DALAWANG araw lang nagbakasyon ang pamilya Miller sa Bali. Dahil parehong maraming trabaho ang mag-asawang Miller. Napagdesisyunan din ni Tanya na mamasukang intern sa kumpanya nila at pinayagan naman ito ng kanyang mga magulang.
Gusto kasi ni Tanya na matuto mula sa mababang posisyon sa kumpanya. Ayaw niya na special kaagad siya doon dahil wala pa siyang napapatunayan. Kabaliktaran naman kay Gela. Dahil mas gusto nitong maging tambay na muna at ipahinga ang utak. Hindi naman kwinestyon ng mga magulang nito ang kagustuhan ng dalaga dahil kaka-graduate pa lamang ng mga ito.
"Mommy, kailan po ako magkakaroon ng sarili kong kotse? Luma na po ang ginagamit namin ni Tanya at para naman may sarili ng kotse si Tanya sa pagpasok sa trabaho," wika ni Gela na idinahilan pa si Tanya.
Napanguso naman si Talita. Nasa sala ang mag-ina at nagtatrabaho pa si Talita. Wala pa si Tanya at palagi itong nago-overtime sa trabaho para matuto. Ang ama naman nila ay nasa silid na naliligo kaya sinamantala nitong lapitan ang ina nila.
"You're right, my dear. More than four years na rin pala ang kotse na gamit ni Tanya. Iniregalo namin iyon sa kanya noong mag-college na siya at hanggang ngayon ay hindi pa napapalitan." Pagsang-ayon ni Talita na maisip na matagal na ang kotse na gamit-gamit ng kanyang mga dalaga.
Napangisi naman sa isipan si Gela. Niyakap ang ina nito na napangusong sumandal sa balikat ni Talita.
"Ibibili mo po ba ako ng bagong car, Mommy?" malambing ungot nito sa ina.
"Oo naman, anak ko. Sige, bukas ay titingin tayo ng bagong kotse niyo," sagot ni Talita na hinaplos ito sa pisngi.
Napairit naman ito na napagbigyan siya sa nais! "Yey! Thanks po, Mom! Pangako, iingatan ko po ito!" bulalas ni Gela na kinikilig at excited sa bagong kotse nito!
"You're welcome, hija. Magkano lang naman ang kotse kung para sa ikasasaya ng mga anak ko." Tugon ni Talita na hinagkan sa ulo ang dalagang nakasiksik sa kanya.
Kinabukasan ay nagtataka naman si Tanya na isinama pa siya ng kanilang ina na ibili ng bagong kotse si Gela. Nabanggit kasi ng ina nila kagabi sa hapunan na bibili siya ng bagong kotse para sa mga bata. Sa isip ni Tanya, si Gela lang ang ibibili nila. Dahil bukod sa maganda pa rin naman ang dating kotse na iniregalo sa kanya ng kanilang mga magulang--four years ago, wala sa isipan nito ang magpabili ng bagong sasakyan. Lalo na't million din ang halaga ng mga iyon!
Isang red Porsche 911 ang pinili ni Gela na magiging service nito. Napaawang naman ng labi si Tanya na malaman kung magkano ang halaga ng Porsche nito! Napasapo siya sa ulo na parang matutumba sa presyo no'n gayong wala pa namang trabaho si Gela! Tiyak na ipagyayabang lang niya sa mga kaibigan at followers niya sa social media na may gano'n siyang sasakyan!
"Gela, masyadong mahal ang ipinapabili mo. Marami namang iba e. Saka tignan mo nga oh?" bulong ni Tanya na itinuro ang napili nitong sasakyan. "Dalawa lang ang pwedeng sumakay sa kotse. Pumili ka na lang ng iba."
Sinamaan ito ng tingin ni Gela na napalapat ng labi. Kasalukuyan kasing kinakausap ni Talita ang manager ng auto shop kaya malayo ito sa kanila.
"Ano ba ang pakialam mo ha? Ikaw ba ang magbabayad? Isa pa, ayaw mo no'n, solo mo na 'yong bulok mong kotse. Iyong-iyo na iyon, Tanya. Hinding-hindi na ulit ako sasakay sa bulok mong Mercedes Benz." Pang-uuyam ni Gela dito na napabuga ng hangin sabay iling.
Napairap si Gela dito na iniwan na ang dalaga. Kinikilig na hinahaplos ang Porsche 911 nito na nagniningning ang mga mata sa sobrang tuwa! Mabuti na lang at hindi na nauungkat ng pamilya niya ang tungkol sa nakaraan nila. Kaya hanggang ngayon, ligtas ang sikreto nitong pag-angkin sa katauhan ni Tanya.
"Anak, you like black color, right?" tanong ni Talita na ikinalingon sa kanya ni Tanya.
Ngumiti ito na tumango sa ina. "Opo, Mommy. Black is my favorite color po." Magalang nitong sagot.
"A'right. Come here, hija. I'll show you something." Wika ni Talita dito na lumapit sa kanilang ina.
Abala naman na si Gela sa kotse nito. Igina-guide siya ng staff at idini-discuss dito ang tungkol sa kotse. Yumapos si Talita sa braso ni Tanya na inakay ito sa sulok kung saan naroon ang pinakamagandang unit ng Bugatti Bolide na black and purple ang kulay!
"I buy this Bugatti for you. This is our graduation gift for you for graduating as c*m Laude. I hope you like it, sweetheart." Wika ni Talita na hinaplos ito sa ulo.
Natutulala naman si Tanya sa Bugatti na nasa harapan nila! Hindi makapaniwala na sa kanya ang sasakyang iyon!
"M-mommy, this is too much. Okay pa naman po 'yong kotse ko e." Pagtanggi ni Tanya na makita kung magkano iyon!
Para siyang matutumba na makitang triple sa halaga ng Porsche ni Gela ang binili ng kanilang ina para sa kanya!
"No, Mom. Hindi po natin ito kukunin. Okay lang po talaga. Maayos pa po 'yong service ko at bago pa naman iyon tignan e." Madiing pagtanggi ni Tanya sa ina.
"We can't, anak. Tanggapin mo na lang, hmm? Kasi nabayaran na natin at hindi na pwedeng ibalik. Unless. . . gusto mong mapahiya ako," nakangusong saad ni Talita dito na lumamlam ang mga matang kita pa rin ang panghihinayang sa mga mata sa mahal ng service niya!
"M-mommy." Aniya na niyakap ang inang napangiting hinagod-hagod ito sa likuran. "I don't deserve it."
"No, anak. You deserved it. Napag-usapan na namin ng daddy mo kung ano ang bibilhin kong kotse para sa'yo. Isa pa, wala ka manlang binibili para sa sarili mo. Ni hindi ka manlang gumagala or hangout with your friends. Kaya walang masama na itreat ka rin namin paminsan-minsan." Nakangiting saad ni Talita dito na naluluhang mas niyakap pa ang ina nito.
"Thank you po, Mommy. Kahit wala naman pong magarang regalo, masaya pa rin po ako. Dahil binigyan niyo ako ng mainit na tahanan na matutuluyan, masasarap na pagkain at higit sa lahat? Binigyan niyo ako ng buong pamilya. Wala na po akong mahihiling pang iba." Naluluhang saad ni Tanya na hinagkan sa ulo ang ina nito.
"What's going on here?"
Napakalas ang dalawa na magsalita si Gela mula sa likuran nila. Nagpahid ng luha si Tanya na kiming ngumiti ditong nakakunot ang noo na palipat-lipat ng tingin sa dalawa.
"Uhm, ipinakita lang ni mommy ang binili nilang kotse para sa akin, Gela." Sagot ni Tanya dito na nagulat at napakurap-kurap sa narinig.
"Nagpabili ka rin? Pero kung makapuna ka sa ipinabili kong Porsche, akala mo naman ikaw lang ang anak," wika ni Gela dito na napahinga ng malalim.
"Hwag na kayong magtalo, hmm? Pinapili naman kita kung ano ang gusto mo at binili natin iyon, right?" maalumanay na saad ni Talita dito na tumangong napanguso.
"Fine, Mom. Nasaan ba ang bagong kotse ni Tanya?" tanong nito na napapalinga sa mga kotse sa harapan nila.
Lihim na napangisi si Tanya. Humakbang siya sa kaharap nilang black Bugatti bolide at marahang tinapik ang hood no'n. Halos lumuwa ang mga mata ni Gela na makuhang isang Bugatti ang ipinabili ni Tanya habang siya ay Porsche lamang!
"What the--"
"Bakit? Ikaw lang ba pwedeng ibili nila mommy ng bagong kotse? Ikaw lang ba ang anak?" pang-aasar ni Tanya dito na namimilog ang butas ng ilong at kitang hindi natutuwa sa nakikita!
"No way, Tanya. Hindi mo pwedeng iuwi ang Bugatti na 'yan! Do you even know how much that cost ha?" nanginginig ang boses na sikmat ni Gela dito.
"Calm down, hija. Ako ang namili niya'n para sa kanya. Ayaw ngang tanggapin ni Tanya e. Pero pinilit ko kasi this is our graduation gift for her." Pag-awat ni Talita sa dalaga.
"Pero, Mom, this is too much. Seriously? Gan'to talaga kamahal ang ireregalo niyo sa kanya? Mas magara pa ang kotse ng isang intern kaysa sa CEO ng kumpanya?" giit ni Gela na kitang hindi sang-ayon na isang Bugatti ang service ni Tanya--tripleng mas magara at maganda kaysa sa kanyang Porsche!
Ngumiti lang si Talita na hinagod-hagod ito sa likuran. "She deserves it, anak. Alalahanin mong c*m Laude ang kapatid mo." Wika ni Talita dito na naikuyom ang kamao at masama ang tingin kay Tanya.
Walang imik na bumalik ito sa kanyang Porsche. Sumakay siya doon na nagpupuyos ang loob. Hindi na tuloy niya magawang magdiwang sa kanyang bagong Porsche dahil isang Bugatti naman ang binili ng ina nila para kay Tanya! Hindi siya makaangal dahil graduation gift iyon at sa kanilang dalawa ni Tanya, mas deserve nga nito ang isang Bugatti dahil sa pagiging Suma c*m Laude nito habang siya? Pasang awa lang sa batch nila!
"Bwisit ka talaga, Tanya. Oras na. . . para mawala ka sa pamilya ko." Piping usal nito na nanlilisik ang mata sa galit na naiisip na palagi na lang mas nakakaangat at mas nakakalamang si Tanya sa kanya.
Noon pa man siya sinusulsulan nila Antonette at iba pa nilang mga kaibigan na patalsikin na niya si Tanya sa pamilya nila, bago pa malaman ng mga magulang nila ang katototohanan. Kaya paunti-unti na itong nagpopondar ng mga gamit niya. Lingid sa kaalaman ng mga magulang niya, nakabili na si Gela ng dalawang condo nito na nakalagay sa totoo niyang pangalan. Nakabili na rin ito ng isang rest house sa Rizal at dalawang van na nakatago sa rest house niya sa Rizal. Maging pera ay nakapag-ipon na rin ito. Dahil pinaghahandaan na niya ang araw na malaman ng mag-asawang Miller na hindi talaga siya ang pamangkin ni Talita kundi si Tanya!
"Sige lang, Tanya. Enjoy-in mo na muna. Dahil magsisimula na. . . ang kalbaryo mo at titiyakin kong mapapatalsik kita sa pamilyang ito." Piping usal nito na may ngisi sa mga labi habang nanlilisik ang mga matang puno ng galit at inggit!