HANNA’s POV KINABUKASAN. Alas-otso ng umaga nang magising ako. Paglabas ko sa kwarto nila mama ay agad kong natanaw si mama, papa at Gino na magkakaharap nang nakapuwesto sa mesa. Nasa kusina sila at may nakahain na rin na almusal. Mukhang nasa kalagitnaan sila ng diskusyon base sa mga itsura nila at sa laglag na balikat ni Gino. Maging ang mukha niya ay malungkot at ramdam ko iyon kahit hindi pa siya tuluyang nakaharap sa akin. Nang maramdaman nila ako ay agad silang napalingon sa akin. Ngunit nang magtama ang mga mata namin ni Gino ay agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya dahil ayokong makita niya ang namumugto kong mga mata. “Bilisan mo para makapag-almusal na tayo,” sabi ni mama. Bahagya lamang akong tumango at nilagpasan sila para tunguhin ang banyo namin to do my morning routi

