Chapter 2

2459 Words
SUWABE at tantiyado ang bawat kilos na pumarada ang latest model ng Honda sa parking lot ng The Medical City. Lulan ng kotse si Daniel, na mula sa kinauupuan sa backseat ay sumilip sa bintana. Malamlam pa rin ang sikat ng araw. No, halos makulimlim pa nga ang langit. Good…aniya sa isip. Nang maayos na makaparada ang sasakyan sa covered parking lot sa gilid ng ospital ay pinatay na ng kanang kamay niyang si Lino ang makina, pagkatapos ay umaktong bababa. “Hindi na, Lino. Huwag mo na akong samahan. Ako na lang. I’ll be quick.” “Sige. Ang cell phone mo, bitbitin mo.” Disgustong umungol si Daniel. “In case na may mangyari sa akin, nasa ospital na ako, okay?” iritado niyang tugon. “I’m sorry,” agad din niyang paghingi ng paumanhin sa pabalang niyang pagsagot. Alam naman niya na ang kapakanan lang niya ang iniisip ng lalaki. Si Lino ay hindi lang basta driver at alalay. He was almost a family. Itinalaga na nito ang sarili bilang tagatingin niya. Tunay ang pag-aalala nito sa kanya. Oh, hindi na siya bata. He was thirty-five years old, for Pete’s sake. But… he was sick. Nakakaunawang tumango lang si Lino, alam na dala ng frustration ang mood swings niya. Hinubad ni Daniel ang suot na sunglasses at inilagay sa upuan. Dinampot niya ang cell phone bago mabilis na umibis ng sasakyan. Kapagkuwan ay malalaki ang hakbang na tinungo niya ang entrada ng ospital. Umakyat siya sa tenth floor kung saan naroon ang opisina ng bago niyang doktor. Paliko na siya sa kanan nang mapansin ang isang babae sa dulo ng hallway na may salamin na dingding. Naka-side view sa kanya ang babae na tila may tinatanaw sa labas ng salamin. But he knew better. Oh, well, hindi niya alam kung bakit, pero kaya niyang sabihin na hindi ito nakatanaw sa labas. Marahil, nasabi niya iyon dahil sa bagsak nitong mga balikat. She was a doctor. Ibinase niya ang opinyon sa suot nitong puting coat, sa stethoscope na nakasabit sa leeg, at sa patient chart na kipkip sa kilikili. Bagaman hindi niya masyadong mabistahan ang hitsura ng babae—tumatama sa salamin ang liwanag ng araw—ay may kung ano rito na kumuha sa kanyang atensiyon. Christ! Mahinang napaungol si Daniel dahil tila hindi niya magawang maihakbang ang mga paa para umalis. Hindi niya malaman kung bakit tila naa-absorb niya ang lungkot at alalahanin na dinadala ng doktor. He shook his head as if to wake himself up. Nagawa naman niya. Ipinagpatuloy na niya ang pagpunta sa clinic ng bago niyang doktor. Ilang sandali lang ang itinagal ni Daniel sa opisina ni Doctor Molino. Dumaan lang talaga siya ng ospital para kumuha ng ilang supply ng gamot niya. Tinungo na niya ang kinaroroonan ng elevator. He pressed the Down button. Habang hinihintay niyang bumukas ang elevator, kinuha niya ang cell phone para tumawag sa isang tauhan. Idinadayal na niya ang numero at dinala sa tainga ang telepono nang bumukas ang elevator. Agad na tumutok ang mga mata niya sa babaeng sakay niyon. And for the life of him, muntik na siyang mapakunot-noo nang makilala ang babae. Then he gasped lightly. Ang suot ng babae na lab coat, jeans, ang pagkaka-ponytail ng buhok, at ang aura… ang mga iyon ang kumuha ng kanyang atensiyon... It’s her, the doctor… “Daniel…” sabi ng tinig na nagmumula sa cell phone. Desimuladong kinalma niya ang sarili. Humakbang siya papasok sa elevator at tumayo sa isang sulok. “Peter, kumusta ang turnover ng Hidalgo Holdings?” tanong niya sa kausap. Si Peter ay ang kanyang accountant. Mas madalas na ito