XVII

1504 Words
Pasimpleng nahawakan ni Alonzo ang kanyang dibdib habang pinagmamasdan si Teresa na mamili sa mga damit na naka-hanger sa isang tindahan sa plaza ng San Esteban. Hindi niya mawari ang dahilan ngunit kanina pa mabilis ang pintig ng kanyang dibdib. Lalo na sa tuwing… nagtatama ang kanilang mga mata. Gusto niyang sabihin sa dalaga na bagay rito ang suot nitong bestida. Na nakakatawa ang paraan ng pamumula ng mga pisngi nito, at ang pag-iwas nito ng tingin o ang pag-aalala sa tinig nito sa tuwing nakikipag-usap sa kanya. Alonzo wanted to tell her all of that. But he knew that he must not. He was a married man, after all. On top of that, he was her employer. And it would be inappropriate to… develop affection for his maid. “‘Yan lang ba ang bibilhin mo?” untag niya sa dalaga nang maisampay nito sa braso ang ternong pula na sando at shorts na may bulaklaking disenyo. “I told you to buy at least ten pairs. Malayo ang villa sa plaza.” Nahihiya ang dalaga na ngumiti at nagkamot ng batok. “E Sir Alonzo, nakakahiya naman, kayo ang magbabayad—” “It’s fine,” giit niya bago binalingan ang tindera. “Pakipili pa siya ng siyam na terno ng damit. Ako na magbabayad. Keep the change.” Inabutan niya ang matanda ng limang libong piso. Pagkatapos ay lumabas siya mula sa maliit na tindahan at tumayo sa tabi niyon upang magsindi ng sigarilyo. Hindi pa siya tinatawagan ni Thalia simula kahapon—isang bagay na nakinita niya na. Ganoon naman palagi ang kanyang asawa kapag kasama nito si Hugo Corleone. Nakakalimutan nito na may naiwang naghihintay rito sa San Esteban. Nakakalimutan nito na may asawa ito na umaasa sa tawag at atensyon nitong palaging nakahati sa iba. “Sir, tara na po…” Ang mahinhin na tinig ng bago nilang katulong ang nakapagpabalik sa kanyang ulirat. Napadiretso ng tayo si Alonzo bago kinuha ang bag na nasa kamay nito. “Ako na magbibitbit n’yan.” “Huwag na, Sir—” “I insist.” Wala nang nagawa ang dalaga nang bitbitin niya ang plastic bag na hawak nito. Tumikhim siya at pinatay ang mamahaling sigarilyo na kanyang hawak at inapakan pa iyon bago nilingon si Teresa. “Kain muna tayo ng tanghalian bago bumalik sa villa.” Tahimik lang nilang tinalunton ang daan patungo sa karinderya, sa isang lugar kung saan sa tingin niya ay wala masyadong magbibigay ng pansin sa kanilang mga katauhan. Strangely, Alonzo felt at ease. Something that he rarely felt when his wife was around. Something that only Teresa could provide. At sa totoo lang, may kakaiba talaga sa dalagang kasama na hindi niya mapigilang maakit sa dala nitong katahimikan sa kanyang mundo. “Sir, kailan po pala ang uwi ni Ma’am?” untag nito sa kanya na ikinasamid niya. Nilagok niya ang tubig na nasa kanyang baso. Pinunasan ang gilid ng kanyang labi at nag-iwas ng tingin. “Hindi ko alam. Sabi niya, isang buwan siyang mawawala.” Sandaling natahimik si Teresa sa kanyang sinabi. Mayamaya ay sinulyapan siya nito. “Sir, no offense, ha… Pero hindi ka ba nakakaramdam man lang ng kaba kapag umaalis si Ma’am? Lalo na at…” Ngumiti siya. “Kahit naman may nararamdaman ako, Esay, hindi ko pa rin naman sasabihin dahil ayaw ko na mag-away kami. Mahal ko ang asawa ko… At ayaw ko na nagkakaroon kami ng hindi pagkakaintindihan lalo na at malayo siya at hindi ko masusuyo.” Mahinang tumawa ang dalagang kaharap at muling kumain. “Ang suwerte pala ni Ma’am sa ‘yo, Sir.” Suwerte nga ba talaga? Kung suwerte siya sa ‘kin, bakit hindi niya ako magawang bigyan ng oras at atensyon? Itinuloy na lamang ng lalaki ang pagkain kaysa sabihin pa iyon. Alam niyang mahaba pang diskusiyunan pa iyon. Hindi rin naman nito maiintindihan dahil bago lang itong dumating sa buhay nila ni Thalia. Nang matapos kumain ay walang imik na bumiyahe ang dalawa pabalik sa mansiyon. Bahagya nang nagdidilim ang kalangitan noong hapon na iyon kaya naman medyo mabilis na ang pagpapatakbo ni Alonzo sa motorsiklo niyang bitbit. Ngunit kahit na halos lumipad na ang kanilang sinasakyan ay naabutan pa rin sila ng malakas na buhos ng ulan. Nang makarating sa loob ng villa ay kapit na kapit na sa kanilang mga balat ang telang suot. Walang tao noon sa villa dahil day-off ng mga tauhan nila, maliban sa kanyang kasama na stay-in. Umalingawngaw sa buong kabahayan ang kanyang mga yabag habang si Teresa naman ay hindi niya malaman kung saan nagtungo. Panay ang tulo ng kanyang damit na siyang dahilan kung bakit naging madulas ang marmol na sahig. Napapalatak na lamang siya bago hinubad ang suot na pang-itaas. “Esay, dalhan mo ako ng bagong—” Kapwa silang natigilan nang sa paglingon niya ay halos ilang metro na lamang ang pagitan nilang dalawa. Hindi niya maiwasang mapatingin sa mamasa-masang labi nitong tila nagliliwanag pa sa ilalim ng malamlam na ilaw ng living area. Mainit ang katawan nito na iyang dahilan kung bakit sandaling naparam ang lamig na kanyang nararamdaman. Isang init na… “Sir Alonzo…” garagal ang tinig na tawag nito sa pangalan niya. Tila naman nabingi ang lalaki dahil dahan-dahang humaplos ang kanyang kamay sa basa nitong braso. Ang bahagyang mabigat na pagkapit ng dalaga sa kanyang balikat. Ang pagtawid nito sa ilang pulgadang pagitan ng kanilang mga nanginginig na katawan. Alam niyang mali. Mali ang magkaroon siya ng kakaibang damdamin, o kahit ng kaunting pagkaakit man lang, sa bago nilang kasmabahay. Ipinangako niya na kay Thalia ang buong pagmamahal at atensyon niya ngunit bakit hindi niya mapigilan ang kanyang sarili kapag kaharap si Teresa? Bakit— Nanlaki ang kanyang mga mata nang hawakan siya nito sa batok at siilin ng halik, kasabay ng pagguhit ng kidlat sa kalangitan sa labas ng tahimik na villa. Hugo Marahang nilapitan ni Hugo si Thalia na tahimik na nakadungaw sa balkonahe ng kanyang condominium unit. Gabi na noon at kakauwi pa lamang nila mula sa Arnold Intelligence Service. Pihado na pagod ang kanyang kasama dahil kanina pa ito walang imik. Pasimple niyang inilapat sa balat nito ang malamig na lata ng cranberry juice na madalas nitong inumin. Napalingon ang babae. Ngumiti. “Thanks.” Tumabi na rin siya rito. “Are you alright? Kanina ka pa walang imik.” Mahina itong tumawa. “I’m fine, Hugo. Just tired and homesick.” Napakunot ang kanyang noo at napatingin sa hawak na beer can. “Homesick, huh…” Umangat ang gilid ng mga labi nito bago siya nilingon. “What? Don’t tell me you’re still jealous of my husband?” Nag-iwas siya ng tingin. “Sino ba namang hindi, Thalia? Asawa mo ‘yon. Ako, kaibigan mo lang. Katrabaho mo lang. Kahit na alam mo naman na…” “I’m sorry.” Kapwa silang natahimik. Tiyak naman kasi ni Hugo na alam ng babae ang nararamdaman niya para rito. Alam na alam. Bago pa bumalik si Alonzo sa buhay ng babae ay sila na ang magkasama. Siya ang takbuhan nito kapag malungkot ito, o kapag nasasaktan. Kapag kailangan ng makakasama. Kapag kailangan ng paparam sa lamig ng gabi nito. And yet, when Alonzo came back, that same Alonzo who hurted her, she came running back to him like a lost child. Discarding him aside like a used toy. “What about your plan now, Thal? Akala ko ba, pagbabayarin mo si Alonzo? Si Leopold na rin ang nagsabi. May koneksyon ang asawa mo sa pagkamatay ni Alpha, at panigurado na dahilan din ng pagkamatay ng mga magulang mo. You should set your feelings aside, you know?” Ito naman ang hindi nakaimik. Mayamaya ay dumiretso ito mula sa pagkakatayo at naupo sa isa sa mga upuang nasa balkonahe. “I don’t know. There are times that I’m still mad at him. Pero bumabawi naman si Alonzo, Hugo, e… He’s always sweet and caring and he always puts me first. Hinahayaan niya akong gawin lahat ng gusto ko. Oo at alam ko na wala siyang maalala. At alam ko rin na nagsinungaling ako sa kanya at marami akong kasalanan. Pero… hindi naman masama kung susubukan namin ulit, ‘di ba? I… I just don’t want him to find out what happened before between us. ‘Ni hindi nga natin alam kung totoo ba ang sinasabi ni Leopold—” “I got to go to the bathroom,” putol niya sa sinasabi nito bago mabilis na tumalilis sa lugar. Mapait ang kanyang lalamunan at hindi niya mapigilan ang pagbigat ng kanyang dibdib. Nang makapasok sa loob ng banyo ay kaagad niya iyong ikinandado. Inilapag ang beer can na kanyang hawak. Naupo sa ibabaw ng rim ng bathtub at tahimik na tumingin sa kawalan. “Damn it, Thalia… How can you be so f*cking dumb? Bumalik lang si Alonzo para ka na namang sira at asong ul*l,” bulong niya sa hangin. "At ako naman 'tong si Tanga... na minamahal ka..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD