bc

Party Of Destiny: Sunshine And You (Completed)

book_age0+
4.4K
FOLLOW
42.6K
READ
billionaire
possessive
sex
arrogant
dominant
badboy
badgirl
drama
twisted
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Pinilit si Celine ng isang kaibigan na dumalo sa isang masquerade ball--- ang Party of Destiny. Ayon sa host na si Lolo Kupido ay doon makikilala ni Celine ang lalaking babago sa buhay niya. True enough, nakilala niya doon si Daniel Cavelli. He was evry inch a man. He was oozing with s*x appeal, bold, intriguing, and myterious. At pinukaw ng lalaki ang kanyang interes. Pareho nilang alam ni Daniel na intresado sila sa isa't-isa. They both agreed to acknowledge the strong physical attraction between them and acted on it. Pero nadiskubre ni Celine na isang kumplikadong tao pala si Daniel...

chap-preview
Free preview
Chapter 1
WALA sa sariling lumabas ng elevator si Celine. Halos kalahating araw na siyang wala sa focus. Naglalakbay ang isip. Mabuti na lang at wala siyang naka-schedule na operasyon nang araw na iyon. Puro hourly rounds lang ang gagawin niya sa mga hawak na pasyente. “Magandang tanghali, Doktora,” bati ng nurse na nakasalubong niya. Matipid siyang ngumiti. “Magandang umaga rin, Karla.” Siya si Celine Hampton, dalawampu at siyam na taong gulang. Kabilang siya sa mayamang angkan ng mga Hampton na nasa pagnenegosyo, subalit bata pa lang ay gusto na niyang maging doktor. Hindi na niya matandaan kung paano nagsimula o kung ano ang nag-impluwensiya sa kanya para gustuhin na maging doktor. Isa lang ang malinaw sa kanya: ang puso at isip niya ay laan para sa medisina. Kaya nang magkolehiyo ay walang pagdadalawang-isip na kumuha siya ng kursong Medisina. Her businessman father was so brokenhearted, pero hindi naman ipinilit ang kagustuhan na maging negosyante siya. Celine went straight to her clinic. Napapagal na ibinagsak niya ang sarili sa swivel chair bago pumikit. She felt restless. Ilang gabi na naman siyang hindi makatulog. At kapag nakakatulog naman ay dinadalaw ng panaginip. Panaginip? No, it was a nightmare. Dinadalaw siya ng bangungot na hindi nagpapatahimik sa kanya. Ang bangungot na iyon ay nagpapaalala sa kasalanan na ginawa niya anim na taon na ang nakararaan. Umungol si Celine. Alam niyang tadhana na ang naniningil sa kanya. Oh, if she could only turn back time she would definitely do so. Babalikan niya ang nakaraan at itatama ang pagkakamaling nagawa. Subalit hindi na niya maibabalik ang nakalipas na anim na taon. And now she was paying the price for her sin. Hindi siya matahimik. Palagi ay inaatake ng guilt. Sinulyapan niya ang kanyang wristwatch. Napalakas ang paghugot niya ng hininga. Sa sobrang dami ng isiping tumatakbo sa kanyang utak, hindi na niya namamalayan ang paglipas ng oras. Almost lunchtime na pala. Tumayo na siya para tunguhin ang clinic ng kaibigang si Lucrasia Guno o mas kilala sa tawag na “Luka.” Isa ring doktor. Ibinilin ni Luka kaninang umaga na puntahan niya ito sa tanghali. Habang naglalakad sa hallway, napansin ni Celine ang mga humahangang sulyap na ibinabato sa kanya ng mga nakakasalubong. Oh, matagal na siyang nasanay sa ganoong atensiyon. Why, she was gorgeous. Bukod sa natural grace at poise na dulot ng pagiging mayaman, maganda talaga siya. Matangkad, maputi, at nagtataglay ng prominenteng facial features. Para siyang magnet na humihigop ng atensiyon mula sa kalalakihan. Nag-warning knock muna si Celine bago binuksan ang pinto ng clinic ng kaibigang doktor. “Luka…” Saglit lang na nag-angat ng tingin si Luka nang makita siyang pumasok sa clinic, pagkatapos ay agad ding bumalik sa pagkakayuko. Mukhang may binabasa sa ilalim ng desk. Marahil ay ang cell phone. Tuloy-tuloy siyang pumasok. Bago siya tuluyang naupo sa visitor’s chair ay nahagip ng paningin niya kung ano ang pinagkakaabalahan ni Luka. Hindi cell phone ang hawak nito kundi libro. And Luka was totally engrossed in it. Dumaan ang ilang minuto na hindi siya pinapansin ng kaibigan. Tumaas ang isang kilay niya. “Hoy!” “Sshh!” ani Luka na itinaas pa ang isang kamay para patahimikin siya, abala pa rin sa pagbabasa at panay ang lunok. Tumayo si Celine. “Ano ba `yan, ha?” Dumukwang siya at inagaw ang libro mula sa mga kamay ni Luka. “Celine!” Hindi niya pinansin ang kaibigan, sa halip ay pinasadahan niya ng basa ang nakabukas na pahina ng libro. He stopped f*****g her and slapped her buttock hard. The hot sensation sent agony coursing through her pelvis. Her c******s stretched and burned. She was in a state of pain and terror but she could not deny the sensation that… Itinigil niya ang pagbabasa, pagkatapos ay pinagtaasan ng kilay si Luka. “Nagbabasa ka ng ganito?” “Obviously,” nakangisi nitong tugon. The book Luka was reading was an erotica. “Damn! I’m already wet here, Celine.” Natawa siya. She was not naïve. Bukas ang pag-iisip niya para sa mga ganoong babasahin. Isa pa, sa Amerika siya nag-aral kaya malawak ang pang-unawa niya sa mga ganoong bagay. “So, I heard naaprubahan na ang application mo para sa iyong leave?” pag-iiba ni Luka ng usapan. Tumango si Celine. Dahil sa pinagdaraanan, ipinasya niya na mag-leave muna. Mahirap na at baka makagawa pa siya ng kapalpakan sa mga pasyente niya. “Yup. It is effective immediately. Sa susunod na linggo ay puwedeng hindi na ako pumasok.” “Ah! `Kala ko ba, effective immediately? Sana bukas na agad. Para naman masolo ko na ang mga papa dito. Hindi nila ako mapansin kapag narito ka, Celine.” Natawa siya. “Ang OA mo. You are exaggerating things.” “Oh come on. Alam mong hindi ako nag-e-exaggerate.” Tumayo na si Luka. “At dahil diyan, ilibre mo na ako ng lunch.” Nangingiting-napapailing na lang siya.       NANG matapos ang duty ni Celine ay hindi muna siya dumeretso ng uwi. Nagtungo siya sa Makati, sa opisina ng kaibigang si Marc Marquez. Dahil maluwag ang kalsada ay agad siyang nakarating doon. She greeted Marc’s secretary. “Hi. Busy ba si Marc?” Sanay na sa kanya ang tauhan ni Marc dahil madalas siyang nagtutungo roon. “Hello po, Doc. My boss isn’t busy.” “Thanks.” Pumasok siya sa opisina ni Marc. Naabutan niya ang kaibigan na nagbabasa ng kung anong papeles. Ni hindi nag-angat ng mukha para tingnan kung sino ang pumasok. “Marc…” pagkuha niya sa atensiyon ng binata. Nag-angat na ito ng tingin. He acknowledged her presence by nodding slightly. “Ce,” kaswal nitong bati. Her heart ached. Nabigo na naman siya na makita ang ngiti ni Marc Marquez. Ang ngiti na pinakaaasam-asam niyang makita sa loob ng anim na taon. What do you expect, Celine? Hindi ba at ikaw ang dahilan niyan? Ikaw ang nag-alis ng ngiti sa mga labi ni Marc. Ikaw ang nagbura ng kislap ng buhay at sigla sa mga mata niya. Ikaw ang dahilan kung bakit siya nagbago. You robbed him of his happiness, Celine. Huwag mong kalilimutan iyon, sumbat ng kanyang konsiyensiya. Nag-init ang mga mata niya, unti-unting naipon ang mga luha. She blinked them away though. Anim na taon na ang nakararaan nang maganap ang bagay na nagpabago sa buhay niya at ni Marc. Si Marc ang lalaking ginawan niya ng kasalanan noon. Hindi pa man sila isinisilang ni Marc sa mundo ay naipagkasundo na silang dalawa na ipakasal sa isa’t isa. Isang kasunduan na nagmula pa sa mga lolo at lola nila. At first, ayaw niya kay Marc. He was a playboy, for Pete’s sake! Oh, well, guwapo ito at sikat kaya hindi nakapagtataka na mga babae na ang nagkakandarapa sa paghabol dito. She was not one of them, though. Pero kailangan niyang pakasalan ang binata. She had to. Paano ay nasa bingit ng bankruptcy ang negosyo ng kanilang pamilya. Wala siyang nagawa dahil estudyante pa lang siya noon, at nasa Medisina ang puso. Ang mga Marquez lang ang nakikitang pag-asa ng ma-pride niyang ama. Ang alam niya ay walang tutol si Marc. Pero ang playboy na lalaki ay natutong magmahal sa isang probinsiyana na nagngangalang Riza. Marc and Riza’s relationship put her father’s plan in jeopardy. Kaya kahit labag sa loob ni Celine, umayon siya sa plano ng kanyang ama. Gumawa sila ng eksena para palabasing nagtaksil si Riza kay Marc. Nagtagumpay sila. Napoot si Marc kay Riza at naghiwalay ang dalawa. But it changed Marc’s life. Mula noon ay hindi na nakita ni Celine na ngumiti si Marc. Ni tunog ng tawa nito ay hindi na niya alam. He had changed so much. Maging ang pinakamamahal nitong karera at tagumpay sa larangan ng motorcycle racing ay pinakawalan ng lalaki at itinuon ang buong atensiyon sa negosyo. He had worked his ass off, day and night. Nawala ang palangiting Marc at pinalitan iyon ng isang seryosong Marc. Since then, palagi nang tinitingnan ni Celine ang kalagayan ni Marc. Paano ay naging kargo-de-konsiyensiya na niya ang binata. Kay Riza ay wala na siyang nabalitaan. So lately, ipinapaalala kay Celine ng mga bangungot kung paano nila sinira ang buhay nina Marc at Riza. She had learned to resort to alcohol. God! Kung sana ay ganoon kadali na ipagtapat kay Marc kung ano ang totoong nangyari. But Marc was a changed man. Hindi siya mapapatawad ng lalaki. Isa pa, tuwing sinusubukan niyang ibuka ang bibig para magtapat, nauumid lamang ang dila niya, hanggang sa takasan na siya ng lakas ng loob na inipon. “What brings you here?” tanong ni Marc sa hindi interesadong tinig. Dahil sa pagtingin-tingin niya kay Marc, ipinagpapalagay ng mga kaibigan niya na lihim niyang minamahal si Marc. Na lihim siyang umaasa na isang araw ay tutuparin ng binata ang kasunduan na pakasalan siya. Oh, but they were all wrong. Yes, she loved Marc, but it was purely platonic. Bagaman may isang pagkakataon na may namagitan sa kanila. It meant nothing, though. “U-uhm, well, kung hindi ka masyadong busy, gusto sana kitang yayaing mag-dinner—” “Sorry. Hindi ako puwede. May natanguan na akong commitment. How about tomorrow night?” walang ngiting tugon ni Marc. He looked so intimidating. Animo manininghal ano mang oras. He looked so serious. Kung hindi lang ito guwapo, siguradong magiging mabagsik ang dating ng nakatikom na bibig nito at seryosong mga mata. Malayong-malayo na talaga ito sa Marc na kilala niya anim na taon na ang nakararaan. And that was a reminder of what she had done to him. “Tomorrow night then. O, siya, I’ll go ahead.” Tumayo na si Celine. Tumayo rin si Marc, hinagkan siya sa pisngi, bago inihatid sa pinto. “You take care, okay?” Kahit nagbago si Marc ay nag-aalala pa rin ito sa kanya. Ang lalaki ang naging takbuhan niya kapag may problema. Ah, kung malalaman lang nito ang ginawa niya ay baka kung ano ang magawa sa kanya. Baka mapatay pa siya. “`Kay…”   KINABUKASAN ay mabigat pa rin ang dibdib ni Celine. Halos hindi na naman siya nakatulog nang nagdaang gabi. Ang nagdurusang mukha ni Marc ay parang multo na gumugulo sa kanyang isipan. Kailan ba siya matatahimik? Siyempre alam niya ang sagot sa tanong. Matatahimik siya kapag naitama na niya ang lahat ng kanyang pagkakamali. Kapag ngumingiti na uli si Marc. Pero paano nga ba magtapat ng isang napakalaking kasalanan? It was always easier said than done. Saan ba makabibili ng sapat na tapang at lakas ng loob para magawa kong ikumpisal kay Marc ang kasalanang nagawa ko sa kanya? Kung sana ay ganoon lang kadali ang lahat… “Celine!” Huminto si Celine sa paglalakad sa hallway at nilingon ang may-ari ng tinig, si Luka. Malalaki ang hakbang na lumalapit ang kaibigan sa kanya. Katulad niya ay nakasuot din ito ng white medical scrubs. May kipkip ding hourly patient chart. Nang makalapit si Luka ay itinuloy na niya ang paglalakad. Umagapay ang kaibigan. Inalis na niya ang alalahanin tungkol kay Marc. “Naniniwala ka ba sa destiny?” kumikislap ang mga matang tanong ni Luka. Napamata si Celine sa babae. “Destiny ba `kamo?” “Oo, destiny. Tadhana. Fate. Naniniwala ka ba sa mga iyon?” Hindi siya makasagot. Paano ay hindi niya alam kung ano ang isasagot. “I guess… yes.” “Great!” bulalas ni Luka. “Here, tingnan mo.” Mula sa kipkip na patient chart ay may kinuha itong isang sobre. Sa klase ng sobre, may ideya na siya kung ano ang laman niyon. “Go, take a look.” Tinanggap iyon ni Celine. Habang