Mabibigat ang paghinga ni Alonzo habang pinapadaan ang kanyang kamay sa makinis na pisngi ni Teresa. Aaminin niya—hindi niya inaasahan na magugustuhan niya ang matamis at mapusok nitong halik. Para bang sandaling nawala ang ginaw na kanyang nararamdaman nang lumapat ang kamay nito sa kanyang balikat at idiin pa lalo ang bibig nito sa kanya. Naisin niya mang pumalag, nanginginig na masyado ang kanyang tuhod para lang hadlangan pa ang kung ano mang nangyayari sa pagitan nilang dalawa.
"Esay…"
"Sir Alonzo…" ungol nito. "Matagal na kitang gusto, Sir…"
“You can’t love me,” mahina niyang bulong. “I’m… a tied man.”
“Pero—”
Mahina siyang natawa at muling hinaplos ang pisngi nito. Dahan-dahang ibinaba ni Alonzo ang kanyang kamay, patungo sa terante ng suot nitong bestida. Bahagya pa itong napasinghap nang punitin niya iyon. Lumikha pa ng tunog ang basang damit nang hayaan niya iyong bumagsak sa sahig, bago sinunggaban ang labi ng kaharap. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. Tila ba sinasabi ni Teresa sa kanya na kaya rin nitong ibigay ang ligaya na idinudulot ni Thalia sa kanya. “Oh, dear… how you torture me so…”
“Sir Alonzo! Ipag-iinit ko po ba kayo ng tubig para sa kape?” untag ni Teresa kay Alonzo dahilan upang mapadilat ang lalaki. Nawala saglit sa tamang huwisyo ang kanyang isipan. Nasapo niya ang noo. Nanatili silang nakatayo sa malaking sala, siguro ay dahil na rin sa kanyang pagkatulala. May hawak na tuwalya ang dalaga na siyang ibinigay nito sa kanya. “Ayos lang po ba kayo? Kanina pa po kayo nakatulala…”
“I’m fine. Gawan mo ako ng kape, dalhin mo sa kuwarto. Tapos magluto ka na rin ng hapunan.”
Mabilis na tumalima ang dalaga at siya naman ay mabilis na tumalilis upang magbabad sa shower ng kanyang silid. Nang makapasok ay ikinandado ni Alonzo ang pinto ng banyo at hinayaan ang tubig na lumagaslas sa kanyang katawan habang inaalis niya ang kanyang mga basang damit. Nagpakawala na lamang siya ng malalim na buntong-hininga nang maalala ang nangyari kanina lamang.
Posible kaya na… nag-uumpisa na siyang makaramdam ng atraksiyon sa kanilang bagong kasambahay? Ngunit bakit? Paano? Malayong-malayo ito kay Thalia. Si Thalia ang gusto niya at si Teresa ay kabaliktaran ng kanyang asawa.
Naihilamos niya ang kanyang kamay sa mukha bago humawak sa pader ng shower room. Mahinang natawa. Masakit ang kanyang puson at nararamdaman niya ang pagkagising ng kanyang p*gkalalaki dala na rin ng malikot niyang isipan. Dali-dali niya na lamang tinapos ang kanyang paliligo bago niya pa hindi mapigilan ang kanyang sarili.
Nang lumabas siya mula sa banyo ay nakalapag na ang tuyong damit at kape sa kama at lamesita sa tabi niyon. Bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Alonzo. Marahil ay iniiwasan din siya ni Teresa, dala na rin ng mga kakaiba nitong titig sa kanya kanina lamang.
Pagkatapos makapagbihis ay dinala niya ang kanyang umuusok na kape sa may balkonahe ng kanyang silid. Sandali siyang nagsindi ng sigarilyo bago hinigop ang kape na nasa mug. Malakas pa rin ang ulan sa labas ngunit may bubong naman ang kanyang kinaroroonan kaya hindi iyon inalintana ni Alonzo. Tumingin na lamang siya sa bakanteng garahe kung saan madalas na naka-park ang Jaguar ng kanyang asawa. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga.
“Damn it, Thalia… Pakiramdam ko mababaliw ako kapag wala ka,” bulong niya sa hangin. Mahina siyang tumawa at tinitigan ang suot na wedding ring. Panandalian niya iyong hinubad at isinilid sa kanyang bulsa. Sa totoo lang, higit pa sa pangungulila ang nararamdaman niya ngayon na wala ang kanyang asawa. Tiyak niya kasi na kapag wala si Thalia, dumarami ang mga tauhan ni Alessandro sa paligid ng kanilang villa. Minsan ay nakikita niya si Xiao Feng na hindi niya inakalang kaibigan na ng kanyang kapatid, sinusuyo siya na umuwi na sa Paradiso dahil hinahanap siya ng kanyang kakambal.
Ngunit alam niya ang totoo. Gusto lang siyang pabalikin ni Alessandro dahil na rin sa mga… alitan nilang dalawa. Bakit naman ito mag-aalala na nais siyang saktan ni Thalia? Kilala nito ang asawa niya. Kapwa nilang alam na hindi siya nito makakayang saktan. Isa pa, ayon na rin sa babae, mas gusto ng mga tauhan niya na ang kanyang kakambal ang namumuno sa famiglia.
Wala siyang puwang doon, kaya mas maigi na rin siguro na manatili na lamang siya rito.
Thalia
Tumulo ang ilang patak ng dugo sa notebook na hawak ni Thalia kaya naman natigil siya sa pagtatrabaho. Ilang gabi na rin siyang walang pahinga kakahanap sa anak ni Alpha, na ang tanging ibinigay na impormasyon lang ni Leopold Arnold ay ang pangalan na Amber Rufin. Ngunit katulad ng ama nito na bigla na lamang sumulpot na patay na, wala siyang ibang mahagilap na impormasyon tungkol sa dalaga maliban sa isang litrato nito noong labingwalong taong gulang pa lamang ito. Maliban doon, wala nang iba pa. Maski si Hugo ay para na ring mababaliw sa pagsasaliksik na kanilang ginagawa. Ganoon pa man, wala siyang ibang inisip kung hindi ang ituloy ang paghahanap ng katotohanan.
Upang malaman niya na rin at mapag-isipan kung inosente ba ang kanyang asawa o hindi.
Bahagya siyang napapitlag nang umalingawngaw sa loob ng silid ang ringtone niya. Napangiti si Thalia nang pagtingin sa kanyang smartphone na nag-ri-ring ay nakita niya ang pangalan ng kanyang asawa. Dali-dali niya iyong sinagot bago sumalampak sa malambot na kama. “Mi vida?”
Mahina itong tumawa. “Napakabilis mong sumagot, amore…”
Hindi namamalayan ng babae ay umaangat na ang gilid ng kanyang mga labi. “Well, truth be told, I missed you and have been waiting for your call, so…”
“I missed you too… Bitin ako kahapon.”
Napangisi si Thalia at tiningnan ang kalendaryo na nakasabit sa kanyang silid. “Look, uwi kaya ako bukas? Wala naman akong gagawin, luluwas na lang ako ulit pagdating ng Lunes. Bitin din ako, amor…”
Nang magkasundo na susunduin siya nito bukas sa may terminal ay ibinaba ni Alonzo ang tawag dahil na rin daw malakas ang ulan at pawala-wala ang signal nito. Hindi mabura-bura sa kanyang mga labi ang matamis na ngiting dati-rati ay hindi sumusungaw kapag tumatawag ang kanyang asawa. May nagbago, tiyak iyon ni Thalia. Ngunit iisa lang ang sigurado niya; sa pagkakataong ito, gagawin niya ang lahat para matikman ang saya na matagal ding ipinagkait sa kanya. Kahit na kailanganin niya man na magsinungaling sa lalaking minsan at patuloy pa rin na minamahal.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga bago hinubad ang suot na wedding ring. Sinilip niya ang petsa na nakaukit sa loob. Ang petsa ng kanilang kasal na…
“I’m sorry, Alonzo,” bulong niya sa hangin bago ipinikit ang kanyang mga mata.