ang kanyang binti at mga braso at kinailangang isemento. Akala ni Alonzo noong mga sandaling iyon ay magkakaroon na ng kaunting concern sa kanya ang kanyang mga magulang. Naaksidente siya, e. Muntik na siyang mamatay. Siguro naman ay— “Cagacazzo! Ilang beses ko na bang sinabi sa ‘yo na huwag mong idadamay ang kapatid mo sa tigas ng ulo mo, Vittorio Alonzo? Paano kung namatay si Alessandro, huh? Tingin mo ba ipapalit ka namin para magpatakbo ng famiglia?” nanggagalaiting sigaw ng kanyang ina sa kanya. Tahimik lang naman ang kanyang ama sa isang tabi, katabi ang kanyang kakambal na nagpapahinga sa higaan, walang imik. Bumuka ang bibig ni Alonzo ngunit hindi niya na nagawa pang magsalita. Dumapo sa kanyang pisngi ang mabigat na sampal ng kanyang ina. Pumaling ang kanyang ulo na dahilan para sandaling marindi ang kanyang pandinig at sumakit ang kanyang leeg. “Pezzo di merda!” “Tama na ‘yan, Viola,” kalmadong sita ng kanilang ama sa kanilang Mama. Ngunit tila naging bingi ito at ipinagpatuloy pa rin ang pagsampal nito sa kanya. Narindi naman yata ang padre de pamilya ng mga Romano dahil tumayo ito at pinadapo ang malaki nitong palad sa pisngi ng kanyang ina. “Ang sabi ko, tama na! Hindi naman lalaki ‘yan kung natuto ka lang na palakihin ‘yang si Alonzo na may disiplina! Masyado mo kasing ini-spoil! Kapag may gustong bilhin, para lang hindi ka maabala d’yan sa panlalalaki mo, binibigyan mo na ng pera! Ayan tuloy, lumaking matigas ang bungo!” Pagak na natawa ang kanyang ina, sapo ang pisngi nitong namamaga na. “Talaga ba, Armando? Ako lang ba talaga ang may kasalanan? Kung hindi ka lang abala sa pagkalantari sa kabit mo, e ‘di sana nagagawa mong turuan ang anak mo! Huwag mo ‘kong sisisihin lalo na at wala ka namang nagawa!” Hindi na narinig pa ni Alonzo ang sunod na pagtatalo ng kanilang mga magulang. Kahit na nahihirapan ay nagawa niyang makalabas mula sa silid na iyon, palayo sa ingay. Nakinita niya na na mangyayari iyon. Kunsabagay, palagi namang ganoon. Lahat ng tao sa mundo, naghahanap ng masisisi sa mga problema nila. Sa mga kasalanan nila. Para mapagaan nila kahit kaunti ang pag-uusig ng kanilang mga konsensiya. If he could only scream at that moment, he would have done so. He would have done so over and over and over again. Kung puwede lang siyang manakit, magwala, matagal na niyang ginawa. But what could he do, anyway? It would only make him look bad even more. Mas lalo lang siyang kamumuhian ng sarili niyang ina. Nagpakawala na lamang siya ng malalim na buntong-hininga at naupo sa isang madilim na sulok ng mamahaling ospital. Nahihirapan mang gumalaw ay kaagad niya nang nakagamayan na gumamit ng saklay. Kailangan niyang matuto, e. Lalo na at wala namang tutulong sa kanya o aalalay man lang. Mahapdi ang kanyang mga mata ngunit pinili ni Alonzo na hindi umiyak. Kung may isa man siyang natutunan mula sa kanyang mga magulang na maganda para sa kanya, iyon ay ang hindi umiyak. Nang ipikit ni Alonzo ang kanyang mga mata ay hiniling niya na sana ay hindi na lang siya binuhay ng mga ito kung impyerno lang din pala ang babagsakan niya. Aanhin niya naman ang pera kung hindi naman siya kayang mahalin ng mga taong itinuturing niyang mga magulang?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD