Kabanata 3

1654 Words
“Kung sakali nga'ng nagkamali ako sa aking pagtukoy sa tunay na kapangyarihan ng prinsipe. Handa akong ipagsapalaran ang aking buhay, bilang kabayaran sa aking paghamak at paghatol sa kakayahan ng hari at ng prinsipe Adonis.” Sagot ng ginoo kay Prinsesa Aurora, habang matapang itong nakatayo sa harap ng kamahalan. Muling sumimangot ang mukha ng Prinsesa at walang pag-aalinlanganang lumapit kay Prinsipe Adonis, gamit ang kakayahan nito sa bilis at kontrolin ang tubig. Prinsesa Aurora, ang panganay na anak ng mahal na hari at reyna. Naagaw nito ang atensyon ng lahat dahil sa taglay nitong kagandahan na namana niya sa kaniyang ina. Ngunit sa kabila ng maamo nitong mukha ay itinatago nito ang matapang at mapaghamong ugali. Kaya naman madalas siyang kinasusuklaman at iniiwasan ng lahat. Walang nangahas na hamunin siya o makipagkaibigan man lang dahil sa kaniyang hindi magandang pag-uugali. Malayo daw siya at iba sa labindalawang magkakapatid, tinatanggihan siya ng lahat at kinilala bilang Prinsesa na may matalas na dila. Ngunit sa kabilang banda, sa kampo ng mga bampira at lobo, kung saan hinahangaan nila ang katapangan na ipinakita ng Prinsesa at iminumungkahi nila na si Prinsesa Aurora ay isang magandang halimbawa, upang maging pinuno ng mga kawal at mandirigma. Lalo na't matigas ang puso nito at hindi basta basta nagpapa-api. Gayunpaman, nangangamba naman ang hari at reyna mula sa kanilang dalaga. Lalo na nang sabihin sa kanila ng matandang mangkukulam na ang isa sa kanilang mga anak ang siyang magwawasak at sisira sa buong pangkalahatan ng Drima. At ang unang pumasok sa isipan nila ay si Prinsesa Aurora, dahil sa kaniyang mahambog na pag-uugali. Ngunit may pag-aalinlangan pa rin sa kanilang mga puso na baka nagkakamali lamang sila sa paghihinala na si Prinsesa Aurora ang tinutukoy sa propesiyang iyon. Gayunpaman, natitiyak nilang isa siya sa pinakamakapangyarihan sa kanilang kaharian. Diyosa ng dagat, ang paggalang nila kay Prinsesa Aurora. Siya lamang ang makakakontrol sa mga lawa, dagat, ilog at lahat ng uri ng tubig. Kaya walang dudang tinanggap niya ang hamon ni Lik sa kaniya na subukan ang kakayahan ni Prinsipe Adonis, bilang isang Ibong Adarna. Wala sa isang kisap-mata nang makalapit siya kay Prinsipe Adonis at itinulak niya ito sa dibdib gamit ang kaniyang kapangyarihan. Sinubukan lang niyang gawin iyon, ngunit kaagad namang tumama si Prinsipe Adonis sa dingding at bumagsak sa sahig. “Prinsesa Aurora! tumigil ka ngayon din!" umalingawngaw sa buong palasyo ang malakas na sigaw ng hari sa dalagang Prinsesa. Ang ilan sa kanila ay nagtakip ng tenga at nag-iwas ng tingin sa galit na bathala. Sa tuwing magagalit ang mahal na hari, biglang nag-iiba ang kulay ng kaniyang mga mata at kung sino man ang tumingin sa kaniyang mga mata ay mamamatay. Maging ang asawa nitong reyna ay yumuko lang at inabot ang kamay ng hari upang pakalmahin siya. Ngunit laking gulat niya nang makita niya si Prinsesa Aurora na nakatayo sa kaniyang pwesto, tulala, habang nakatitig sa mga mata ng kaniyang amang hari. “Aurora!” sigaw ng reyna sa kaniyang anak. Lalapitan na sana siya ang Prinsesa, ngunit biglang dumating si Adena at mabilis na tinakpan ang mga mata ni Aurora, upang maiwasan ang malakas na sumpa na dulot ng kamahalan. Si Prinsesa Adena, ang pangalawang anak ng mahal na hari at reyna. Ang diyosa ng mandirigma, kung siya ay isinasaalang-alang ng lahat. Tinakpan ang kaniyang mukha, gamit ang pulang maskara na pinasadya pa mula sa makapangyarihang salamangkero upang maiwasan ang sumpang nakatali sa buhay ng dalaga. Naniniwala sila na si Adena ang dapat ituring na Diyosa ng Kagandahan at hindi si Aurora dahil 'di hamak na mas maganda ito kumpara sa kaniyang kapatid na si Prinsesa Aurora. Gayunpaman, dahil nakatakip ang kaniyang mukha, binansagan na lamang siyang Goddess of Warrior. Mas mahusay sa pakikipaglaban, mas matalino at mas mabilis na kumilos sa kanilang lahat. Ngunit ang perpektong kalidad niya ay may kaakibat na kapalit. Iyon ang kaniyang kagandahan. Sanggol pa lamang siya nang huli nilang makita ang mukha ng Prinsesa. Alam nilang sinumpa siya ng mga naiinggit na mangkukulam ng kadiliman dahil sa kaniyang nakakahumaling na kagandahan. Kaya't ang sinumang makakita sa mukha ng Prinsesa ay mahuhumaling sa kaniya, mabubura ang lahat ng ala-ala at mawawala sa tamang katinuan hanggang sa maisipan nilang kainin ang buong mukha ng Prinsesa. Matapos malaman ng hari ang sumpang iyon ay kaagad din siyang nagsagawa ng ritwal para sa kaligtasan ni Prinsesa Adena. Tinipon niya ang lahat ng mga makapangyarihan at mahuhusay na salamangkero upang labanan ang sumpang iyon, ngunit ang kapangyarihan ng mga kampon ng kadiliman ay higit na mas malakas. Hindi nila nagawang basagin ang sumpang ito, kaya minarapat na lamang nilang takpan ang buong mukha ng Prinsesa, para sa kaniyang sariling kaligtasan at sa ikabubuti ng lahat. Maging ang kumadrona na nagpasilang sa mahal na reyna ay kaagad ding kinitilan ng leeg matapos niyang makita ang mukha ng Prinsesa at mawala sa kaniyang sarili. Matapos matakpan ni Adena ang mga mata ni Aurora ay bigla itong nanghina at napaupo sa sahig. Tumabi sa kaniya ang Prinsesa, habang bakas sa mukha ng reyna ang lubos na pag-aalala. “Prinsesa Aurora,” tawag ni Adena sa kapatid. Ngunit lahat sila ay natigilan nang makarinig sila ng isang malakas na sigaw na yumanig sa buong kaharian ng Drima at maging sa konseho ng kadiliman. Ang matunog na sigaw na iyon ay galing mismo kay Prinsipe Adonis. Na nagdulot ng matinding pagkawasak sa ibang bahagi ng palasyo at ikinabingi sa tenga nilang lahat. Pati ang ibang mga nilalang sa ilalim ng lupa na nakarinig ng malakas na sigaw na iyon ay nagambala sa lakas nito. Tumagal ng isang minuto ang sigaw na iyon, bago siya nanghina at nawalan ng malay. Matapos itong bumagsak sa sahig ay halos nanlaki ang mga mata ng mahal na hari at reyna sa lakas na ipinakita ng kanilang anak. Nakakunot ang noo ni Lik, habang nakatingin sa kinaroroonan ng Prinsipe. Maging sina Prinsesa Aurora at Adena ay hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan. Ito ang unang pagkakataon na natuklasan nila ang kakayahan at kapangyarihan ng kanilang kapatid. Hinarap naman ni Prinsesa Aurora ang ginoong kanina pa nagpahiwatig ng kakayahan ng kapatid, at kitang-kita sa mga mata ng Prinsesa ang pangamba at takot sa kaniyang natuklasan. “Mahal na hari, nagsisimula na ang propesiya ng matandang ermitanyo at natitiyak kong nalalapit na rin ang sinabing propesiya para kay Prinsipe Adonis at sa pangkalahatan. Kaya naman, nararapat lamang na makapaghanda ang lahat at makapagsanay ang lahat ng mga Prinsesa sa pakikidigma upang maprotektahan ang ating kaharian." Ang tinuran ni