Malakas na kalabog ang bumulaga sa lahat nang makarinig sila ng malalakas na ingay mula sa ikalawang palapag.
Naantala sa pagsasalita ang hari nang makarinig din siya ng malakas na kalabog na nagmumula mismo sa silid ni prinsipe Adonis.
“Prinsipe Adonis!” nag-aalalang saad ng reyna na nagmamadaling pumunta sa silid ng binata. Kaagad namang sumunod sa kaniya ang asawa nitong hari at ang kanilang panganay na anak na babae na si Prinsesa Aurora.
“Hyrim!” gulat na bulalas ng reyna nang matagpuang nakahandusay sa sahig na walang malay sa labas ng silid ni Adonis. Nanlaki din ang mata ng hari at si Aurora nang makita ang binata na nakahiga sa sahig.
"Anong nangyayari dito?" mariing sabi ng hari habang papasok sa loob ng silid ni Adonis.
“Adonis!” sigaw ni Prinsesa Aurora nang matagpuan nila si Adonis na nakaupo sa bintana habang nakatalikod ito sa kanila.
"Hindi siya si prinsipe Adonis." Mahinang saad ng reyna sa kanila na ikinagulat ng prinsesa.
"Anong ibig mong sabihin, inang reyna?"
tanong ni Aurora sa kaniyang ina.
"Siya ay sinapian ng mga itim na kaluluwa." Sagot ng mahal na hari sa kaniya.
“Po? paano mangyayari iyon? si Prinsipe Adonis ay may dugong maharlika kaya paano nasakop ng mga itim na kaluluwa ang kaniyang makapangyarihang katawan? hindi ba't napakaimposible iyon ama?” gulat na gulat ang dalaga na nakakunot ang noo.
"Hindi imposible, lalo na kung ang katawan na iyon ay mahina." Ang nagsalita ay si prinsesa Adena na biglang sumulpot sa likuran nila.
“Adena, anak. May naiisip ka bang ibang paraan para maalis natin ang mga kaluluwang sumapi sa kaniya?" sabi ng hari sa dalaga habang nakatingin sa kaniya.
“Paumanhin, mahal na hari. Pero ngayon lang ako nakaengkwentro ng ganitong sitwasyon.” Tumungo ang dalaga bilang tugon sa kaniya.
Huminga ng malalim ang inang reyna nang marinig ang sinabi ng dalaga sa hari.
“Ikaw, prinsesa Glius? may naiisip ka bang ibang paraan?" nang banggitin ng hari ang pangalan ng dalaga, biglang namangha ang reyna at ang dalawang prinsesang kasama nito, kahit wala naman sa paligid nila ang dalagang tinutukoy nito.
“Mahal kong hari, tama ba ang narinig ko? ang kausap mo ngayon ay si Prinsesa Glius? ang ikasiyam nating anak?" sabi ng reyna na parang gustong matawa sa sinabi ng hari kanina.
Tumango lang ang hari at itinuro ang ilalim ng higaan ni Prinsipe Adonis, kung saan kasalukuyang nagpapahinga ang prinsesa na kaniyang tinutukoy.
Sa gulat ng reyna, tinakpan niya ng dalawang kamay ang bibig at maging ang dalawang prinsesa sa tabi niya ay nanlaki ang mga mata nang makitang lumabas si Glius mula sa ilalim ng kama.
“Prinsesa Glius, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na huwag kang matutulog sa kung saan-saan at isa pa, kwarto ito ni prinsipe Adonis kaya anong ginagawa mo dito sa loob ng kaniyang silid?” sermon ng inang reyna sa dalaga habang iniunat nito ang katawan na lalong ikinagulat at ikinagalit ng reyna.
"Anong ginagawa ko dito sa kwarto niya, maliban sa pagtulog?" ang pilosopong itinugon ni prinsesa Glius sa kaniyang ina.
“Prinsesa Glius! magdahan-dahan ka sa mga salitang binibitawan mo sa reyna. Hindi ganoon ang prinsesa—” putol ng hari nang samahan siya si Glius sa pagsasalita na para bang kabisado na niya ang kaniyang mga pangaral sa kanilang mga magkakapatid.
“Hindi ganito ang wastong pagsagot at pag-asta bilang isang tunay na prinsesa. At hindi iyon ang itinuro mo sa aming tamang pag-asal. Tama ba ako?" ngisi ni Glius sabay nilingon ang kaniyang ama.
"Glius, tumigil ka na." mahina ngunit mariin na sabi ni Adena sa kaniya.
Nalipat ang atensyon ni Glius kay Adena, habang matalim itong nakatitig sa mata niya.
“Glius?” sabi niya na may bahid ng ngiti sa gilid ng labi.
"Bakit? inaasahan mo bang tatawagin kitang prinsesa pagkatapos mong bastusin ang amang hari at inang reyna?” sagot ni Adena sa kaniya na magkasalubong ang dalawang kilay.
Napakamot na lang sa likod ng ulo ang dalaga at tumingin sa kinaroroonan ni Adonis.
"Sa aking narinig, kahit ang pinakamataas na diwata ay hindi basta-basta makakapasok sa loob ng palasyo nang walang pahintulot mula sa kamahalan, tama ba ako mahal na hari?" sabay baling ni Glius sa kaniyang ama na tumango lang sa kaniyang ulo.
“Kaya nagtataka ako kung paano nakapasok ang mga ligaw na kaluluwa sa loob ng palasyo at kung paano nila natunton ang silid ni prinsipe Adonis. Hindi ka ba kataka-taka sa bagay na iyon?” ang kaniyang sinabi ay lalong ikinamangha ng kamahalan.
“May punto si Princess Glius. Imposibleng may makapasok ang isang walang nilalang sa loob ng palasyo, lalo na't ang mga magagaling na lawin ang nagbabantay sa labas ng palasyo." Ang sinang-ayunan ng hari.
"Maliban na lang kung may magpapasok sa kanila dito sa loob ng palasyo," dagdag ni Glius, na ikinagulat ng hari at reyna.
"Sinasabi mo bang may isang taksil na nakapasok sa ating kaharian?" sinuri siya ni Adena.
"Maaaring hindi lamang siya isang traydor, maaari rin siyang may dugong maharlika katulad natin." Dugtong ni Glius na may bahid ng ngiti sa gilid ng labi.
“Kalapastanganan! sinasabi mo ba na ang isa sa ating mga prinsesa ay lumabag sa batas ng hari? alam mo ba ang sinasabi mo, prinsesa Glius? baka mapahamak ang isa sa atin dahil sa mga maling akusasyon mo!" galit na sabi ni princess Aurora na ikinalingon nilang lahat sa kaniya.
"Bakit hindi? hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? O baka may gusto ka lang pagtakpan?" giit ni Glius na lalo pang ikinainis sa kaniya ng dalaga.
"Hindi na ako natutuwa sa mga sinasabi mo." Sabi ni Prinsesa Aurora habang nakakuyom ang dalawang kamao.
Ngumiti lang sa kaniya ang pilyang dalaga, lalo na ng mapansin ang galit na mukha nito na tila apektadong-apektado sa mga sinasabi nito.
"Bakit? gusto mo bang gamitin ang pinakamalakas mong kapangyarihan sa akin?" biro ni Glius kay Aurora na nakatitig sa kaniya.
“Tumigil na kayong dalawa. Walang magandang maidudulot ang pagtatalo ninyong dalawa at lalo lang lalala ang sitwasyon.” Sinuway ng mahal na hari ang kaniyang dalawang anak na sina Aurora at Glius.
“May punto si Princess Glius. Imposibleng makapasok ang mga tagalabas sa palasyo nang walang tulong ng ibang tagaloob at sang-ayon ako sa sinabi niya na isa sa atin ang tumulong sa kanila.” Mahinang saad ni Adena na ikinalingon ni Aurora na nakakunot ang noo.
“Adena?!” gulat na sabi ni Aurora sa kapatid.
Hindi siya makapaniwala na wala pa sa isang oras ay pumanig na ito kaagad kay Glius.
“At maaari ring may kasabwat itong lawin, na nagbabantay sa palasyo. Kaya mas mabuti kung mahanap natin kaagad ang traydor na iyon bago pa man makalabas sa palasyo ang tungkol dito.” Seryosong mukha ang isinaad ni Adena habang nakatingin sa kinaroroonan ni Glius.
“Tama si Princess Adena. Ang taksil sa likod ng lahat ng ito ay dapat mahanap kaagad sa lalo't madaling panahon. At kung sinuman sa inyo ang makakapagdala sa akin ng kaniyang ulo ay gagantimpalaan ko ng isang kahilingan. Ano man ang hilingin niya sa akin, ibibigay ko, basta't maihatid niya sa akin ang ulo ng taksil na iyon.” Mariing sinambit ng hari at muli nilang binalingan ng atensyon si prinsipe Adonis na nakaupo pa rin sa bintana at nakatalikod sa kanila.
"Sa ngayon, kailangan muna nating ibalik ang katawan niya sa kaniya." Sabi ni Prinsesa Glius habang nakatingin sa kinaroroonan ng prinsipe.
"Sa anong paraan?" tanong ng reyna sa kaniya.
"Sa pamamagitan ni prinsesa Adena." Sabay lingon sa babaeng tinutukoy nito.
Napatingin sa kaniya ang dalawang kamahalan habang itinuturo ni Adena ang sarili na may bakas ng pagtataka sa mukha.
“Ako? ano ang maaari kong gawin upang mapaalis ang mga kaluluwang sumapi sa kaniya?” ang tinanong ni Adena kay Glius.
Hindi agad nakasagot sa kaniya si Glius, lumapit lang ito sa kaniya at napatigil sa paglalakad nang makaharap niya ang prinsesa.
“Sa pamamagitan niyan.” Sabi ni Glius sabay tinuro ang mukha ni prinsesa Adena.
“Sandali, huwag mong sabihing …” hindi naituloy ni Aurora ang gusto niyang sabihin kay prinsesa Glius dahil kaagad itong lumingon sa kaniya at tumango sa ulo.
"Oo tama ka. Gagamitin natin ang ipinagbabawal na kapangyarihan ni Prinsesa Adena.” Dagdag pa ni Prinsesa Glius, nagulat silang lahat at maging si Hyrim na kakamalay lang ay hindi makapaniwala sa sinabi ng dalaga.
“Hindi maaari! hindi ako makapapayag sa pinaplano mo!” ang nagsasalita ay ang mahal na reyna, na hindi sang-ayon sa binabalak ni prinsesa Glius. Samantalang ang mahal na hari naman ay tumungo lamang at tila may malalim na iniisip.
Nagkatinginan naman sina Aurora at Adena, sabay tumingin sila parehas sa hari na muling inangat ang ulo.
"Sabihin mo sa akin ang iyong dahilan kung bakit mo naisipang gamitin ang kapangyarihang taglay ni Prinsesa Adena." Ani ng hari kay Prinsesa Glius.
“Tama si ama, marahil ay may mas mabuti kang dahilan kung bakit ito ang iyong pinili. Kaya sabihin mo ngayon kung ano ang nagpaudyok sa iyo," ang nagsalita ay si Adena na may bakas ng pangamba sa kaniyang mukha.
Tumitig lang si Glius sa kaniya, sabay niyuko ang kaniyang ulo.