XIX

1496 Words
Patakbong sinalubong ng yakap ni Thalia si Alonzo na siya namang ikinagulat ng lalaki. Maaga siyang nakarating sa bus terminal ng San Esteban kung saan sila dapat magkikita ng kanyang asawa. Nagpahatid ito sa isa sa mga tauhan nito sa X. At ngayon, kaharap niya na ito. Hindi niya inaasahan ang pananabik nito sa kanya. Dati-rati kasi ay hindi naman ganoon ang pagsalubong sa kanya ng babae. ‘Ni hindi nga siya nito hinahayaang sunduin ito at mas lalong hindi siya hinahayaang lumabas. Kung bibigyan man siya nito ng permiso, sinusungitan siya nito kung hindi man ipinapagsawalang-bahala lang. Palihim na lamang siyang napangiti at mahigpit na niyakap ito pabalik. Mukhang maganda ang araw nito kaya naman ngayon ay susulitin niya na ang mood ng kanyang asawa. “Did you miss me?” nagbibirong tanong niya sa asawa bago ito ginawaran ng halik sa labi. Tumawa lang ito at itinuro ang mga bitbit nitong isang maliit na travelling bag. Mananatili raw ito sa villa sa loob ng dalawang araw bago ito bumalik sa Lunes upang ipagpatuloy ang mga natitirang gawain na naiwan nito. “ I missed you nearly enough to buy new chains for you, mi amor.” Nanlaki ang kanyang mga mata at hinapit ito sa beywang bago kinuha ang travelling bag nito. “Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ako nasasabik na maging alipin mo, amore.” Nagtanim siya ng halik sa noo nito. “Pero bago tayo maglaro ng apoy, may pupuntahan muna tayo.” Hindi naman nagreklamo si Thalia. Nakita niya pa ang tila pagkinang ng mga mata nito sa sinabi niyang sorpresa. Sa totoo lang ay naghanda siya ng pagkain para rito, upang makapag-picnic sila sa may tuktok ng talon ng San Esteban. Nakatago iyon sa may bundok at nasa loob ng property line ng mga Echiverri ngunit nakahingi siya ng permiso mula kay Don Echiverri na dalhin doon ang kanyang asawa. Nanabik siya nang husto na makasama ito bagaman hindi maalis sa kanyang isipan ang narinig at nalaman noong isang araw na kasama nito si Hugo, na kanyang pinagseselosan. “Saan ba tayo papunta, Alonzo? Sa lupa na ito ni Echiverri, a. Dapat ba na nandito tayo?” nagtatakang tanong ng kanyang asawa na kanya lamang ikinatawa. Kinuha niya ang kamay nito at hinalikan. “Don’t worry, nagsabi ako kay Don Luis. Sinabihan niya na ang mga tauhan niya na huwag muna umakyat dito,” paliwanag niya bago pinatay ang makina ng itim na Jaguar. Bumaba siya at binitbit ang isang picnic basket at picnic blanket na nasa likuran ng sasakyan. Pinagbuksan ng lalaki ng pinto si Thalia. Bumaba naman ito. “Let’s go, amore.” Tahimik ang pag-akyat nila sa bundok, siguro ay dahil na rin sa antisipasyon nito sa kung ano mang sorpresa ang kanyang inihanda. Abot-abot ang kanyang dasal na sana ay hindi ito madismaya sa simpleng sorpresa na kanyang inihanda ngunit base sa mga mata nito ay hindi pa naman nabuburyong ang babae. Inalalayan niya pa ang kanyang asawa sa mga matatarik na bahagi hanggang sa kapwa na nilang marinig ang lagaslas ng tubig. Kaunting lakad pa ay narating na nila ang natatagong talon na kanyang ipinagpaalam sa mabuting Don na kanilang pupuntahan. Nang lingunin niya si Thalia ay nakanganga na ito. Kaagad itong naghubad ng sandals at marahang naglakad papalapit sa bunganga ng talon. Mas lalong nahigit ni Alonzo ang kanyang paghinga nang hubarin nito ang suot nitong mini dress at isawsaw ang katawan sa asul na katubigan. Nilingon siya ng kanyang asawa at ngumisi. “I hope you brought enough towels, Mr. Romano.” “Why, don’t you want to share with me?” Mahina siyang tumawa at naglakad papalapit sa asawa. “Ayaw mo ba munang kumain? Nagluto ako buong umaga, Thalia.” She just giggled and motioned her index finger, calling him. “I want you to join me here first, mi amor. Ang lamig ng tubig, kailangan ko ng magpapainit.” Natawa na lang si Alonzo sa biro nito bago inilapag ang bitbit niyang basket sa batuhan. Kaagad niyang hinubad ang puti niyang t-shirt at at cargo shorts. Maayos niyang itiniklop ang mga iyon sa tabi ng damit ng kanyang asawa at lumusong na sa mala-kristal na tubig ng talon. Bahagya siyang nakaramdam ng ginaw na kaagad namang nalusaw nang lumangoy papalapit sa kanya ang kanyang asawa. May nakapintang ngiti sa mga labi. Nang makalapit ito sa kanya ay yumakap ito sa kanyang leeg. “Wow, you’re so hot, mi amor…” “Temperatura ba ng katawan ko, o ako mismo?” pagbibiro niya nang maramdaman ang kamay nito sa loob ng kanyang suot na boxers. “Kasi naglilikot ang kamay mo, amore…” Ngumisi lang ito at nagsumiksik sa loob ng kanyang mga bisig. “Na-miss lang talaga kita, Alonzo… nakakapanibago rin na wala ang malambing kong asawa sa tabi ko.” Napataas ang kanyang kilay. “Ako ang naninibago sa ‘yo, Thal…” Ito naman ang natawa. “Bakit naman? Dahil sweet ako sa ‘yo, hmm?” Nang tumango siya ay bahagyang nabahiran ng lungkot ang mga mata nito. “Alam ko naman na minsan agresibo ako, Alonzo. Minsan unpredictable ako. At syempre gusto ko ako pa rin ang masusunod, lalo na sa kama… pero hindi naman siguro makakasakit kung susubukan ko na suklian ‘yong mga effort mo, ‘di ba? Kasal tayo, after all… Asawa kita. At dapat lang na mahalin kita.” He silently stared at her as she lay on his chest, her eyes closed. Hindi niya maintindihan kung bakit ang bigat ng kanyang dibdib noong mga oras na iyon ngunit ganoon na nga ang kanyang nararamdaman. Kung dahil na iyon sa atraksyon niya kay Teresa, o dahil sa katunayang alam niya na may iba itong kasama habang nasa siyudad, hindi niya alam. At ayaw niya nang alamin. Matapos magtampisaw sa talon ay umahon din silang dalawa at kaagad na pinatuyo ang kanilang mga sarili. Pagkatapos ay inilatag niya ang picnic blanket sa ibabaw ng malaking bato na naroroon at inalalayan ang kanyang asawa. Hinayaan siya ni Thalia na pagsilbihan niya ito. Ngunit alam naman nila pareho na kahit hindi pa nito sabihin, gagawin at gagawin niya pa rin ang lahat para mapasaya ang kanyang asawa. Palagi namang ganoon ang senaryo nilang dalawa. Isang setup na kailan man ay hindi niya ikinakahiya o ikinakailang man lang. Habang kumakain ay napansin niya na nakatitig ito sa mga malalaking sunog sa kanyang likod. Napatikhim si Alonzo at kinuha ang kanyang polo at mabilis na isinuot. Ikinakunot naman iyon ng noo ni Thalia. Marahan nitong pinadaan ang kamay nito sa kanyang likod at leeg. "Bakit mo tinakpan?" Nagkibit-balikat lang siya at ipinaghiwa ang kanyang asawa ng steak. Ngumiti siya bago ito sinubuan ng kapirasong laman. "Baka nawawalan ka ng gana kumain dahil sa peklat ko, e… Kain na. " Mahina itong tumawa at kinuha ang kanyang kamay. "Alonzo, kung nandidiri ako sa mga sunog mo sa katawan, tingin mo ba m************k pa rin ako sa 'yo? Tatabihan pa rin ba kita sa gabi? Napapaisip lang ako kung kumikirot pa ba 'yang mga peklat mo. Hindi ako nandidiri." He stared at her, a little bit embarrassed. Napaiwas ng tingin ang lalaki at nagkibit-balikat. “It’s fine now. Hindi naman na sumasakit. Matagal na simula no’ng naaksidente ako, Thal. Maayos-ayos na ako ngayon. Oo, hindi pa rin ako nakakaalala pero… maayos na ako. Kumpara noon." She sighed. “Yeah… and your memory hasn’t come back yet. Sabi ng doktor, temporary lang daw ang amnesia mo pero—” Natawa siya. “Hey, it doesn’t matter if I can or can’t remember anything. Asawa pa rin kita at nagmamahalan pa rin tayo. Wala naman na siguro akong dapat na maalala pa maliban sa mga bagay na ‘yon, amore.” Napansin niya ang paninigas ng katawan nitong kaagad na naitago sa likod ng isang pilit na ngiti. “Nakakapanghinayang lang, ‘no… Ilang taon din ng alaala ang nawala sa ‘yo, Alonzo. ‘Ni hindi mo nga naaalala kung paano tayo nagkakilala.” Bahagyang tumawa ang lalaki at umusog papalapit upang hilahin ang kanyang asawa papasandal sa kanyang balikat. Masuyo niyang pinaglauran ang mga hibla ng buhok nito. “Look, Thal… hindi na masyadong mahalaga sa ‘kin kung makakaalala ako ulit o hindi na. Seriously. Wala ka naman sigurong malaking kasalanan sa ‘kin no’n, ano?” pagbibiro niya na ikinawala ng kulay sa mukha nito. Napakunot ang kanyang noo at hinaplos ang pisngi ni Thalia. “Why, what’s wrong?” Umiling lang ito. “Nothing… Siguro nagugutom lang ako masyado. You really need to feed me now, mi amor.” Sumunod siya sa request nito. Ngunit kahit na hindi niya na muli pang binuhay ang usapan tungkol sa kanyang memorya ay tahimik niyang inanalisa ang kilos ng kanyang asawa na naging mailap ang titig sa kanya. Bakit, Thalia? Ano bang lihim ang nakatago sa mga memorya ko na nag-aalala ka na biglang bumalik sa ‘kin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD