Chapter 72

1729 Words

HANNA’s POV HATING GABI nang magising akong umiiyak at nanginginig sa takot. Madilim sa kwarto nila mama dahil patay ang ilaw. Pero naramdaman ko agad ang pagyakap niya sa akin at pagpapatahan. Bumaba siya sa kama saglit at sinindihan ang ilaw, saka niya ako binalikan. “Bakit, anak?” she asked worriedly, kahit na nababasa ko na rin sa mga mata niyang alam na niya ang nangyari sa akin. Tinulungan niya akong makabangon sa kama at kinabig niya ako sa katawan niya habang hinahagod ang likod ko. Dahil ngayong gabi, muli ko na namang napaginipan si Gino. Pero sa panaginip ko ngayon, hindi sa kusina ng bahay niya nangyari ang pananamantala niya sa akin. Sa panaginip ko, nasa sarili ko akong kwarto rito sa bahay namin, at iyong galit na galit niyang mga mata noong panahon na hinila niya ang p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD