"Prinsesa Aurora, okay ka lang ba?" nag-aalalang tinuran ni Adena habang tinutulungan siyang tumayo. Pero imbes na magpasalamat ay itinulak siya nito at tinalikuran.
“A- anong nangyari dito?” tanong ni Prinsesa Ceel sa dalawa habang sinusundan siya ng dalawa pang prinsesa na sina Ceer at Cei. Sila ang tatlong kambal na ang kapangyarihan ay konektado sa isa't isa.
Si Ceel, ang ikatlong anak ng Hari at Reyna, na kinilala bilang, "Diyosa ng bukang-liwayway."
Sinundan siya ni Ceer, "Diyosa ng buwan at digmaan."
At ang panglima ay si Cei, "Diyosa ng bituin sa umaga at gabi."
Si Princess Ceer ay may kakayahang makita ang hinaharap, gamit ang isa sa kaniyang mga bulag na mata. Ngunit pinagsabihan siya ng mahal na Hari at pinagbawalan na gamitin ang kakayahang iyon, kaya nakatakip din ng maskara ang kalahati ng kaniyang mukha. Dahil sa tuwing ginagamit niya ang kapangyarihang iyon, bumababa ang bilang ng kaniyang buhay at siya ay tumatanda. Siya lang ang Prinsesa na may ganoong espesyal na kapangyarihan.
“Anong sigaw ang narinig ko? ikaw ba yan, Ceer?" biglang nagpakita sa kanilang harapan si Prinsesa Lorde, ang ikaanim na anak ng mahal na hari at kinilala, "Healer" sa kanilang kaharian na may kakayahang magpagaling at gumamot ng mga sugat.
“Ano ito?” mabilis silang lahat napalingon sa pamilyar na boses na narinig nila mula sa likuran. Nakita nila si Prinsesa Dima na naglalakad papunta sa kinaroroonan nila. Siya ang ikapitong anak ng Hari at kinilala bilang, "Diyosa ng kalusugan." Nababasa ng Prinsesa ang kahinaan at lakas ng isang imortal. Gaya ni Lorde, nakakapagpagaling din siya pero piling-pili lang ang tinutulungan nito lalo na't tuso itong Prinsesa.
“Ayos ka lang ba? may nanakit ba sa iyo?" ang nagsalita ay si Prinsesa Gai, “The Goddess of Love,” ang ikawalong anak ng Hari. Siya lamang ang may karapatan na pagpalain ang mga imortal na gustong magpakasal at siya rin ang hukom ng mga imortal na lumalabag sa kanilang patakaran, lalo na ang mga lihim na umiibig sa isang mortal.
"Sandali, nakita mo ba si Prinsesa Glius?" Pagtatanong ni Lorde sa kaniyang mga kapatid at ang tinutukoy niya ay ang ikasiyam na prinsesa. Si Glius ay binansagan, "Diyosa ng ulan." Antukin na ang prinsesa at walang ginawa kun'di ang matulog sa kung saan o kung saan siya madadatnan ng kaniyang antok. Ngunit dahil sa malakas na pagsigaw ni Adonis ay naantala ang kaniyang hilik habang nakahiga sa damuhan na parang walang pakialam.
“Anong kaguluhan ito?” siya ay si Prinsesa Haiji, ang ikasampu sa magkakapatid at binansagang, "Diyosa ng bagyo." Ang prinsesa na mahilig sumali sa mga paligsahan at hindi tumatanggap ng pagkatalo.
"Nandito ka rin," itinuran ni Prinsesa Hianor si Haiji, nang magtama ang kanilang mga mata. Hianor, ang ikalabing-isang anak ng mahal na Hari. Siya ang kinikilalang, "Diyosa ng hangin" na may maliksing kilos. Gaya ni Haiji, mahilig din siyang sumali sa mga paligsahan at madalas niyang hinahamon si Prinsesa Haiji, kaya madalas din silang magtalong dalawa.
At ang huli ay si Adonis, ang namumukod-tangi sa kanila na may kakaibang kapangyarihan, iyon ay ang pagiging isang Ibong Adarna. Sa boses at himig lang niya, kaya niyang patumbahin ang mga kalaban. Higit siyang mas malakas kumpara sa mga kapangyarihang taglay ng mga Prinsesa at higit na may kakayahang lampasan ang kakayahan ng kaniyang amang si Bathala, kung magsasanay lamang siya ng maigi.
Pagkatapos ng mahabang panahon ng pagsasanay, tila nahihirapan pa rin siyang kontrolin ang kaniyang kapangyarihan. Sa tuwing pinapasigaw siya ng mahal na Hari at Reyna, walang epekto o walang nangyayari sa kanilang kapaligiran. Sa unang pagkakataon na natuklasan nila ang kakayahan na taglay nito, iyon na rin ang naging panghuli at hindi na nila muling nakita ang kapangyarihang taglay nito. Kaya't sa halip na matutunan ang tamang paggamit ng kaniyang kapangyarihan ay mas sinabay siya sa pakikidigma, lalo na't siya ay nag-iisang anak na lalaki ng mahal na Hari.
Ang mga Prinsesa naman ay tinuruan sa wastong paggamit ng kanilang mga kapangyarihan, ngunit wala sa kanila si Prinsesa Adena. Dahil katulad ni Adonis, sinanay lamang siya sa pakikidigma, lalo na't napakadelikado ng kapangyarihang taglay niya. Malaki ang tiwala ng ama niyang Hari sa kaniya na kayang kontrolin ni Adena ang kapangyarihang taglay niya, at nagagalak ang kaniyang puso dahil kahit anong gawin niya sa Prinsesa, wala siyang narinig na reklamo mula sa kaniya.
"Anong ginagawa niyong dalawa dito?" mabilis na napalingon sina Adonis at Hyrim sa nagsalita. Laking gulat nilang dalawa nang mapagtantong si Prinsesa Adena iyon at dahil sa gulat ay nawalan ng balanse si Adonis at nahulog mula sa taas ng puno ng mangga.
“Prinsipe Adonis!” sigaw ni Hyrim dito at dali-dali siyang lumapit sa Prinsipe.
"Ama ko, ang likod ko!" daing niya habang pasimpleng tinatawanan siya ng Prinsesa.
“Oh! ang tigas talaga ng ulo mo, Kamahalan. Hindi ba't paulit-ulit kong sinabi sa iyo na napakapanganib na umakyat sa punong ito?" saway sa kaniya ni Hyrim na may tono ng pag-aalala.
Lalong lumakas ang ngisi ng dalaga kaya natigilan ang dalawang binata at magkasabay na napalingon sa kaniya.
"Prinsesa Adena, ikaw pala." Nakangiting ani ni Adonis sa kaniya. Kinagat ng dalaga ang ibabang labi at pinigilan ang sarili sa pagtawa.
“Pasensya na kung hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagtawa. At saka, Prinsipe Adonis—” Nang banggitin niya ang pangalan nito ay muling tumingala sa kaniya ang binata.
"Ano iyon, mahal na Prinsesa?" mabilis niyang tugon sa dalaga.
“Hindi mo dapat binabalewala ang sinasabi sa iyo ng iyong alalay,” sabi niya, ngumisi muli, at tumingin sa kinaroroonan ni Hyrim.
Napayuko si Hyrim at parang namula bigla ang buong mukha niya, parang nahihiya sa sinabi ng dalaga.
“Huh?” tanging sabi ni Adonis na bakas sa mukha ang pagtataka. Saglit niyang nilingon ang kaniyang kaibigan na si Hyrim at tila nagtataka kung bakit parang makahiyang halaman ito sa harap ng Prinsesa.
“Hyrim, ano bang nangyayari sayo? masama ba ang pakiramdam mo? sumasakit ba ang iyong tiyan? Teka! huwag mong sabihin—” hindi niya natuloy ang sinasabi niya at mabilis na lumingon sa kaniya si Hyrim na may mabilog na mata at bakas sa mukha niya ang pagkabalisa.
“Hindi kaya,” dagdag niya habang nakatitig sa mga mata ng binata.
“Hindi kaya kumain ka kanina ng mangga habang abala ako sa pamimitas nito?” sa sinabi niyang iyon ay tila nabunutan siya ng isang malaking tinik sa dibdib at huminga siya ng malalim saka siya tumayo.
Saglit na tumingin sa paligid si Hyrim at biglang nawala sa kaniyang paningin si Prinsesa Adena.
“Hoy, anong ginagawa mo diyan? hindi mo ba ako tutulungan?” muli niyang ibinaling ang atensyon sa mahal na Prinsipe, habang nakataas ang isang braso niya at inilahad ang kamay sa kaniya. Pero imbes na tulungan siyang tumayo ay hindi na lang niya ito pinansin at tinalikuran siya.
“Teka, saan ka pupunta? bumalik ka rito, Hyrim!” sigaw niya pero dire-diretso lang ang binata at pasimpleng tinakpan ang magkabilaang tenga.
“Inutil talaga! humanda ka dahil pagbalik natin sa Drima (ang pangalan ng kanilang kaharian,) ipapapugot na talaga kita ng ulo.” Galit na bulong niya sa sarili habang pinapagpag ang likuran.
Napangiti na lang si Hyrim sa narinig sabay iling. Nang bigla niyang maalala ang sinabi sa kanila ni Prinsesa Adena kanina, pati ang mga mata nito ay bigla siyang kinabahan.
“O bakit ka tumigil? hinihintay mo ba ako? huwag mong sabihing nagsisi ka na kaagad ha? bakit, natatakot ka na ba sa sinabi kong ipapapugot ko ang iyong ulo?" nginitian siya ni Adonis nang maabutan niya itong naglalakad, habang bitbit ang isang supot ng mangga na pinulot niya kanina sa puno.
Natigilan ang inosenteng si Hyrim, at namula muli na parang kamatis ang kaniyang mga pisngi. Pinagmasdan siyang mabuti sa mukha ng pilyong Prinsipe, na may kunot sa noo at bakas sa mukha ang pagtataka.
“Mukha kang takot na takot. O siya, dahil mabait ako at maunawain na Prinsipe, pinapatawad na kita kaagad.” Tinaas niya ang ulo sa kaibigang lawin habang nakalagay ang isang kamay sa balikat ng binata.
Inakala ni Adonis na natatakot lang ito sa kaniya, lalo na sa binitawan nitong salita sa kaniya kanina. Ngunit hindi niya namalayan na si Prinsesa Adena ang nasa isipan niya.
Naalala niya ang mga sandaling nahuli siya ng Prinsesa na namumulot ng mangga sa tuktok ng puno, at ilang beses din siyang nasaksihan ng dalaga na bumagsak sa punong iyon.
Kaya ganoon na lamang ang naging reaksyon ni Adena kanina nang mahulog si Adonis mula sa puno dahil bigla na lang sumagi sa isipan niya na ilang beses ding nahulog si Hyrim mula sa punong iyon.
Ano ba yan, nakakainis! bakit sa dinami-dami ng nilalang na makakakita sa akin noong araw na iyon ay si Prinsesa Adena pa. Bakit kasi siya pa? Inis na naglalayag sa isipan ni Hyrim habang kumakamot sa batok niya.
Tumaas ang isang kilay ni Adonis at tiningnan ito mula ulo hanggang paa, pabalik na may mapanghusgang titig sa mga mata.
Nagulat pa si Hyrim nang lumingon siya sa gilid niya at nakita niyang nakatitig sa kaniya si Prinsipe Adonis.
“B- bakit, ganiyan ka makatingin sa akin? may dumi ba ako sa mukha?" nagtatakang sabi ni Hyrim sa Prinsipe habang hinahawakan ang mukha nito.
"Wala. Pero may gusto lang akong itanong sayo, Hyrim. Sana lang sagutin mo ako ng totoo." Sabi ni Adonis na ikinagulat pa ng binata.
“A- ano iyon mahal na Prinsipe?” nag-aalalang sagot nito sa kaniya.
Humakbang ng isa pa si Adonis sa kaniya at saka inilapit ang mukha kay Hyrim.
“Mahal na Prinsipe, anong ginagawa mo? paumanhin ngunit tangging pakikipagkaibigan lang ang maiibigay ko para sa iyo." Mahinang sabi ni Hyrim at nauutal sa labi. Napangiti ang pilyong Prinsipe sa narinig sabay titig sa kaniyang mapupungay na mata.
Nanlaki lang ang mga mata ni Hyrim nang mapagtanto niyang sobrang lapit nila sa isa't isa, na halos maramdaman na niya ang malakas na paghinga nito sa pamamagitan ng kaniyang ilong.
"Mahal na Prinsipe, napakalaking kasalanan ang ginagawa mo sa akin!" sabay tulak niya kay Adonis at mabilis na tinakpan ng dalawang braso niya ang dibdib niya.
Ngumisi lang ang pilyong binata at pasimpleng napakamot sa kanang kilay niya.
“Teka, iniisip mo ba na… tinitigan niya ulit ito mula ulo hanggang paa, bago niya ituloy ang gusto niyang sabihin sa kanya,
-Pinagnanasaan kita? Hindi naman siguro ganiyan ang tingin mo sa akin ngayon hindi ba, Hyrim?” pagkasabi niya nun ay umiwas na lang ng tingin sa kaniya ang binatang llawin at tumalikod na lang sa kaniya.
Kumunot ang noo ni Adonis at nagsalubong ang dalawang kilay niya. Hahakbang pa sana siya palapit sa kaniya pero napansin niyang mabilis itong umiwas, kaya huminga siya ng malalim at pinamewang ang dalawang braso niya habang nakatitig siya kay Hyrim.
“Ikaw, sumosobra ka na talaga. Hindi mo na ako iginagalang bilang makapangyarihang Prinsipe ng Drima? nas maganda talagang turuan ka ng leksyon, para matuto ka. Halika dito, lumapit ka." Mahina ngunit may halong diin sa sinabi ng Prinsipe. Lumingon lang si Hyrim sa kaniya at umiling ng tatlong beses sa kaniyang ulo na mas lalo nitong ikinainis sa kaniya.
“Ano 'yan? sinusuway mo na ba talaga ang utos ko ngayon?!" galit niyang sabi, pero imbes na matakot siya ay lumayo siya sa kaniya?
“Hyrim, bumalik ka rito sabi." Utos niya ulit pero bigla itong tumakbo ng mabilis na lalong niyang ikinagalit.
Napakuyom siya ng madiin sa sariling kamao at matalim na tinignan sa mata ang binata habang nakasunod siya ng tingin dito.
Sandali lang, narinig kaya ni Prinsipe Adonis yung mga sinabi ko kanina? bulong ni Hyrim mula sa kaniyang isipan nang maalala niyang nakakabasa at nakakarinig ka rin pala ng isipan ang prinsipe.
Napalingon siya saglit sa kinaroroonan nito at napansin niyang nakatayo pa rin ito sa pwesto niya habang nakatanaw sa kaniya.
Ngumisi lang ito at umiling sa kaniyang ulo sabay lumingo sa kaniyang harapan.