Lik sa harap ng kamahalan habang nakayuko ang ulo. Humakbang naman si Hyza, lumapit siya sa hari at yumuko rin ng ulo. “Kung mararapatin niyo po, kamahalan. Hayaan mong turuan ko ang mga Prinsesa na mahasa ang mga kakayahan na mayroon sila." Sabi ni Hyza at pasimpleng tumingin kay Prinsesa Aurora, sabay ngiwi sa kaniyang labi. Nanlaki ang mga mata ng dalaga at mabilis itong tumayo. “Hindi ako makakapayag sa nais niyang mangyari!” mariin niyang pagtutol sa sinabi ng babaeng lawin. Ngunit hindi siya pinakinggan ng ama nitong hari at hindi rin siya tinuunan ng pansin. Sa halip, pumayag siya sa sinabi ni Hyza sa kaniya. “Sige, ipagkakatiwala ko sa iyo ang mga prinsesa.” Walang pag-aalinlanganan na itinugon ng Hari sa kaniya. Lalong nagulat ang Prinsesa sa kaniya at hindi siya makapaniwala na nakuha kaagad nito ang kalooban ng hari. “Hindi ako papayag, hindi!” mahina ngunit mariin na sinambit ni Prinsesa Aurora habang matalim niyang tinititigan sa mata ang mag-asawang lawin. “Gustuhin mo man o hindi, wala kang magagawa. Ako ang Hari dito at ako lang ang dapat na masunod, hindi ikaw prinsesa." Ang nagsalita ay ang mahal na hari, na biglang lumingon sa kinaroroonan ng dalaga. “Hindi, hindi maaari. Kahit ano pa ang maging desisyon niyo, hindi niyo ako mapipilit sa gustong mangyari ng babaeng 'yan!” aniya na may pagturo kay Hyza. Lumingon naman ang babaeng lawin sa kaniya at pasimple siyang ningisian sa labi. “Tutol din ako sa desisyon mong ito, mahal kong hari.” Biglang pagtutol ni reyna Nara kaya napalingon silang lahat sa kaniya na may bakas ng pagkagulat at pagtataka sa mukha. “Mahal na reyna,” mahinang saad ng hari sa kaniyang asawa. "Makakapayag lamang ako kung papayagan mong maging personal na alalay ng Prinsipe ang anak mong si Hyrim." Sabi ng Reyna, habang nakatingin kay Lik. Nagkatinginan ang mag-asawang lawin at hinawakan ni Hyza ang kamay ng kaniyang asawa. Niyuko sandali ni Hyza ang kaniyang ulo at nag-isip ito ng maigi mula sa hinihiling na kondisyon ng reyna. Bumuntong hininga na muna ito at muling inangat ng tingin ang reyna. "Masusunod, mahal na reyna." Nagulat si Lik sa itinugon ni Hyza at bakas sa mukha nito ang pagtataka. “Patawarin mo ako, mahal ko. Ngunit hindi natin matatakasan ang tadhanang nakatakda para sa ating anak. Ipinadala siya ng ating supremo upang tulungan ang Prinsipe na pamahalaan ang buong kaharian ng Drima. At hindi lamang ang ating buhay ang nakasalalay dito, kundi ang buong kapulungan ng walang kamalayan." Ang sinabi ni Hyza sa isipan niya habang nakatitig siya sa mga mata ng kaniyang asawang si Lik. Napapikit na lamang ang ginoo sa narinig at huminga ng malalim. Saglit siyang napalingon sa anak nilang si Hyrim at muling ibinaling ang tingin sa mahal na hari na nasa harapan nila. "Isang karangalan na makatanggap ng pagpapala mula sa inyo, Kamahalan." Ang tanging nasabi lang ni Lik at kasabay nun ang pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata. “Kung gayon tapos na ang pagpupulong na ito. Bukas ng umaga lahat ng mga kawal at mandirigma ng ating kaharian ay sasanayin. Kasama na doon ang mga prinsesa,” sabi ng hari habang nakatingin siya kay Prinsesa Aurora sabay tumalikod na ito at naglakad palayo. Nilapitan naman ng ilang kawal si Prinsipe Adonis at idinala ito sa kaniyang silid na namumutla ang buong mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD