LUMIPAS pa ang mga araw at linggo. Lalong naging abusada si Gela dahil palagi siyang pinagtatakpan ni Tanya. Madalas itong tumakas sa gabi para magpunta sa bar kasama ang mga kaibigan nito. Napapadalas din na sina Antonette ang kasama niya palagi sa university at nababalewala na si Tanya.
"Damn, dude. I thought she's virgin. Wasak na rin pala," saad ng lalake sa loob ng restroom na nadaanan ni Tanya.
Bigla siyang na-curious. Nanatili siya sa tapat ng pintuan na bahagyang nakabukas. Nagtawanan naman ang ilang kasama ng lalake sa loob ng restroom. Napalunok si Tanya na napahigpit ang hawak sa mga libro nito. Hinahanap niya kasi si Gela dahil hapon na. Tapos na ang mga klase nila.
"Pero masarap naman siya?" tanong ng isa pang lalake sabay tawanan.
"Sakto lang. Maluwag siya pero magaling naman siya. Damn. She's like a w***e, dude. Nanglalamon ng t**i!" sagot ng lalake sa mga kasama na muling nagtawanan.
"Ipasa mo naman siya sa amin, dude. Sawa na kami kina Antonette at mga kaibigan niya e. Total natikman mo naman na siya." Ungot pa ng isang lalake.
"Oo ba. Bahala na kayo. Don't forget to use condom, mga pare. Sa mga katulad nilang kaladkaring babae sa sulok, hindi malabong makakuha kayo ng sakit. Mahirap na." Naiiling saad pa ng isang lalake.
Nagmamadaling umalis si Tanya sa tapat ng restroom ng mga lalake sa university na nadaanan nito. Pilit niyang isinisiksik sa isipan na hindi si Gela ang tinutukoy ng mga ito, but she can't fool herself. Alam niya, ramdam niya, si Gela ang babaeng tinutukoy ng lalake na bagong kasamahan nila Antonette at kinasex niya!
Napailing si Tanya na pilit winawaglit sa isipan ang bagay na iyon. Ayaw niyang pag-isipan ng hindi maganda si Gela. Dahil lumaki ito sa orphanage na mga madre ang gumabay sa kanya. Kung siya nga na limang taon lang nanirahan sa mga madre ay tumatak na sa isipan niya ang mga pangaral ng mga madre sa kanya noon? Paano pa kaya si Gela na doon na lumaki?
"Hindi si Gela iyon. Imposible namang makipagtalik kung kani-kanino ang kaibigan ko," usal niya na hinanap na lamang ang kaibigan.
Palinga-linga itong naglakad ng hallway. Hanggang makarating na siya sa parking lot ng university nila. Natigilan ito na natuod sa kinatatayuan nang mahagip ng paningin niya ang kaibigang kanina niya pa hinahanap. Nakaupo sa hood ng kotse nila kausap ang grupo ni Antonette. Nagtatawanan pa ang mga ito na may pinag-uusapan.
Napalunok si Tanya na kumabog ang dibdib. Parang may boses ang nag-uudyok sa kanya na lumapit sa gawi nila Gela na hindi siya napapansin ng mga ito. Napakubli-kubli siya sa mga nakaparadang kotse na lumapit sa kotse nila. Nagtago siya sa likod ng kotse at nakinig sa usapan ng mga ito.
"What important naman is you enjoyed his d**k, girl." Maarteng turan ni Antonette sabay nagtawanan ang mga ito.
"Gosh, I'm not even satisfied, girl. Like, duh?" wika ni Gela sabay paikot ng mga mata. "Hindi na nga kalakihan, lalamya-lamya pa. Iba pa rin 'yong grupong nakasama natin last time sa bar. s**t, the way kung paano dilahan at kainin ng hottie guy na 'yon ang perlas ko ay para akong tinatangay sa kaulapan. Malaki na ang batuta, magaling pa kumain at bumayo," bulalas ni Gela sa mga kasama na naghagikhikan!
Napatakip ng palad sa bibig si Tanya. Kinilabutan sa mga narinig na mula mismo kay Gela! Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig sa mga narinig! Kung kanina ay may agam-agam pa siya na hindi si Gela ang tinutukoy ng mga kaklase nila sa restroom na binayo nung isa? Ngayon ay sigurado na siya! Nakikipagtalik nga si Gela sa kung sino-sino!
HABANG nasa kalagitnaan ng byahe pauwi ng Miller's mansion, tahimik lang si Tanya na nakamata sa labas ng bintana. Katabi nito si Gela na abala sa cellphone nito.
Maya pa'y napansin ni Gela na hindi umiimik ang kaibigan niya. Madalas kasi ay makulit si Tanya at ipinapaliwanag pa sa kanya ang mga lecture nila kanina sa klase na hindi maintindihan ni Gela. Nangunotnoo ito na napatitig kay Tanya. Bakas ang kakaibang lungkot sa mga mata nito.
"What's wrong, bestie? Hindi ako sanay na tahimik ka," tanong nito na nakamata sa kaibigan.
Napabuntong hininga ng malalim si Tanya. Malamlam ang mga matang bumaling sa kaibigan nito.
"Ano ba'ng ginagawa mo sa buhay mo, Gela? Kapag nalaman nila mommy ang mga kalokohan mo? Parurusahan ka nila. Hindi ka ba natatakot? O magkaroon manlang ng hiya kapag umabot kina mommy ang mga pinaggagagawa mo?" maalumanay na saad ni Tanya dito na lalong nagsalubong ang mga kilay.
"Ano ba ang mga pinagsasabi mo, Tanya? Hindi kita maintindihan," painosenteng sagot ni Gela dito na napailing.
"Alam ko ang mga ginagawa mo, Gela. At bilang kaibigan at kapatid mo ay itinitikom ko ang bibig ko para hindi ka maparusahan nila mommy. Pero mag-isip ka rin naman oh? Tama pa ba ang mga ginagawa mo? Okay lang sa akin na makipag kaibigan ka sa iba pero. . . doon naman sa matitino. Iyong hindi ka ipapahamak o itutulak sa putikan. Naiintindihan mo ba ang punto ko?" seryosong saad ni Tanya na pinapagalitan ito.
Napataas ng kilay si Gela. Humalukipkip ng braso sa dibdib na humarap sa kaibigan nito.
"Naiinggit ka ba sa akin, Tanya? Hindi mo ako kailangang kontrahin, okay? Pabida ka? Kung gusto mo, e 'di sumama ka sa amin nila Antonette. Hindi naman kita pinagbabawalan na sumama sa amin at mag-enjoy a." Pabalang sagot ni Gela dito na napaawang ng labi at hindi makapaniwala sa narinig!
"A-ano? Seryoso ka ba, Gela? Ano naman ang nakakainggit sa grupo nila Antonette, hmm? Pinagtatawanan nila sa university lalo na ng mga boys ang grupo niya. Dahil mga babaeng kaladkarin sila. At dahil sumasama ka sa kanila, gano'n na rin ang tingin nila sa'yo. Nakukuha mo ba ang punto--urgh! Gela, ano ba?" sikmat nito na napadaing dahil hinablot lang naman ni Gela ang buhok niya at muntik siyang mapasubsob!
"Hwag mo akong pagsasalitaan ng ganyan, Tanya! Wala kang karapatan na mata-matain lang ako dahil hindi kita ka-level, naiintindihan mo? Ampon ka lang nila mommy habang ako? Totoong kadugo niya ako dahil pamangkin niya ako! Matuto kang lumugar sa pamilya ko, Tanya!" madiing sikmat ni Gela dito na pabalang binitawan ang buhok nito.
Napatuwid ng upo si Tanya na inayos ang nagulo niyang buhok. Hindi na lamang nakipagtalo sa kaibigan. Nanginginig ang katawan niya na ito ang unang beses nagkasagutan sila at sinaktan siya ni Gela physically! Hindi niya lubos akalaing magagawa siyang sabunutan ni Gela!
Bumaling siya ng paningin sa labas ng bintana. Nagpipigil tumulo ang luha. Para siyang pinipiga sa puso sa mga sandaling ito. Dahil kahit gusto lang naman niyang tulungan su Gela at imulat ang mga mata nito sa katototohanan, masyado na itong nabulag sa mga makamundong bagay-bagay na natutunan niya sa mga bagong kaibigan nito. Ibang-iba na ito sa matalik niyang kaibigan noon na nasa orphanage. Masakit mang aminin pero-- nagbago na ito.
Yumabang na ang matalik niyang kaibigan.
PAGDATING nila sa mansion, walang imik na bumaba si Tanya ng kotse. Tumuloy ito sa kanyang silid. May sarili na ring silid si Gela sa mansion. Katabi ang silid ni Tanya. Ipina-renovate pa nila ang dalawang guestroom na ginawang silid ng dalaga dahil nasisikipan ito sa isang guestroom lang. Kaya naman ipinaayos ng kanilang ina ang magiging silid nito na 'di hamak na mas malaki sa silid ni Tanya.
Maging sa mga gamit nito, ayaw niya na nakakalamang si Tanya sa kanya. Kaya lahat ng mga gamit nito sa silid ay puro mga bago at branded. Hindi naman inintindi pa ng mag-asawang Miller ang mga hiling ni Gela dahil sa kaisipang pamangkin ito ni Talita. Kaya lahat ng luho ng dalaga ay ibinibigay nila. Hindi rin lingid sa kaalaman nila na palaging nagsho-shopping si Gela at inililibre pa ang mga friends nito sa school. Ibang-iba kay Tanya na hindi ginagalaw ang laman ng ATM nito. Maging ang weekly allowance nito ay maliit lang ang ibinabawas niya roon at ang natitira niya, idinedeposito niya iyon sa kanyang sariling ATM.
Kung tutuusin kasi ay wala naman silang paggagastusan sa araw-araw. Pagkain lang. Dahil may sarili silang kotse at driver na naghahatid sundo sa kanila sa university. Kung tungkol naman sa expenses nila sa university, naka-automatic deduction iyon sa kanilang mga magulang. Hindi rin naman sila nagugutom sa mansion dahil sagana sila sa pagkain.
Abala si Tanya sa pagba-brush ng mahaba niyang buhok nang may kumatok sa pintuan ng silid nito. Napalingon siya doon at natigilan nang pumasok si Gela. Nakangiti na may dalang dalawang mug. Pumasok ito na lumapit sa dalagang nasa harapan ng vanity mirror nito.
"Nagpatimpla ako ng favorite hot choco mo. Uhm, pasensiya ka na kanina sa akin, Tanya. Hindi ko iyon sinasadya." Mababang saad ni Gela na maingat inilapag sa mesa ang dalawang mug.
Napasulyap naman doon si Tanya. Malungkot na napangiti na maalala ang sagutan nila kanina ni Gela sa kotse at ang pagsabunot sa kanya nito.
Napalapat ito ng labi na tumulo ang luha nang yakapin siya ni Gela mula sa likuran. Ipinatong nito ang baba sa balikat ni Tanya na inaalo ang kaibigan. Kapag kasi magsumbong si Tanya, tiyak na mapapagalitan siya at baka parusahan pa siya. Kaya kahit labag sa loob niya na humingi ng paumanhin dito, ginawa niya.
"Sorry na, hmm? Hindi ko iyon sinasadya at hindi na mauulit, sissy. I'm sorry," labas sa ilong na paghingi nito ng tawad kay Tanya habang yakap-yakap ang kaibigan.
Nagpahid ng luha si Tanya na nag-angat ng mukha. Pilit ngumiti sa kaibigan nito na sinalubong ang mga mata ni Gela sa repleksyon nila sa salamin.
"Okay na iyon, Gela. Ayoko lang naman na mapahamak ka e. Lalo na ang husgaan ka at pagtawanan ng mga tao sa paligid mo." Tugon ni Tanya dito na ngumiting mas niyakap ang kaibigan.
"Thank you, Tanya. You're really my best friend."