at ang abogado niyang si Gido ang nagre-represent sa kanya sa mga business deal. Katulad ni Lino ay mapapagkatiwalaan din ang dalawang tauhan. Subok na niya. Kunwari ay nakatuon ang atensiyon ni Daniel sa kausap sa telepono. Subalit ang totoo ay lihim niyang pinagmamasdan ang babae. Hampton, C. MD, pagbasa niya sa name tag. What a young and oh, so beautiful doctor. Dumako ang kanyang tingin sa palasingsingan nito. And she has no ring on her finger. Mukhang hindi interesado ang babae sa kanya. O mas tamang sabihin na mukhang hindi aware na may kasama ito sa elevator kahit pa nakikipag-usap siya sa telepono. The faraway look in her eyes was unmistakable. Mukhang napakalalim ng iniisip. Mas nasorpresa si Daniel sa sarili dahil bigla na lang bumangon sa dibdib ang kagustuhang malaman ang kung ano mang gumugulo sa isip ng babae. Gusto niyang pawiin ang tila ulap ng lungkot na tumatabon sa mga mata nito. “All is well, Daniel,” sagot ni Peter. “Mamaya ay maipadadala ko na sa iyo ang report.” “Okay, thanks.” Tinapos na ni Daniel ang tawag. Eksakto namang bumukas ang elevator. Naalarma siya nang agad humakbang palabas ang babaeng doktor. Gusto niyang tawagin ito, gustong habulin, gusto niyang makilala at alamin kung ano ang iniisip. He wanted to know the reason for the faraway look in her lovely but lonely eyes. He wanted to know why she looked so troubled and— Ah! Bakit napakarami niyang gustong mangyari? Katulad ng paghalik sa kanya, Daniel? tudyo ng isip niya. He groaned because it was indeed true. Gusto niyang kabigin ang babae at hagkan. Iyon nga lang, mas nakukuha ang atensiyon niya sa kung anong emosyon na iyon sa mga mata ng babae. Sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang ihatid na lamang ito ng tanaw. Nang sakay na si Daniel ng kotse ay bigla siyang natigilan. Namamanghang napamaang. Hindi ba at halos makulimlim ang langit sa labas? Kung ganoon, bakit kaninang nakatayo ang doktora sa salaming dingding ay hindi niya ito gaanong nabistahan dahil sa liwanag na nagmumula sa labas? “Lino, habang nasa loob ako, sumikat ba ang araw?” “Hindi. Hindi naman nagbago ang panahon. Bakit?” “W-wala.”   SA TULONG ng direksiyong nakalap ni Luka, hindi naligaw si Celine at agad na natunton ang Mystic Landia Resort sa Laiya, San Juan, Batangas. Hindi kasi siya tinigilan ni Luka hangga’t hindi niya sinasabing dadalo siya. Sa huli ay napahinuhod siya ng kaibigan, tutal ay simula na rin naman na ng leave niya sa araw na iyon. Sinamahan pa nga siya ni Luka na pumili ng damit, sapatos, at maskarang gagamitin para sa pagtitipon. “I think nakita ko na ang damit na babagay sa `yo, Celine!” tili ni Luka. “My goodness, para akong magha-hyperventilate sa sobrang excitement. Here, here.” Ipinakita nito sa kanya ang isang long gown. Kulay-peach iyon na may touch of crimson. Bagsak ang tela at naaadornohan ng ilang kumikinang na bato at floral embroidery. Hindi lang iyon strapless, backless din. It was one sexy dress. “Hmm…” Halos nakikini-kinita na ni Celine ang sarili sa gown. Nagustuhan niya iyon. Pumitik si Luka sa hangin. “Sabi ko na at magugustuhan mo.” Kunwari ay kinunutan niya ng noo ang kaibigan. “Kapag may masamang nangyari sa akin doon, magiging kargo-de-konsiyensiya mo ako, Luka,” aniya. “Sinabi ko kay Marc na kapag nawala ako o ano ay ikaw ang responsible.” Luka smirked. “At kapag may magandang nangyari sa `yo roon, inaasahan ko na magpapasalamat ka sa akin,” balik nito. “I don’t know, Celine, pero malakas talaga ang kutob ko sa masquerade party na iyan.” “Well, let’s see.” Ngumisi lang si Luka. At ngayon, heto na siya, ang kotse niya ay nasa gate na ng resort. Nang mapansin niya na nakamaskara din ang mga guwardiya sa guardhouse ay inabot niya ang kanyang maskara at isinuot bago niya ibinaba ang salamin ng sasakyan. “Magandang gabi, Ma’am. Maaari po bang makita ang inyong imbitasyon para sa pagtitipong ito?” sabi ng isang guwardiya. His voice was deep and husky. Mukhang may hitsura ang nasa likod ng maskarang suot. “Good evening.” Kinuha niya ang invitation at iniabot sa guwardiya. Bahagya siyang nakakadama ng kaba dahil heto siya, nasa bukana na ng isang okasyong puno ng misteryo. “Makakapasok na po kayo. Maraming salamat sa inyong kooperasyon,” anang guwardiya. Tumaas ang barikadang humaharang sa kotse niya. “Thank you.” Pinaandar ni Celine papasok ang kotse. Ilang saglit lang at namamangha na ang mga mata niya sa nakikita. The name suited the place. It was really a mystical place. Maliwanag ang paligid. Maging ang dalampasigan ay nagniningning sa ilaw. There was a huge house. Kumikinang din iyon sa mga ilaw. Ang mas nakakamangha ay ang animo maze ng mga trimmed na halaman sa harap ng bahay na sa mga hardin ng mga kaharian lamang niya nakikita, sa movies at magazines. It was fantastic. Sa gitna ng maze ay may napakalaking fountain na may mga neon lights effects. Hindi mabilang ang mga taong nakatayo sa labas ng bahay. Ang iba ay may mga kausap. Sa kung anong dahilan ay nawala ang agam-agam ni Celine. Hindi niya alam pero nakadama siya ng excitement. Bahagya pa siyang napapitlag nang may bumusina sa likuran. Naaliw siya sa pagmamasid at hindi niya namalayang matagal nang nakatigil ang kotse niya sa daan. Itinuloy na niya ang sasakyan sa tila itinakdang parking lot sa isang bahagi ng resort. Madali iyong makita dahil sa daan na sinusundan niya. Nabanggit niya kay Marc ang tungkol sa party. Ang sabi ni Marc, kakalap ito ng impormasyon tungkol sa pagtitipon. Ang lalaki na rin ang nagsuhestiyon na pagkatapos ng party ay doon na siya tumuloy sa rest house nito sa kalapit na bayan ng San Juan. Naroon si Digna, ang katulong niya. Isinama niya ito sa pagpunta sa Batangas at idinaan na sa rest house bago siya tumuloy sa resort. Pababa na si Celine ng sasakyan nang tumunog ang telepono. Si Marc ang tumatawag. Tinanggap niya ang tawag. “Marc…?” Hindi ito nagsalita. “Marc…?” Napapikit siya. Agad na gumitaw sa balintataw ang miserableng mukha ng binata. Kinagat niya ang ibabang labi. Hayun na naman ang pagdagsa ng guilt sa kanyang kalooban. Mayamaya ay narinig niyang bumuntong-hininga si Marc.”Nakarating ka na ba?” “O-oo.” “Well, guess what? Dadalo rin pala riyan si Alex. I think it’s legit. So, huwag ka nang mabahala pa. Just enjoy yourself, Celine.” His voice sounded so tired. Kapatid nito ang Alex na tinutukoy. Nang i-give up ni Marc ang kasikatan sa mundo ng motorcycle racing, sinalo iyon ng kapatid na magaling din sa larangang iyon. “O-okay. Salamat. Bye.” “Wait!” “I’m still here, Marc. Bakit?” Hindi ito nagsalita. “Marc…?” “Celine… I…I think I s-saw someone I…I used to... Nah. Never mind. Sige na. Enjoy yourself.” Bumagsak ang mga balikat ni Celine. Mukhang kailangan ni Marc ng kausap. Hindi maipagkakaila na may problema ang lalaki. Nahihimigan niya sa boses. Ipinahihiwatig ng lalaki na may nakita ito. Sino? Bakit naaapektuhan ito nang ganoon? “Hindi kaya si Riza?” nanlalaki ang mga matang bulalas niya. Si Riza nga kaya ang nakita nito? Ang babae lang naman ang may kakayahang magdulot ng ganoong damdamin kay Marc. Sumandal siya sa upuan at pilit na ibinabalik ang maganda niyang mood. Ganoon talaga siguro kapag may kasalanan, madaling maapektuhan. Halos nakikini-kinita niya ang halo-halong emosyon sa mukha ni Marc. Sigurado siya na naroon ang matinding pangungulila, ang pait, ang sakit, ang pagsisisi, ang galit, at higit sa lahat ang pagmamahal. Lahat ng iyon, alam niyang para kay Riza. Guilt struck her again. God! Kailangan ko ng alak.   “THANK you,” sabi ni Celine sa nakamaskarang usher na nag-escort sa kanya patungo sa bukana ng malaking function hall kung saan idinaraos ang kasayahan. Ang dalampasigan ay maliwanag din at maraming tao. Hindi pa rin napigilan ni Celine ang sarili na mamangha sa nakikita. Mystic Landia was such a paradise. Masasabi niya na napakalaking pagtitipon niyon base sa bilang ng mga taong dumalo. Every single person wore a fabulous mask. “Walang ano man, Madam,” anang usher bago iminuwestra ang isang lalaki na nakatayo malapit sa entrada. He must be the host. Matangkad ang lalaki. Nakasuot ng itim na kapa, puting tuxedo, at siyempre, maskara. Sa kabila ng maskara, nasa aura nito ang pagiging makisig. Bago pa man tuluyang makalapit si Celine sa lalaki ay sinalubong na siya nito. “Hello, my dearest…” anito at inilahad ang kamay. Whoa! Base sa boses, mas matanda ito kaysa sa inakala niya. But just the same, his voice was rich and deep.  “Hello. You must be our host, Lolo Kupido…?” Ibinigay ni Celine ang kamay sa lalaki na tinanggap naman nito. “I am your Lolo Kupido, indeed.” Bahagya itong yumuko at dinampian ng halik ang likod ng kanyang palad. “Welcome to the Party of Destiny. You are here because you believe in destiny. At ang lahat ng naniniwala ay ginagantimpalaan. Tonight, my dear, makikilala mo ang lalaking babago sa buhay mo.” Ramdam ni Celine ang pagtaas ng balahibo sa kanyang katawan. “Why do you say so?” “Because it is the party of destiny. Come in, please, and enjoy this once-in-a-lifetime party of destiny.” Pumasok si Celine sa function hall. Wow…Sinalubong siya ng tugtugin na sapat lamang ang lakas para magkarinigan pa rin ang mga taong nag-uusap. She saw a sea of people. Lahat ay nakasuot ng maskara. Bukod sa banayad na tugtugin na nahinuha niya na nagmumula sa orchestra na naka-set up sa isang elevated na bahagi ng silid, kaliwa’t kanan din ang naririnig niyang tawanan at kuwentuhan. Naririnig din niya ang ilang pag-uumpugan ng mga wineglass. She was in awe. Hindi siya sigurado kung magkakakilala ang mga tao o doon lang nagkakilala. Mayroong pabilog na platform sa ikalawang palapag ng function hall. Ang magkabilang bahagi ng platform ay may hagdang gawa sa animo crystal na bubog. Sa elevated na bahagi o siyang pinaka-stage kung saan nakapuwesto ang orchestra ay mayroong dalawang malalaking maskara.  The entire place was so sophisticated and so… romantic. She clutched her purse, kapagkuwan ay dumaan siya sa pagitan ng mga pareha. Sa gilid ng kanyang mga mata, aware siya sa mga matang nag-uukol sa kanya ng sulyap. Agad niyang namataan ang kinaroroonan ng mga inumin at pagkain. Mayroon ding bar kung saan naka-display na yata ang lahat ng uri ng alak. Lihim siyang napalatak. She had been to parties. Ilang beses na rin siyang nakadalo sa mga masquerade ball pero iyon ang unang pagkakataon na naka-attend siya sa napakalaki at napakaeleganteng masquerade ball.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD