bc

The Forbidden Friendship turn To love

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
tragedy
another world
coming of age
friendship
secrets
supernatural
special ability
spiritual
Neglected
like
intro-logo
Blurb

Isang simpleng dalaga na may nakakamanhang Abilidad. Ito ba ay biyaya or isang sumpa?.

Isang prinsipe na magiging kaibigan at tagapag tangol niya sa bawat Oras.

"Totoo ka ba o isang pananginip lamang? Sino ka ba?" Tanong niya sa isang makisig at Napa ka gwapong Binata sa harapan niya.

"Di mo ba ako nakikilala?,ako ito ang kaibigan mo".

Nagising bigla SI Keira sa kanyang pagkakatulog,

"Pananginip lang Pala akala ko totoo na".

Umihip ang napakalamig na hangin na pumapasok sa nakabukas na bintana," Sinarado ko 'to kanina huh,bakit bukas? masara na nga lang at makabalik na sa pagkakatulog".

Sa kanyang pagkaka himbing sa sulok ng kanyang kwarto, may nakamasid sa kanya na tila ba naaliw itong tumitingin sa kanya.

chap-preview
Free preview
The first meeting
Si keira ay isang simpleng bata na lumaki sa kanyang Lola at Lolo Kasama niya ang kanyang nakababatang kapatid na SI Kent.Dahil sa kahirapan kailangan Silang iwan ng kanyang Ina para makipag sapalaran sa ibang Lugar upang makahanap ng trabaho at matustusan ang kanilang pangangailangan sa pang araw araw.. .... Nasa ika dalawang baitang pa lang Si Keira at nasa Unang baitang Naman ang kanyang kapatid na lalaking SI Kent.. Nung napagdesisyunan ng kanilang Ina na Iwanan Ang kanilang ama na walang ginagawa kundi ang atupagin ang kanyang bisyo. Minsanan lang din itong magbigay ng Pera.. Kung magbibigay man ay para lang sa baon nilang dalawang magkapatid. Di na nakayanan ng kanilang Ina dahil Lagi na Lang Sila nag aaway dahil sa bisyo nito. Hating Gabi na rin Kasi umuuwi sa kanila.. Pero di rin naramdaman ng dalawa na di Sila mahal ng kanilang ama,Kasi kahit Anong hilingin nilang dalawa ay pinagbibigyan Naman Sila nito,Kaya mahal na mahal nila ang ama nila. Pero Kung magbibigay man ng luho Ang kanilang ama sa kanila ay madamot Naman itong mag bigay sa kanilang Ina para pang gastos sa kanilang pang araw-araw, Ang kanilang Ina na Lang ang gumagawa ng paraan para sa gastusin..kahit anong trabaho at raket ang pinapasukan para magka Pera man lang..iniiwan na Lang Silang dalawa sa kapitbahay nilang si nanay Lita. Sa murang edad nila ay marunong na Silang mag saing at mga gawaing Bahay dahil tinuturuan Sila ng kanilang ina.. ... Kaya heto Sila ngayon sa Lugar na Hindi nila alam.. Ngayon lang nila napag alaman na ama at Ina ito ng kanilang inang si Nami.. Dito Muna Sila iiwan pansamantala ng kanilang Ina para mamasukan, kahit masakit sa loob ay napagdesisyunan nito na iwanan Muna Sila sa kanyang mga magulang,magpapadala na lamang ito ng Pera pang tustos sa kanila. "Sama kami mama ayaw namin dito."Pagmamakaawang sambit ni Keira. "Di pupupwede anak kailangan Kong mag trabaho para makapag aral kayo..Ganito na Lang, bibilhan ko na Lang kayo ng mga laruang gusto niyo, ano? gusto niyo ba yun?"Pangungumbinsi ng kanilang Ina. "Talaga mama? maraming laruan Yung gusto ko Yung kotse kotsehan,sayo ate Anong gusto mo?."Namimilog pa ang mga mata sa tuwa sambit ni Kent. Nagtatalon pa ito habang naka tingin sa kanyang ate na masayang masaya at naka ngiti pa. Kahit gusto nito ang sinabi nang kanyang Ina sa kanila ay ayaw nitong magpadala sa kanyang nararamdaman..Dahil na ngingibabaw ang kanyang lungkot at takot sa kahihinatnan nila kung iiwan Sila ng kanilang Ina sa kanilang lolo't lola. Naninibago Kasi Sila dito.. Dahil sa lungsod Sila naninirahan noon, nakamulatan na nila ang palipat lipat ng tirahan dahil sa trabaho ng kanilang ama na kahit saan madestino . Kahit na nangungupahan lang Sila ay masaya naman Sila dahil kompleto Silang magpapamilya. Pero sa murang edad ay di pa nila maintindihan kung ano ang nang yayari..Kung bakit Sila dito titira? may Bahay Naman Sila.. Bakit kailangan pa Silang iwan dito sa Lugar.. Na di Naman nila gaano kakilala ang mga taong nakatira dito.. Di Kasi Sila nakakadalaw dito siguro walang Oras o walang pamasahe. Di ko alam at ayokong malaman. "Ayoko ng laruan ma!..gusto Kong sumama! Ayoko dito,di ko Naman Sila Kilala wag mo Naman kaming iwan." Nakikiusap na sambit ni Keira habang tumutulo ang kanyang mga luha na kanina pa nito Pinipigilan. Di mapigilan ng kanyang Ina na maluha sa mga sinambit ng kanyang anak. " Wag Kang mag alala mababait Naman Sila dito.. Aalagaan ka nila..makapag aral ka dito at di Kasi pwede ang mga bata dun anak kaya dito Muna kayo ha,babalik Naman ako eh dadalawin ko kayo,tiis tiis Muna Tayo ha.. kailangan eh wala tayong kakainin kapag andito lang ako at walang Gagawin.. Mamamatay Tayo sa gutom,Gusto mo ba yun?"Mahabang salaysay nito. "Hindi...pero mama babalik ka ha... kukunin mo kami dito."Umiiling na Sagot ni Keira na walang magagawa pa. "Oo,Naman sige na kailangan ko ng umalis magpapakabait kayo dito ha,wag niyo bigyan ng sakit ng ulo ang lolo't lola ninyu." Pag papaalala nito. "Ma, Pa alis na ako kayo na po Muna ang bahala sa mga anak ko... Magpapadala po ako agad kapag nakahanap na po ako ng trabaho." Pamamaalam nito sa kanyang mga magulang. "Oo Naman, kami na Ang bahala sa kanila..Sige na umalis ka na at baka gabihin ka pa sa daan,malayo layo din ang byahe mo". Sagot naman nito ..habang pinipigilan ang mga batang gustong mag pumiglas para masundan ang kanilang Ina na papasakay na sa motorsiklo na maghahatid nito sa terminal ng bus. "Mama!! Mama!! Mama!!" Sigaw ng dalawang bata habang tumitingin sa motorsiklong sakay ng kanilang Ina. Binitiwan na Lang Sila Kasi papalayo na ito. "Halina mga bata di na kayo balikan niyan..pumanhik na Tayo sa Bahay". Tugon ng kanilang Lola na nakatingin sa kanila at nag simula ng maglakad papunta sa kanilang Bahay. Naka tingin pa rin Si Keira at Kent sa daan kung saan wala na Ang kanilang Ina. "Babalik Naman SI mama ate diba?tapos may dalang mga laruan at maraming pagkain na pasalubong para sa atin,diba??".Turan ni Kent habang nakatingala sa kanyang ate at umiiyak. "Oo Naman, diba Sabi niya na babalik Siya dito?".Tugon Naman ni Keira habang nakatingin na sa kanyang Lolang naglalakad papunta sa kanilang Bahay. Di maintindihan ni Keira kung kakayanin ba nilang tumira sa lolo't lola nito..magkahalong nararamdaman niya awa para sa kanila ng kanyang kapatid ,takot dahil iniisip niya kung mababait ba ang mga ito,at lungkot dahil ngayon lang Sila mawawalay sa kanilang mga magulang. Habang sinisiguro nilang di na talaga babalik pa ang mama nila, ay napag desisyunan nang dalawa na pumasok na sa Bahay ng kanilang Lolo't lola. Habang nasa hapag kainan na Sila ay masaya Naman Silang nag kekwentuhan tungkol sa mga Buhay nila.. Tinatanong Sila ng kanilang pinsan na Kasama nilang tumira dito,pati na rin Ang kanilang Uncle niccolo nakababatang kapatid na lalaki ng kanilang Ina. Pagkatapos kumain ay nagpresintang tulungan ni Keira ang kanyang pinsang SI Xia para mag ligpit ng hapag kainan at napag kasunduan din nila na SI Xia na Lang ang mag huhugas habang Siya Naman ang mag pupunas ng lamesa at mag wawalis ng sahig. "Ganito ba dito sa inyo?Ang tahimik na at napakadilim sa labas. Nasaan na ba ang mga tao?" Unang Tanong ni Keira Kay Xia habang nakasilip sa bintana na malapit sa lamesang pinupunasan nito. Hapon na Kasi ng umalis Ang kanilang Ina,kaya ngayon ay madilim na Ang kapaligiran. "Nagsipasukan na Sila sa kanilang mga bahay at Ang iba Naman ay tulog na, Maaga Kasing natutulog ang mga tao dito,nakaugalian na Kasi nila." Saad Naman ni Xia. "Ang aga Naman!..tignan mo ang Oras alas 7 pa ng Gabi tapos tulog na?..dun Kasi sa Amin 9 or 10 pm natutulog ang mga tao dun tapos 7 ng Gabi naglalaro pa kami ng tago taguan o Minsan ay nag tayatayaan,bakit dito Hindi ?" Nalilitong pahayag ni Keira sa pinsan habang nakatingala sa kanilang orasan. "Iba Kasi dito Keira.. Kasi ang Sabi ng mga matatanda ay paglalaruan ka ng mga elemento kapag naglalaro ka pa ng tago taguan.. mga bata Kasi dito kailangan ng nasa loob na ng Bahay nila kapag malapit na mag takip silim." Paliwanag ni Xia sa pinsan. "Elemento?..Ano yun?."Taka Naman nitong tanong. "Elemento o Engkanto mga Taga pagbantay ng kalikasan pero Hindi natin Sila nakikita .. Ang Sabi ng mga matatanda ay ang mga taong may kakayahan lang o mga biniyayaan ang nakakakita sa kanila..Minsan Naman ay mga bata kaya ayaw ng mga matatanda na naglalaro pa ang mga bata sa labas kapag takip silim na."Paliwanag ulit nito. "Ngayon lang ako nakarinig ng mga iyan,toto ba Sila?" Tanong ulit nito. "Oo Naman no,Minsan nga nangunguha Sila kapag natipuhan ka nila o Minsan din kapag may nagawa ka sa kanila ng di maganda."ani ni Xia "Nakakatakot Naman yun." Ang nasambit na lamang ni Keira. "Pero Ang boring Naman dito kung ganoon." Naiinis na pahayag ulit nito. "Ganun talaga,Tapos ka na ba Dyan?Kasi ako dito malapit na ."Tanong nito habang nililigpit ang mga platong tapos ng hugasan at punasan. "Oo,tapos na.. Matutulog na ba Tayo pagtapos dito?". Balik Tanong Naman niya dito. "Oo, Kasi mag iigib pa kami ng tubig para may mainom Tayo at magamit dito sa bahay.. Ano?? gusto mo bang sumama bukas sa pag iigib? Para maging pamilyar ka na rin dito at makilala mo pa ang ibang kamag-anak natin." Mahabang Tugon nito habang nagpupunas ng lababo. "Sige!gusto ko yun." Sagot Naman ni Keira habang naka ngiti ito. "Tara na.. tapos na ako dito,pumasok na Tayo sa Sala para maisara ko na Ang pintuan dito at makapag latag na rin ng higaan.. baka inaantok na Sila mama't papa dahil sa pagod". Paanyaya ni Xia Kay Keira. Habang nagtataka SI Keira,kung bakit mama't papa ang tawag ni Xia sa kanilang Lolo't lola na samantalang mag pinsan Naman sila.. di Naman kapatid ni mama si Xia,dahil ang bunso nila ni mama ay SI uncle niccolo na 17 yrs old pa lang.. Pinagsa walang bahala na Lang ito ni Keira at sa susunod na Lang ito magtatanong ulit at baka makulitan pa ito sa kanya dahil sa kakatanong.. .... Alas singko pa lang ng madaling araw ay gising na Ang mga tao sa Bahay habang Sila Keira at Kent ay tulog pa. "Xia! Gisingin mo na yang dalawa at maisama sa pag iigib at baka matagalan kayong kumuha ng tubig.. baka marami rami rin ang mag iigib,mag sasaing pa ako at para masimulan na Ang trabaho sa bukirin, kanina pa umalis Ang papa mo kailangan ko pa tulungan doon."Mahabang salaysay nito. "Opo mama". Sagot Naman ni Xia "Keira!..Kent!..Hoy!! gising na!.. hoy!! Sabi ng gising na eh,mapapagalitan kayo niyan,bumangon na kayo!" tawag ni Xia sa dalawa habang niyuyogyog ang mga ito. Nakapikit pa ang mga mata ng bumangon ang dalawa. "Ang aga Naman antok pa kami eh." Sagot ng dalawa. "Bumangon na kayo samahan niyo raw akong kumuha ng tubig para makarami Tayo ng igib". Habang nakatayong tumingin sa dalawang nakapikit pa, ang matang at pilit minumulat ang mga ito. "Antok pa ako eh,hintay lang ha..Ang aga niyo Namang nagising dito?."sagot ni Keira habang kumakamot sa kanyang buhok at humihikab pa. Tumatawa Naman SI Xia habang nakatingin sa kanyang mga pinsan. "Ganito talaga dito,Kasi.. pag tapos na tayong mag igib eh mag wawalis pa Tayo ng bakuran." wika ni Xia "Ganun ba? Pasensya na di pa kami sanay." paghingi ng paumanhin ni Keira sa pinsan, na ngayon ay mulat na Ang mga mata at nakatingin sa kanyang kapatid, na nakabalik na Pala sa pagkakatulog. "Pwede bang ako na Lang Muna ang sumama sayo?maiwan Muna SI Kent, Kasi inaantok pa kasi kawawa Naman." Tanong nito sa pinsan habang tumayo na at magliliglit na ng kanyang hinigaan. "Okay Sige,halika na't umalis na Tayo baka maabutan pa Tayo ni mama, at mapagalitan pa Tayo dahil di pa Tayo nakaka Alis." Pagmamadaling Sabi nito Kay Keira.. Habang naglalakad at tulak tulak ang kariton na Puno ng lagayan ng tubig ay napatanong SI Keira Kay Xia. "Xia di ba Tayo iinom ng gatas? humihilab na Kasi ang tiyan ko eh lagi Kasi kami umiinom ng gatas kapag bagong gising kami." Tanong nito Kay Xia "Hahaha,nagpapatawa ka ba?" tumatawang balik Tanong nito habang tulak tulak din ang kariton. "Hindi,Bakit mo Naman natanong?"Seryosong Tanong Naman nito. "Anak mayaman ka ba?Kasi gatas talaga kapag bagong gising? Eh kami nga magtatrabaho Muna Bago makapag kape at makakain eh,spoiled ka siguro sa mga magulang mo no! Kasi parang di kayo sanay sa trabaho?"Napahinto at nakatingin Kay Keira. "Hindi Naman kami mayaman pero yun Yung pinapainom ni mama sa Amin,at saka may ginagawa Naman kami pero maghuhugas lang ng Plato,tapos magwawalis ng bakuran,at tumutulong kahit kunti Kay mama."Sagot nito Kay Xia habang nakaharap at nakahawak sa kariton. "Buti ka pa may mama."Malungkot na Sabi ni Xia Habang nagsisimula ng tumulak sa kariton. "Nga Pala Saan Pala mama mo? Nagtatrabaho ba tulad ni mama? At bakit mama't papa ang tawag mo kina lola't Lolo?." Tanong ni Keira na pasulyap-sulyap sa kanyang pinsan. "Pwedeng isa isa lang ng Tanong? Ang Dami mo Namang tanong eh.. Una wala akong mama iniwan niya ako Nung ako'y sanggol pa lang dito sa lolo't lola natin.. Pangalawa may ibang pamilya na ang mama ko.. May isang kapatid ako,makikilala't makikita mo rin Sila kapag dumalaw Sila dito.. Pangatlo nakasanayan ko na tawagin Sila ng mama at papa Kasi nga dito ako lumaki sa kanila.. so ano nasagot ko na ba lahat ng tanong mo?" Wika ni Xia habang nakatingin Kay Keira na tumatangong naka ngiti sa kanya.. .... Habang tapos na Sila sa pag iigib ay pumanhik Muna Sila sandali sa taas para makainom ng mainit na kape, Dumiretso agad si Keira sa Sala para matignan kung gising or tulog pa ang kapatid. "Oh gising ka na Pala?Tapos na kaming mag igib tulungan na kitang magligpit diyan."Paanyaya nito sa kapatid. "Ginising kasi ako ni Lola Galit Siya Kasi di raw ako senyorito dito, na natutulog pa at Ang iba may trabahong ginagawa." inosenteng Sumbong nito sa kanyang kapatid, habang nagliligpit ng hinihigaan. Natigilan si Keira sa narinig nito, at napalingon sa kusina kung saan Nakita niya Naman nakasilip sa gawi nila ang kanyang Lola na masama ang tingin. "Ako Naman nag presenta na tumulong Kay Xia ah,Cge lang Kent at baka gutom lang Si Lola kaya ganun Siya sayo, bilisan mo na diyan at makainom ka na ng mainit na kape at makatulong ka na din sa pag wawalis sa bakuran."wika nito sa kapatid. "Wala bang gatas ate?Bakit kape? diba pang matanda lang yun?" Inosenteng tanong nito sa kanyang ate . "Wala raw Sabi ni Xia kaya pag tyagaan na Muna natin ang kape ha.. hintayin na Lang natin SI mama baka mag dala yun ng gatas para sa atin." pagpapalubag loob na Sagot nito sa kanyang kapatid. Hindi sinasadyang narinig Naman yun ng kanyang Lola. "Anong gatas ang pinagsasabi niyo ha,kape ang inumin niyo kung ayaw niyo Naman di wag! at di Tayo mayaman dito!Aba mga batang ito.. akala mo Naman mayaman pareho ring nag hihikahos." Naka pamewang na wika ng kanilang lola. "Magmadali na kayo Diyan at mag simula na sa mga kagawain."Wika nito sa dalawang bata "Opo Lola." sagot Naman ng dalawa Pagkatapos nilang uminom ng kape at mag umagahan ay nag simula na Silang mag walis ng bakuran, Dahil sa Malaki ang bakuran at malawak napagdesisyunan nilang tatlo na mag hiwahiwalay.. SI Xia sa may harapan at likod ng Bahay,SI Kent Naman ay sa maharapan Naman ng kusina at sa mga pananim nilang mga bulaklak.. SI Keira Naman dun nagsimula sa mga punong kahoy na parte din ng bakuran. Habang focus Siya sa pag wawalis ay di niya namalayan na may nakatingin Pala sa kaya sa taas ng Puno ng santol, naka upo ito habang kumakain ng mga prutas nito. "Psst!..Psst!.." tawag nito sa kanya. palinga linga Naman SI Keira habang hinahanap kung saan nag gagaling ang tumatawag sa kanya at baka Sina Xia ito at Ang kapatid.. Pero wala siyang makita ni isa sa kanila man lang. "Psst!.. Psst!.. Hoy dito sa taas."Habang tinatapon sa kanya ang balat ng santol. Napatingala Naman SI Keira agad sa taas, para Malaman kung sino Yung tumatawag sa kanya.. Ito Pala ang bastos na bumabato sa kanya ng balat ng prutas, samantalang katatapos lang niyang mag walis. "Hoy! bata sino ka ba?bumaba ka nga diyan at baka mahulog ka!! atsaka katatapos ko lang mag walis bakit nag kakalat ka Naman diyan!!" Inis na wika nito sa batang nasa taas ng puno, habang winawalis ang mga balat ng prutas na itinapon nito sa kanya. "Pasensya na,naaliw lang ako at nakikita mo ako..Ikaw lang ang unang taong Nakakita at kumakausap sa akin." Masayang wika nito at nasa tabi na niya agad habang nakangiting nakatingin sa kanya. Humarap agad si Keira sa kanya,habang naguguluhan kung pano Siya nakababa agad sa gayong mataas ang Puno na kanyang inakyat. "Bago ka lang ba dito? At ngayon lang kita Nakita ?" Tanong Naman ng batang lalaki Kay Keira. Tinignan Muna ni Keira ang punong kahoy at tapos ay sinagot ang bata. "Ah,Oo Bago lang kalilipat lang namin dito kahapon.. dun kami dati nakatira sa lungsod, Ikaw Taga saan ka ba? Kamag anak ka ba namin?".Tanong niya na may pagtataka pa rin. "Ah,Diyan lang sa malapit, ako nga Pala si Habier, di Tayo mag kamag anak... Ikaw Anong pangalan mo?" Pagpapakilala nito. "Ah,Ako Naman SI Keira,ilang taon ka na?"Balik tanong Naman nito Kay Habier. "Ah,ano..Ang edad ko?ano..hmmp Ikaw Muna ilang taon ka na ba?"Tanong ni Habier "Pitong taong gulang na,ano ka ba parang di mo alam kung Ilang taon ka na ?"Natatawang tugon ni Keira. "Di ah,alam ko no,parehas lang Tayo ng edad, ikinagagalak Pala kitang makilala magandang binibini ."naka ngiting Sabi nito sabay halik sa kamay. "Ahahah! ano ka ba may pahalik halik ka pa sa kamay, pwede Naman tayong mag shake hands, tapos napaka weird mo Naman magsalita parang matanda,haha!! Pasensya ka na natatawa lang ako." Di mapigilan ni Keirang tugon. "Ah,Ayos lang yun Ganito talaga ako magsalita dahil nakasanayan na,ang Ganda mo Pala kapag naka ngiti ka,di Yung naka simangot ka parang pinag sakluban ng langit at lupa ang Yung Mukha,maganda parin Naman, pero mas maganda kapag naka ngiti ka." Naka ngiting Turan ni Habier "Pasensya na at Salamat,Nakasimangot lang ako Kasi naninibago ako rito pero ang weird mo talaga, ang lalim ng iyong pananalita ,alam mo yun?"pag bubuyo niya pa dito. "Pwede ba Tayong maging kaibigan?"Tanong ni Habier na may pag aalangan. "Oo ba,Ikaw pa lang ang unang nag Alok sa akin ng makipag kaibigan,alam mo yun? Kanina Kasi habang nag iigib kami nakatingin lang Yung mga bata sa akin..nahihiya Naman akong lumapit para magpakilala."natutuwang Sagot ni Keira. "Talaga?!ganoon din ako,Ikaw pa lang ang unang nakipag kaibigan at Nakakita sa akin." Manghang tugon ni Habier. "Ganoon ba,kawawa ka naman,Sige simula ngayon magkaibigan na Tayo."wika ni Keira habang inaalok ang kamay na makipag shake hands. Inabot Naman ito ni Habier. "Ano Pala Ang kinakain mo?" Tanong ni Keira rito. "Ah,ito santol lang Naman masarap Siya..gusto mo? wala itong lason..hehe." Alok nito kay Keira. Inabot Naman ni Habier Kay Keira ang hawak at kahit nag aalangan ay tinanggap Naman nito ang prutas. "Ang sarap Naman nito.. hmm..di gaanong maasim at di gaanong matamis sakto lang." Nakangiting Pagpapaliwanag nito. "Alam mo.. ngayon lang ako naka tikim nito.. wala Kasi nito sa Amin." Manghang paliwanag ni Keira. "Ganun ba,gusto mo pa? kukuhanan kita,marami-rami pa Naman sa taas."pag aalok pa nito. "Sige, kung okay lang sayo,pero aakyatin mo ba yan? Ang taas Nyan eh, baka mahulog ka pa Dyan." nag aalalang tugon nito. "Di yan sanay Naman ako sa akyatan eh, at saka magaling kaya ako umakyat." Pagmamalaking sagot Naman nito. "Sige nga, pakitaan mo nga ako ng malaman natin hehe." Mapagbirong hamon Naman ni Keira. Hanggang umakyat na nga SI Habier sa puno,nasasayahan Naman SI Keira sa pamumulot ng mga prutas na hinuhulog ni Habier sa kanya. Di naglaon ay marami-rami na rin Ang nakuha ni Habier kaya bumaba na nga Siya sa Puno. "Ang galing mo ngang umakyat ng Puno." Hangang Sabi ni Keira sabay palakpak. Nasisiyahan Kasi ito dahil sa daming nakuha ni Habier na mga prutas. "Tsst.wala yun ano ka ba, Sige na kainin na natin yan." Nahihiya Naman nitong tugon. Agad Naman nilang nilantakan ang mga prutas. "Buti na Lang kakatapos ko lang na mag walis,saktong meryenda rin ito,hehe salamat Habier ah."masayang pasasalamat ni Keira. "Ano ka ba, wala yun." nakangiti Naman itong nakatingin sa batang babae habang nasisiyahan sa kanyang kinakain. "Ayoko na,busog na ako." Pahayag ni Keira "Baka gusto mo pang kumain ng ibang prutas?" Paanyaya nito. "Sa susunod na Lang siguro,busog na Kasi ako, tapos pwede ko Naman isama ang kapatid ko sa susunod diba?"pahayag nito "Oo Naman,basta Ikaw."pag sang ayon Naman ni Habier Masaya SI Habier Kasi payag itong makipag kita sa kanya. "Saan pala Ang Bahay nyo Habier?" tanong ni Keira sa kaibigan. "Dyan lang sa malapit,magkapit Bahay lang Tayo."paliwanag nito. "Matanong ko lang matagal ka na ba dito?"Tanong ulit ni Keira. "Oo,matagal tagal na rin, Bakit mo natanong?" "Eh Kasi.. ano..hmmp.. naniniwala ka ba sa mga sabi-sabi ng mga matatanda dito sa atin?"Nahihiya na nitong Sagot. "Ang alin Naman? madami Kasing sabi-sabi ang mga matatanda dito eh." Taka Naman nitong tugon. "Ano... Yung tungkol sa mga elemento at Engkanto? Kasi ako di ako naniniwala eh, kapag di ko nakikita,hehe.. Ikaw naniniwala ka ba sa kanila?" Tanong ni Keira. "Ah yun ba.. Oo Naman, naniniwala ako Kasi totoo Naman Sila." Seryosong tugon ni Habier. "Ganoon ba,so totoo rin na nangunguha Sila ng mga bata at masasama Sila?" Inosenteng tanong nito. Matagal din sumagot SI Habier habang tinitignan SI Keira sa kanyang mga mata. Inaalam kung totoo ba ang pagka inosente nito sa mga tanong nito sa kanya. "Hoy, Ano na, totoo ba? Kasi.. Ano.. Kasi gusto ko lang Naman malaman kung may mabubuti ba o wala, alam mo yun tulad ng totoo ba Sila." Dagdag pa nito habang nakatingin Kay Habier. "Alam mo, yang pagka daldal mo ang magpapahamak sayo.. Buti na Lang ako lang ang nakakarinig ng mga tanong na yan." "Hehe.. Di ko Kasi mapigilan na matanong eh, pasensya na." Napayuko Naman SI Keira sa hiya dahil sa sinabi ng kanyang katabi. Nakasandal Kasi Sila sa punong kahoy. "Wala yun, Pero oo, may masama at mabuti rin sa kanila,mapaglaro rin paminsan-minsan pero Hindi Sila mapanakit, di tulad ng mga tao kung Makakita lang ng kakaiba, at Hindi nila maunawaan yun ay kukutyain,sasaktan at papatayin. Pero Sila.. ang mga Engkanto may kakayahan Sila.. marami, kaya nilang magpalit ng anyo sa gustuhin nilang wangis,kaya nilang Gawin ang gusto at pinapangarap ng mga tao,kaya nilang makibagay at makisalamuha sa tao kung gugustuhin nila, kaya nilang Makita ang mga tao pero Ang mga tao ang Hindi nakakakita sa kanila." Mahabang paliwanag nito. Mataimtim Namang nakikinig SI Keira,namangha Siya sa kanyang nalalaman Kay Habier. "Ang galing mo Naman. Nakakita ka na ba ng isa man lang sa kanila? Kasi detalyado lahat ng mga paliwanag mo. So ano nakikita nila Tayo ngayon at nakikinig din Sila? Ganun ba yun??" Atat Naman na tanong nito. Nakangiti Naman SI Habier Kasi nakikita niya na gustong-gusto ni Keira ang mga kenikwento niya dito. "Wala no,na kwento lang Kasi yun ng mama ko sa akin."pagsisinungaling niya. "Ah ganun ba, maalam din Pala mama mo tungkol sa kanila. Ano pa? magkwento ka pa, diba Sabi nila pili lang ang mga nakakakita sa kanila?." excited Naman nitong tugon. "Oo,totoo yun.. pili lang ang nakakakita sa kanila,Yung may mga kakayahan, Yung iba naging kaibigan nila, at Minsan nagiging Mang gagamot ang mga taong piling maging kaibigan nila, o Minsan Naman nagiging gabay nila ang mga ito, dependi kung tatanggapin mo ang Alok nila."salaysay ulit nito. "Wow ang galing Naman kung ganun,Tapos ang galing mo rin mag kwento."masayang tugon nito. "hahaha,nakakatawa ka imbis na matakot ka e, nasisiyahan ka pa Dyan."Natatawang Umiiling habang naka tingin Kay Keira. "Di Naman siguro Sila nakakatakot tulad ng kwento mo. Marami ka pa bang mga kwento tulad niyan?"Tanong nito sa kanya "Oo Naman, marami-rami rin pero Ikaw Naman ang mag kwento." Sabi nito habang di sinasadyang napalapit ang mukha nito Kay Keira. "Ano Naman ang e kekwento ko?"Inosenteng tugon nito na Hindi man lang natinag sa ginawa ni Habier. "Ewan ko kahit ano, pero di ka ba naiilang?" "Saan? Ah! Alam ko na tungkol na Lang sa papa ko." Agad Naman nitong tugon. "Walaa.. Bata ka pa nga... Sige ano ba ang tungkol sa papa mo?" Inayos na Lang niya ang kanyang porma dahil Siya mismo ang naiilang. "Kasi Sabi ni mama Nung maliit pa kami,sa tacloban naka destino SI papa nun, may maliit na Bahay din na tinutuluyan nila,Kasama niya sa Bahay Yung mga ka trabaho niya at ang caretaker Naman sa maliit na Kubo katabi lang ng Bahay,pero di ko na tanda kung saan parte yun,basta liblib Siya at wala masyadong kabahay-bahay. Tapos nag inuman daw Sila papa at mga kasamahan niya, nakaharap SI papa sa may kalsada tapos tinawag niya daw ang kasamahan niya,tapos Sabi niya may dalawang batang naglalaro raw sa may kalsada Kasama ang babaeng nakaputi,pero pag tingin Naman daw ng kasamahan ni papa wala na man daw siyang nakikita Kasi Ang dilim ng kapaligiran,wala Kasing kuryente.. Tapos Sabi ni papa ayon oh katapat lang natin, yun.. natakot ang kasamahan ni papa at sinabi na lasing lang Siya.. Pero di talaga tuwing Gabi raw nagpapakita Sila Kay papa di nga niya maintindihan Kung bakit, Tinatanong Naman niya, nawawala na Lang daw bigla... Pero Sabi ni mama Kay ika't long mata raw SI papa,pero pag tinitignan ko Naman dalawa lang nakikita ko.. hahaha,nakakatawa diba may tatlong mata pero di mo nakikita,may ganun ba?? Mahabang litanya ni Keira. "Ah nabiyayaan Ang papa mo ng kakayahan na Makakita ng mga kaluluwa,bihira lang ang ganyan,di tulad ng ibang normal na tao.. Siguro katulad ka rin niya nabiyayaan din."Paliwanag nito. "Di no nakakatakot Naman kapag ganun,pa'no na Lang kung Makakita ako ng Pangit na kaluluwa,Yung nakakatakot..Ayoko nun siguro di na ako makakatulog." pahayag nito na hinawakan pa ang magkabilang braso at nanginginig pa. "Malalaman mo rin Ang katotohanan pag dating ng tamang panahon." mahinang sambit ni Habier sa Sarili habang nakatingin Kay Keira. "Ano yun? may sinasabi ka ba? Ano ba yan lakasan mo Naman bingi Yung tao eh." litanya nito habang inilalapit ang Tenga sa katabi. "Wala Sabi ko maganda ka, bingi nga lang.hahaha "Pagbibiro pa nito. "Alam mo nakakainis ka Naman,pero sa totoo lang na mimiss ko na Ang dati naming tahanan,alam mo ba tumawid pa kami ng dagat at sumakay ng barko. Nakakatawa nga Ang kapatid ko Kasi malapit na siyang mahulog sa dagat dahil sa kakulitan Buti na Lang Nakita namin kaagad."Natatawang nakatingin sa kawalan. "Bakit Naman?" "Kasi,dinuduraan daw niya ang baba baka Kasi may sumilip na ulo at ma hagip ng laway niya.. diba ang pilyo na Palo nga ni mama dahil kulang na Lang lumambitin Siya sa railing ng barko." "Masaya ka ba na andito ka na?" tanong nito Kay Keira. "Yung totoo?..Magkahalo ang nararamdaman ko eh,masaya sana kung Kasama namin SI mama tapos naiwan pa namin SI papa, Ang Sabi lang Kasi niya magbabakasyon lang kami dito at babalik kami,pero sana totoo namimiss ko na Kasi mga kaibigan ko dun at ang Lugar.. Alam mo ba na malapit-lapit din ang dagat dun,nangitim na nga kami sa kaliligo Kasi pag tapos ng klase dinadala kami ni mama roon para maligo,Minsan namamasyal o kumukuha ng pang ulam." Malungkot na litanya niya. "Ganoon ba? pero masasanay ka rin dito..maraming prutas,maraming mga Puno tapos andito rin mga pamilya mo.. Tapos may makikilala ka pa na mga bagong kaibigan." "Siguro nga.."Maikling pag sang ayon nito. Pero sa kaibuturan ng puso ni Keira ay may pagdududa Siya na sasaya Siya dito,gusto niyang umuwi,gusto niyang makumpleto uli Silang magpapamilya.. Pero sa palagay niya ay malayong mangyari yun. Nabahala Naman agad si Habier Kay Keira dahil Malungkot na ito. "Gusto mo bang sumama sa akin?" Pag anyaya nito. "Saan Naman?" napatingin agad ito sa kanya. "Kahit saan.." "Ah! sa kakahuyan na Lang napag alaman ko Kasi na maraming prutas na tamin SI Lolo." masayang pahayag nito. Nasabi Kasi ni Xia na maraming pananim na prutas ang Lolo't Lola nila. "Sige,may Nakita akong mga lansones doon oh sa malaking kahoy." turo nito sa matandang Puno ng lansones. "Talaga!!.. eeeehh! Sige Tara ng matikman ko Naman yun." Biglang napatalon SI Keira sa tuwa. "Ngayon ka lang ba nakatikim ng mga prutas?" Tanong ni Habier. Napatango na lamang si Keira, dahil di nakakabili ang mama niya ng mga prutas noon. Minsan naman ay doon lang Sila nakakatikim ng mani, kapag may nag haharvest sa likod ng Bahay nila. Agad Naman sumusunod ang mama niya para mamulot ng mga tira-tira, Kasama nito ang mga kapit Bahay nila,makaka ipon agad Sila at mapupuno nila ang malaking kaldero ng mani.. Ito na Ang pagsasaluhan nila. ... Agad Naman sumusunod SI Keira Kay Habier habang hawak-hawak nito ang kamay.. Nakarating din Sila sa matandang Puno. "Tabi-tabi po,manghihingi lang kami ng kahit kunting bunga." Pahayag ni Habier habang nakaharap sa matandang Puno. "Sino ang kinakausap mo Habier? May tao ba Dyan?Wag ka Naman manakot?" natatakot na litanya nito habang hawak pa rin Ang kamay ni Habier. "Haha..Wala, pero baka may nakatira. Alam mo na Yung mga Taga pagbantay ng mga Puno, nagbibigay galang lang Naman." Sagot nito sa kasama Nakatingin na lamang Siya Kay Keira, at pinisil Ang mga kamay nito para Hindi na matakot. "Ah akala ko Naman kung ano na.. Pero pano natin aakyatin niyan, eh ang laking Puno niyan oh." Sabay turo sa Punong hitik sa mga bunga. "Alam mo wag ka ngang mag turo..Bakit di ba ako marunong umakyat?" Paalala nito. "Oo nga Pala no, hehehe pasensya na." Hinging paumanhin nito sabay kagat sa kanyang hintuturo. Agad Naman nag simulang umakyat si Habier, habang SI Keira Naman ang namumulot ng mga bunga. "Kay gandang bata iyong Kasama.. kaibigang Habier?hehe" Ani ng Isang malaking aninong naninigarilyo. "Ikaw Pala Kaibigang aghoy, Ikaw Pala Ang nakatira dito?"masayang pagbati nito sa kaibigan. "Ako nga,Ikaw Pala Ang magalang na ginoo kanina,ano Naman Ang ginagawa mo dito? nakikita ka ba ng batang Kasama mo?"Tanong Naman ng kapre habang humihithit sa kanyang malaking tabako. "Ah. Oo pero di niya alam na nakakakita Siya,kaya wag Kang maingay." tugon nito habang nakalagay ang hintuturo sa mga labi. Napatungo Naman SI aghoy sa mga tinuran ng kanyang kaibigan. "Salamat sa mga prutas Hanggang sa muli kaibigan."pasasalamat nito. Nakatingin na lamang ang kapre Kay Habier habang pababa na Siya sa Puno,marami-rami na rin Kasi Ang mga nakuha niya. "Ang Dami nito Habier at ang sasarap pa,pero tika.. sino yung malaking tao kanina na Kasama mo sa taas,asan na Siya?" Takang tanong ni Keira habang nilalantakan ang lansones. "Ah yun ba.. Kasi nauna na akong bumaba,mamaya na Lang daw Siya baba. kaya Sige na at ihahatid na kita,baka Kasi hinahanap ka na sa inyo."Pagpapalusot nito "Ay.Oo nga Pala nakalimutan ko."pahayag nito na nakalimutan na rin Ang malaking lalaking Nakita nito kanina. "Lika na.."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Succubus Queen

read
27.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

His Obsession

read
104.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook