Chapter 7

1717 Words
PINALAGPAS ni Tanya ang naging pagtatalo nila ni Gela at pagsabunot nito sa kanya. Dahil magaling umarte si Gela, nakumbinsi niya si Tanya at pinatawad siya nito na hindi nagsusumbong sa kanilang mga magulang. "Bakit may mga bagsak ka, hija? Maayos naman ang mga grades ni Tanya a," puna ni Talita habang sinusuri ang mga report sa nagdaang exam ng dalawa. Napanguso naman si Gela. Hindi kaagad nakasagot. "Hindi po kasi maayos ang pakiramdam ko noong nag-exam kami, Mommy. Idagdag pang hindi kami nagkatabi ni Tanya kaya hindi ako nakapagtanong sa kanya. I did my best po pero kulang talaga." Mababang saad ni Gela na napakaamo ng itsura. Napatango-tango naman ang ina nila. Nakumbinsi sa sagot ni Gela. "Masama pala ang pakiramdam mo at may exam kayo, dapat nagpahinga ka na lang. Ako na ang bahalang kumausap sa professor niyo," wika ni Talita na naiiling sa isipan sa mga grado ni Gela. May ilang bagsak kasi ito. Ni walang nakaabot ng line of 9 sa mga grado nito. Hindi katulad ni Tanya na perfect ang lahat ng grades! "Babawi na lang po ako sa nga bagsak ko, Mommy. Magpapatulong ako kay Tanya." Sagot ni Gela dito na tumango. "O siya. Tanya, hija, good job. As usual, you didn't disappoint me. Great job, I'm so proud of you, sweetheart." Nakangiting baling niya kay Tanya na napangiting tumango. "Thank you po, Mommy." Magalang sagot nito sa ina. Napakuyom naman ang kamao ni Gela na napamura sa isipan. Alam niya namang dati pa na matalino si Tanya. Palagi itong nangunguna sa klase. Hindi rin niya maintindihan kung ano'ng utak ang meron si Tanya dahil napakatalino nito. Kahit na hindi naman ito gaanong nagre-review ay palagi siyang nangunguna sa klase! Magkasabay na bumalik sa silid ang dalawa matapos maipakita sa ina nila ang kanilang grado sa school. Kahit maayos silang kinausap ni Talita, nagpupuyos pa rin ang loob ni Gela. Dahil siya, kwinestyon ang mga bagsak niya. Samantalang si Tanya ay pinuri pa ito ng kanilang ina at sinabihan na ipinagmamalaki nila ito. "Uhm, sissy, gusto mo ba na ireview natin ang mga bagsak mo? Para hindi ka mahirapan na balikan ang mga iyon," tanong ni Tanya dito. "Sa susunod na lang, Tanya. May lakad ako mamaya." Malamig nitong tugon na pumasok na sa kanyang silid. Napahinga na lamang ng malalim si Tanya na pumasok sa sarili nitong silid. Naiiling na nagta-tantrum na naman si Gela gayong hindi na nga ito pinagalitan. Maalumanay silang kinausap ng kanilang ina kahit may ilang bagsak ito sa kanilang mga subject. Hindi kasi sila magkatabi ni Gela sa klase. Mas gusto nitong tumabi kina Antonette at hindi na lamang nagprotesta pa si Tanya sa bagay na iyon. Dahil umiiwas siya sa maaari ulit nilang pagtalunan ng kaibigan nito. LUMIPAS ang dalawang taon at nakapagtapos sina Tanya at Gela sa kursong kinuha nila. As expected, si Tanya ang naging Suma c*m Laude sa kanilang university. Habang si Gela, muntik pa itong hindi makapasa kung wala ang tulong ni Tanya. Labis-labis ang galak ng mag-asawang Miller sa dalawa nilang anak. At dahil kapwa sila abala sa trabaho, hindi nabibigyan pansin ang mga katangian ni Gela kapag nakatalikod na sila. Tanging si Tanya at mga katulong sa mansion ang nakakaalam kung gaano kasama ang ugali ni Gela. Hindi na lamang nagsusumbong si Tanya dahil paulit-ulit na ipinapamukha ni Gela sa kanya na sampid lang siya sa pamilya nila. Tuluyan na nga itong nagbago at nasira ang masaya nilang pagkakaibigan ni Tanya. Si Tanya na rin ang nagkukusang umuwis sa kanya kapag nasa labas sila. Dahil saka lang sila nagpapansinan ni Gela kapag nasa mansion sila at kasama ang mga magulang nila. Ilang beses na kasing nagtalo ang mga ito sa tuwing sinusuway o kaya ay pinagsasabihan ni Tanya si Gela sa mga bisyo nito. Pero dahil masyado nang mataas ang ego ni Gela, hindi na sila nagkakasundo. "Saan niyo gustong ganapin ang celebration ng pagtatapos niyo, mga anak?" tanong ni Talita sa dalawa na bakas ang excitement at tuwa sa mukha na c*m Laude ang isa sa mga anak niya! "Uhm, Mom, kaysa mag-celebrate pa tayo bakit hindi na lang tayo magbakasyong pamilya? Summer na po oh? Masarap magbakasyon sa beaches like Bali," tugon ni Gela. "Bali? Abroad?" pangungumpirmang tanong ni Tanya dito na tumango-tango. "Oo, saan pa ba ang Bali?" balik tanong nito sa dalaga. "Ano ka ba? Alam mo ba kung magkano ang aabutin ng gastos kung sa Bali pa tayo magtutungo? Kung beach lang naman ang pag-uusapan? Marami tayong magagandang beach dito sa bansa mula Batanes hanggang Jolo." Wika ni Tanya dito na napaikot ang mga mata. "O siya, hwag na kayong magtalo. Sige, pupunta tayo sa Bali sa weekend. Total naman ay nagtapos na kayo at bonus pa na c*m Laude ka, Tanya. Para naman makapag-relax tayo kahit saglit." Pagsang-ayon na lamang ni Talita kay Gela at baka magkasagutan pa ang dalawa. "Yey! Thank you, Mom!" kinikilig na irit ni Gela na napapalakpak pa sa tuwa. "You're welcome, hija." Tugon ng ina nilang nasa front seat at pauwi na sila ng mansion. Naiiling namang hindi na lamang nagkomento pa si Tanya. Tiyak niya kasing magtatalo na naman sila ni Gela kapag tumanggi pa siya na sa Bali sila magbabakasyon. DUMATING ang weekend at natuloy nga ang pamilya Miller na nagtungo sa Bali para sa short vacation at treat na rin ng mag-asawa sa dalawa. Halos hindi magkandauga-uga si Gela kakakuha ng pictures at video sa ganda ng resort na tinuluyan nila sa Bali. "Siya nga pala, Mommy, Daddy, gusto ko na po sanang magtrabaho e. Kung okay lang po," wika ni Tanya habang nasa cottage silang tatlo na ini-enjoy ang view. "Are you sure, hija?" tanong ni Thomas sa dalaga na tumango. "Kaka-graduate mo pa lang, anak. Don't be rush. Enjoy-in mo na muna ito at kapag nagtrabaho ka na? Hindi mo na hawak ang kalayaan mo." Dagdag nito. "Mas maiinip lang po ako sa bahay, Daddy. Sa tingin ko naman ay kaya ko na pong magtrabaho. Mas nanaisin ko pong magtrabaho kaysa tumambay lang sa bahay sa maghapon." Magalang sagot ni Tanya na ikinangiti ng mag-asawa. Hinaplos ito ni Talita sa ulo na nakangiti sa dalaga. "We're so lucky to have you, anak. Magmula maliit ka, hindi mo kami binigyan ng sakit sa ulo ng daddy niyo. Pinagbutihan mo rin ang pag-aaral mo at hindi sinayang ang perang pinagpaaral namin sa'yo. Maswerte ang mamahalin mo, hija. Dahil magkakaroon siya ng disente at responsableng asawa." Wika ni Talita sa anak nito na napangiti. "Maswerte din naman po ako na kayo ang naging magulang ko, Mommy. Utang na loob ko po sa inyo ang narating ko at kung sino na ako ngayon. Kung wala po ang tulong niyo, hindi ko mararanasan ang buhay na ipinaranas niyo sa akin. Lalo na po ang magkaroon ng mga magulang na mapagmahal." Puno ng sensiridad na saad ni Tanya na niyakap ang ina nila. Nangingiti