binubuksan at inilalabas ang laman ng sobre ay nakatingin siya kay Luka. Mayroong kislap ang mga mata nito na hindi niya alam kung para saan. Tinunghayan na niya ang sobre. Do you believe in destiny? In love? Then you are invited at the Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido. “Party of Destiny…” usal niya. Nagtatanong ang tingin na ibinato niya kay Luka. “Ano `to? I mean, yeah, nakikita ko na imbitasyon ito para sa isang masquerade party, pero kaninong party `to? At sino itong si Lolo Kupido?” “Actually hindi ko masasagot ang tanong mo. Hindi ko alam kung kanino iyan galing. Kasama lang iyan sa mails na nasa desk ko kaninang umaga. And since hindi ako naniniwala sa destiny, hindi ako a-attend. Eh, ikaw, sabi mo naniniwala ka sa destiny kaya baka interesado kang um-attend. Puwede mong gamitin ang invitation.” “Seriously, Luka, hindi mo alam kung sino ang may pakulo nito, pagkatapos ay ipapasa mo sa akin? Parang nakakapagduda naman ito. Paano kung hocus-pocus lang pala iyan at mapahamak ako roon? You know baka… ano ba’ng tawag do’n sa party na dina-drugs ang mga babae, `tapos, momolestiyahin? `Tapos, `yong mga babae naman ay wala nang matandaan sa nangyari sa kanila? Minsan ay nawawala ang babae, iyon pala ay nabiktima na ng white slavery. Sinong may matinong pag-iisip ang a-attend sa ganito kung wala siyang ideya sa pupuntahan niya? Isa pa, para sa `yo ito, ah.” Gayunman, sa isip ay gumitaw ang mga ball gowns at maskara. May kung ano sa imbitasyon na iyon na nakakatawag ng atensiyon. Marahil ay ang dala niyong kamisteryosuhan. Sino ba ang Lolo Kupido na iyon? And really, ano ang party of destiny? Tumigil sila sa harap ng elevator at naghintay na bumukas iyon. “Hindi ko rin alam kung bakit ko nga ba pinagkakaabalahan iyan. Honestly, masyado akong naku-curious diyan. Nangyari lang na hindi ako naniniwala sa destiny, pero kung nagkataon na walang destiny-destiny `yan, a-attend ako riyan. So I’m thinking na since it’s about destiny, who knows, baka diyan mo matagpuan ang lalaking para sa `yo.” “Hey!” natatawang bulalas ni Celine. “Sino ang naghahanap ng lalaki? Definitely not me!” “But you said you believe in destiny.” Bumukas ang elevator. Walang laman. Pumasok sila ni Luka. Ang kaibigan ang pumindot ng floor number. Mauuna kasi ang palapag na pupuntahan nito. “Well, yeah,” ani Celine. “Pero pagdating sa love, well, ganoon din. Kung talagang kayo ang nakatadhana para sa isa’t isa, bakit kailangan mo pa siyang hanapin? If you’re meant to be, magtatagpo at magtatagpo ang mga landas ninyo.” “Pero paano kung ang party na ito na nga ang destiny mo, palalampasin mo ba ang pagkakataon? I don’t believe in destiny, but I do believe that everything happens for a reason. May rason kung bakit ko ito ipinapasa sa `yo, Celine.” Biglang pumitik si Luka sa hangin. “Ang gulo ko, hindi ako naniniwala sa destiny pero pinipilit naman kitang maniwala rito. Gusto kitang maniwala sa isang bagay na hindi ko pinaniniwalaan. Weird…” Ngumisi siya. “Mabuti at napansin mo. Bakit mo ako ipinagtutulakan sa Party of Destiny na iyan kung ikaw nga, eh, hindi naniniwala.” “Hmm… ewan ko. Really, maging ako man ay naguguluhan. But I really, really want you to attend this party, Celine. Para may mapagbalingan ka na ng atensiyon mo, hindi iyong patuloy kang umaasa na mapansin ni Marc.” Napatanga si Celine sa kaibigan. “Ilang beses ko bang sasabihin na kaibigan ko lang si Marc?” Noon bumukas ang elevator. Lumabas si Luka na iniwanan siya ng isang misteryosong ngiti. Nang sumara uli ang elevator ay tumutok sa invitation ang kanyang paningin.            

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
317.2K
bc

Payment of Debt

read
87.9K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
89.4K
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
507.2K
bc

My Stranger Husband

read
7.2M
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.5K
bc

His Property

read
946.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook