Tahimik na pinagmasdan ni Leopold Arnold ang mga malalaking screen na nasa loob ng kanyang silid. Gabi na noon at tahimik na ang Arnold Intelligence Service dahil na rin pinauwi niya na ang kanyang mga tauhan. Ngunit kahit na madilim na sa labas ay hindi pa rin nararamdaman ni Leopold ang antok at ang kagustuhan na magpahinga. Gising ang diwa niya. Gising na gising.
Sinimsim niya ang alak na nasa kanyang baso habang matiim na tinititigan ang personal na impormasyon ni Belladonna, ang dati niyang top agent na bigla na lamang naglaho na parang bula. Pati na rin ang kanilang tatlong taong relasyon na bigla na lamang natapos. ‘Ni hindi man lang siya nito tinawagan pagkatapos nitong magbitiw sa tungkulin nito. At aaminin niya, hindi na katulad ng dati ang kanyang mga umaga at gabi simula nang bigla na lamang itong umalis para habulin si Vittorio Alonzo Romano, na katulad nito ay bigla na lamang naglaho. Kamakailan lang ay nalaman niyang buhay ito, at ipinapakilalang asawa ni Thalia Diaz, ang kanyang bisita noong isang araw lamang.
“Bella, bella… My nights are so lonely without you,” he sang as he played with the Rubik's cube on his desk. Nang maburyong ay muli siyang nakipagtitigan sa mukha ng babaeng nasa screen. Kulay kapeng buhok na maalon-alon, na gustong-gusto niyang amuyin noon. May pagka-ginto na mga mata. Matangos na ilong at mapulang-mapulang mga labi. Belladonna was… a befitting codename for her. She was truly a beautiful woman with deadly high ambitions. Hindi nagging mabigat sa kalooban ni Leopold na tulungan ang dalaga nang bigla na lamang mamatay si Alpha, ang partner nito. Hindi siya nagdalawang-isip na pansamantalang kupkupin ang dalaga noong hindi pa nito kayang alagaan ang sarili nito dahil na rin sa pagluluksa. Leopold showered her with love, with care and affection…
But she f*cking betrayed him and left him high and dry.
Mapakla na lamang siyang natawa nang maalala na binitbit ni Belladonna ang dossier ng mga Romano, na siyang naglalaman ng impormasyon at mga sikretong transaksiyon niya sa mga ito noong nakikipagtulungan pa siya sa kambal na sina Alonzo at Alessandro. That missing dossier might cost his agency millions. At saka, sino ba namang gustong galitin ang kahit isa man lang sa mga malalaking pamilya sa X? Krasny. Lee-Xiao. Grimaldi. Romano. Alam niya na mahigpit nang magkasangga ngayon ang mga may-ari ng Paradiso at si Alessandro Romano, maliban sa katotohanan na pinsan si Chairman Jianyu Lee ng isa sa mga pinakamatalik na kaibigan ng bagong CEO ng Krasny Corp. na si Vladymir Krasny. Isang pitik lang ng kamay ay kayang pulbusin ng mga ito ang intelligence service na itinatag pa ng kanyang lolo.
“My little bella, where did you go?” muli niya pang awit habang may pinipindot sa kanyang hawak na remote control. Nagpalipat-lipat sa iba’t ibang mapa ng siyudad ng X at ng mga karatig-bayan nito ang laman niyon. May maliliit siyang scanner na ikinalat sa paligid ng siyudad upang magbigay ng match na katulad ng tangkad, bigat, at blood type ng sa hinahanap na dalaga na kinuha niya pa mula sa database ng siyudad. Ngunit sa tuwing may nakukuha siyang match, kahit na hanapin niya man ito, wala siyang Belladonna na nakikita. Naging mailap pa rin ang dalaga. Imposibleng lumabas ito ng siyudad o maski na rin ng bansa dahil unang-una ay iniwan nito ang mga pasaporte at papeles nito sa dati nitong tinitirahan. Pati na rin ang pera nito sa banko ay hindi man lang nagalaw. Kung hindi nga lang siya umaasa pa na buhay ang dati niyang nobya, matagal na niyang itinigil ang paghahanap dito.
Ngunit paano niya ba naman ititigil ang paggalugad para sa iniibig, kung alam niya at nararamdaman niya sa kanyang sarili na buhay pa ito? Minsan ay nalalanghap niya pa ang pabango nito. Minsan ay nakikita niya ito sa gilid ng kanyang mga mata. Ganoon kalakas ang epekto sa kanya ni Belladonna. Ganoon kalakas ang epekto ng dalagang una at huli niyang minahal, sa kabila ng dalawampu't dalawang taong pagitan ng kanilang mga edad.
Mahina siyang tumawa bago itinarak ang kanyang kutsilyong nakakalat sa ibabaw ng kanyang lamesa sa remote control. Hindi niya napigilan ang pagpupuyos ng kanyang damdamin nang muli ay wala na namang nangyari sa kanyang paghahanap. May nakuha man siyang match sa San Esteban ay hindi niya naman nakita roon ang dalaga. Sa tingin niya ay nagloloko pa ang kanyang mga scanner dahil palaging ganoon ang nangyayari.
Ginulo niya ang kanyang puting buhok upang mapakalma ang kanyang sarili. May oras pa siya. Hangga’t hindi siya nauunahan ni Thalia Diaz sa paghahanap sa dalaga, alam niyang may pagkakataon pa siya na mailayo ito sa nagbabadyang delubyo.
“Come out, come out, wherever you are, my darling bella…”
Teresa
Maingat na tinalunton ni Teresa ang daan palabas sa malaking villa ng kanyang mga amo. Hindi pa umuuwi ang mga ito kahit malalim na ang gabi at natatandaan niyang nagsabi ang kanyang Sir Alonzo na baka mag-camping ito at ang kanyang Ma’am Thalia sa tabi ng talon na pupuntahan ng mga ito at bukas na ng umaga uuwi. Walang mga bantay sa bahaging iyon ng villa. Tangan ang susi para sa isang sasakyang Audi RS7 na siyang nakatago sa isa sa mga abandonadong garahe sa loob ng isang lumang bahay at pares ng leather jacket at jeans ay kaagad na lumabas ang dalaga at palihim na sinipat ang mga CCTV sa paligid. Walang ilaw ang mga iyon kaya mabilis siyang tumuloy sa kanyang patutunguhan. Nang mabuksan ang pinto ng sasakyan at makapagpalit ng damit ay kaagad niyang pinaharurot ang sasakyan patungo sa isa sa mga bagong tayong casino sa labas lamang ng siyudad ng X.
May isang importanteng meeting siya na dapat niyang puntahan.
Nang ihinto niya ang kanyang sasakyan sa tapat ng magarbong casino ay kaagad niyang ipinakita ang hawak niyang VIP card sa bouncer. Saglit itong nakinig sa suot nitong earpiece bago siya pinapasok sa loob. Marami nang mga tao sa loob. Ang iba ay naglalaro ng pachinko, habang ang iba naman ay nakaupo na sa harapan ng mga malalaking casino table at naglalapag ng mga taya. Hindi niya pinansin ang mga lasing na lalaking tumatawag sa kanya at dumiretso sa ikalawang palapag kung saan naroroon ang mga VIP room.
Hinanap niya ang dulong silid na nagtatapos sa numerong 3. Tatlong beses siyang kumatok at naghintay ng tatlong minuto bago pumasok sa loob ng silid. Bahagya pa siyang napa-ingos nang malanghap ang usok ng sigarilyo ng nasa loob kaya naman pabagsak niyang isinara ang pinto at kumuha ng baraha mula sa casino table na nasa gitna ng silid. Tumawa naman ang dalawang lalaking nakaupo sa harapan niyon at sinenyasan ang apat na tauhan ng mga ito na lumabas muna at bantayan ang pinto ng silid.
“You’re kind of late, Bella.”
Mahina siyang tumawa at nakiupo. “And you’re as unpredictable as ever, vice chairman.”
Nang humupa ang usok ay lumantad ang mukha ni Alessandro Romano at Xiao Feng na nakaupo sa harap niya at may hawak kapwa na baraha. Si Alessandro ang naninigarilyo habang ang huli naman ay may hawak na baso ng brandy. Napapalatak na lamang si Teresa. Simula noong umanib siya sa mga ito, pakiramdam niya ay nag-aalaga siya ng dalawang baby na kuwarenta anyos. Minsan tuloy ay nagtataka siya kung paano natatagalan ni Signora Valentina at ni Faye ang mga asawa nito.
“We won’t stall you for long. Ayon sa intel namin, umuwi si Thalia sa San Esteban. Hindi puwedeng mawala ka nang matagal,” saad ni Alessandro bago pinatay ang dulo ng sigarilyo nito gamit ang mga daliri. “Leopold Arnold is looking for you, Belladonna.”
Bahagyang nabahiran ng pangamba ang mga mata ni Teresa na kaagad niya namang naitago sa pagtitig sa mga barahang hawak. “Leopold is the least of our concerns now, Mr. Romano. I think your twin is… loving his new life with Señora Thalia.”
Mahinang tumawa si Xiao Feng. “Well, what do they say? Birds of the same feather flock together. Huwag ka nang magtaka kung ayaw umuwi ng kakambal mo, Sandro. Thalia might be the peace of mind we are all looking for.”
Hindi umimik ang lalaki. Mayamaya ay nagsalita ito. “I’d rather choose Belladonna as my sister-in-law instead of that insane woman. After all, my brother seems to be smitten with you, Bella.”
Iniirap na lamang ni Teresa ang kanyang mga mata. Ayaw niya ng takbo ng usapan. “I’m here for my personal vendetta, Alessandro. Sana hindi natin ‘yon makalimutan. Sinasabayan ko lang ang kapatid mo. Hindi ko na kasalanan kung mahuhulog siya sa ‘kin at mas lalong hindi ko responsibilidad na mahalin siya pabalik.”
Xiao Feng sipped his brandy. “Why in the name of hell are you even trying to bring him back, Sandro? Paradiso’s much quieter when he’s not there. Mas masaya ang mga tauhan mo at mas kampante si Valentina at Faye.”
Alessandro sighed and threw his cards on the table. “Hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko nababawi ang kakambal ko, Feng. Oo at malaki ang kasalanan niya sa ‘tin, pero kakambal ko pa rin siya. Magbabayad siya nang naaayon sa batas naming mga Romano, hindi sa kamay ni Thalia.”
“And you think I’ll let your brother live then, Mr. Romano?” singit niya. Mapakla siyang tumawa. “Alonzo Romano killed my father. I hope we’re not forgetting that.”
“I’m not forgetting that, Belladonna. But at least, let me help my brother clear his name,” mariing sabi ng lalaki. “Oo at ginago ako ni Alonzo. He almost f*cked everybody’s lives. However, as a Romano, brothers come first.”
Tumaas ang kanyang kilay at inagaw ang sigarilyong hawak nito. Sinindihan iyon ni Teresa at isinubo sa labi. Pagkatapos humithit nang malalim ay umusog siya paharap upang makipagtitigan kay Alessandro Romano. Ibinuga niya sa mukha nito ang usok galing sa sariling sigarilyo at mahinang tumawa. “Sure, if you prove that your brother’s f*cking innocent, I will even marry him, Alessandro. Pero kung hindi,” sabi niya bago pinatay ang sigarilyong hawak sa palad nito, “Sisiguraduhin ko na papahirapan ko siya sa pinakamatinding paraan na alam ko.”