namang nakisali si Thomas na niyakap ang kanyang mag-ina. Sa dalawang ampon kasi nila, kay Tanya lang ito magaan ang loob. Pero dahil kadugo ng asawa niya si Gela, pinakikisamahan niya ang dalaga at itinuturing ding sarili nilang anak. Kahit na ibang-iba ito kay Tanya. Na higit na mas matino si Tanya kaysa kay Gela. "Masaya rin kaming maging anak ka namin, sweetheart. Napakasaya namin ng mommy niyo." Saad ni Thomas na hinagkan sa ulo ang mag-ina bago muling niyakap ang mga ito. Napaismid naman si Gela na masulyapan ang tatlo sa cottage na nagyayakapan. Bumaling na lamang siya sa dagat at walang sawang kumuha ng mga pictures at selfie niya na ipinagmamalaki niya sa kanyang social media account na nasa Bali ito for vacation. Tatlong cottage ang kinuha nila Talita. Gusto kasi ni Gela na solo niya ang cottage niya kaya tatlo ang kinuha ng kanilang mga magulang. Masaya ang mga ito na nilibot ang resort. Si Gela naman ay nagsosolo sa pamamasyal. Habang si Tanya, sinusulit na mamasyal kasama ang mga magulang dahil ngayon lang sila nakapag bakasyon na kumpleto sila. "Siya nga pala, anak. Babalik na sa bansa si Leo. Tinatanong ka nga e." Wika ni Thomas sa dalaga habang nasa gilid sila ng pampang. Nakaupo sila sa buhangin at pinapanood ang paglubog ng araw. Pinagigitnaan naman ni Tanya at Talita si Thomas. "Leo? Sino pong Leo, Daddy?" nagtatakang tanong nito. Napakurap-kurap pa ang mag-asawa at hindi inaasahan ang tanong ni Tanya. Bumaling sila ditong naguguluhan na nagtatanong ang mga mata sa mga magulang. "Hindi mo matandaan si Leo, anak? Akala ko kaya wala kang nobyo at manliligaw dahil hinihintay mo siya?" tanong ng ina nito. Lalo namang nagsalubong ang mga kilay ni Tanya na napaisip kung sino ang binatang tinutukoy ng kanyang mga magulang. Napakamot pa siya sa ulo na alanganing ngumiti. "Hindi ko po matandaan kung sino siya, Mommy. Saka, wala po akong hinihintay na lalake. Sadyang naka-focus lang po ako sa pag-aaral at wala pa akong interes sa mga lalake na magpaligaw. Lalo na ang magkaroon ng nobyo," sagot ni Tanya na ikinangiti at lamlam ng mata ng kanyang mga magulang. "Kung sabagay, hindi mo kailangang magmadali, anak. Bata ka pa naman e. Enjoy-in mo na muna ang pagiging dalaga mo. Darating din tayo sa punto na mahahanap mo ang lalakeng magpapaibig sa'yo at dadalhin ka sa altar." Wika ng ama nito na hinaplos sa ulo ang dalaga. Ngumiting tumango naman si Tanya na hindi na nagtanong pa. Pero muling nagsalita ang ama niya na ipinaalala sa kanya kung sino ang binatang kinukumusta ito. "Si Leo nga pala, anak iyon ng kumpare ko, anak. Inaanak ko ang batang iyon. Siya 'yong panghuli sa mga nangisayaw sa'yo noong debu mo. Si Leo Stefan." Wika nitong ikinamilog ng mga mata ni Tanya na maalala na ito! "Si Leo Stefan po? Talaga? Naaalala niya pa ako, Daddy?" bulalas ni Tanya na nagulat na maalala kung sino ang binata! Natawa naman ang kanyang mga magulang sa reaction ng dalaga. Kitang-kita kasi kung gaano ito kainosente na nagulat pa na mapag-alamang naaalala pa siya ng binatang iyon! "Oo, anak, naku. Kapag nga tumatawag ang ama no'n e nakikisingit si Leo sa usapan. Tinatanong ka niya. Hindi ka raw kasi nagre-replay sa mga message niya sa social media account mo. Kaya hindi ka niya nakakausap." Tugon ng ama nitong napangiwi na pinamulaan ng pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD