Chapter 3

4942 Words
WHAT the hell am I doing here. In this craziness? iritadong wika ni Daniel sa isip. Sumasakit na ang ulo niya sa animo mga bubuyog na pagkukuwentuhan ng mga tao sa paligid. Napakaraming tao. Ibig sabihin, ganoon karami ang naniniwala sa kalokohang iyon. Mahina siyang nagpakawala ng ungol. Hindi niya ma-appreciate ang party dahil hindi siya mahilig sa mga ganoong klaseng pagtitipon. He was a home body type of a person. Natawa siya nang pagak sa huling naisip. A home body type of a person? Yeah, right. Pero magiging ganoon pa rin kaya siya kung nagkataong iba ang naging kapalaran niya? Ipinilig niya ang ulo sa isiping iyon. Bata pa lang siya ay itinatanong na niya iyon sa sarili, pero hanggang ngayon ay wala siyang makuhang sagot. Wala na siyang magagawa. Hindi pa nakakaimbento ang siyensa ng lunas sa kanyang sakit. Narito siya, napilitang dumalo sa kasayahang iyon dahil natalo siya ni Gido sa isang pustahan. Nagpustahan sila kung sino ang mananalo sa katatapos lamang na prestihiyosong MotoGP motorcycyle racing. Ang pagdalo sa party ang hiningi nitong kapalit. Oh, ang imbitasyon ay sadyang para sa kanya. Binale-wala lang niya dahil wala siyang hilig sa mga ganoong party. But Gido and the rest of the guys wanted him to have some fun, lalo na si Lino. Inudyukan siya ng mga ito na dumalo sa pagtitipon na ni hindi nila alam kung sino ang may pakana. Ang imbitasyon ay dumating lang via mail sa condo niya. Hanggang sa mapasubo na siya sa pakikipagpustahan. He was here, so obviously Gido won. Wala siyang nagawa kundi ang tuparin ang napagkasunduan. “Oh, hello again!” sabi ng isang babaeng nakamaskara. She wore a black, almost see-through dress and a glittery mask on her face. Katulad kanina ay walang interes na tinanguan lang uli ni Daniel ang babae. Marahil ay nakahalata ang babae na hindi talaga nito makukuha ang atensiyon niya kaya umalis din agad. Damn! He did not need some flirting tonight. He did not want to get laid tonight. Ang gusto lang niyang mangyari ay… makilala ang doktor na iyon. Nang may dumaang waiter ay kumuha si Daniel ng isa sa mga dala nitong wineglass. Batid niyang hindi puwede ang alkohol sa kanyang kondisyon. Hindi naman niya iyon iinumin, props lang niya para hindi ma-out of place. Kapagkuwan ay tumungo siya sa isang sulok, ang mga mata niya ay nakapako sa entrada ng function hall. A minute later, Daniel straightened his back. Pakiramdam niya ay tinurukan siya ng sangkatutak na adrenaline. His pulse pounded hard against his ears. Ang lahat ng iyon ay dahil sa babaeng kapapasok lamang sa function hall. Kung bakit ay hindi niya alam. Katulad ng nangyayari sa mga pelikula, parang dumilim ang paligid at natuon ang spotlight sa babaeng papasok. Hindi lamang iyon, parang biglang bumagal ang kamay ng orasan sa pag-ikot. The woman wore a body-hugging peach dress. Perpekto ang lapat niyon sa katawan nito kaya kapansin-pansin ang maliit na kurba ng baywang at ang balakang na makalaglag-panga. She had a perfect body. Sapat lang ang lalim ng uka ng damit nito sa dibdib para ipasilip ang hula niya ang makinis na punong dibdib. She was tall. Ang paraan nito ng paglalakad ay animo reyna, parang beauty queen. Taglay ang hindi maipagkakailang presensiya. She also exuded the kind of elegance only that those born with a silver spoon in their mouth possessed. She carried herself effortlessly. Tulad ng lahat, nakasuot din ng maskara ang babae. She  wore a glittery red and silver mask. Sapat lang ang laki ng maskarang tumatakip sa upper part ng mukha nito para makita ang prominenteng hugis ng jawline. Malayo ang babae sa kanya pero tila nababanaag niya ang ulap na tumatabon sa mga mata nito. Bahagyang kumunot ang noo ni Daniel. She looked familiar. Dumaan ang babae sa pagitan ng mga guest. Instinctively, sinundan ni Daniel ang babae sa desimuladong paraan. Oh, boy! Lihim siyang napaungol nang makita ang likod ng babae. Kapag inalis ang makipot na crimson lace na naka-criss-cross sa likod nito ay literal na backless iyon. Ang hangganan niyon ay mataas lang nang bahagya sa punong-puwitan. Daniel groaned when he saw how round her buttock was. He could imagine himself trailing wet and hot kisses on that glorious back of hers. Muli siyang napaungol. But, oh dear, ang katawan niya ay nagre-react sa isiping iyon. He was feeling hot. He was getting hard. Gusto niyang ilayo ang babae mula sa kalalakihan na tulad niya ay nakatutok din ang mga mata rito. Gusto ni Daniel ang babae para sa kanyang sarili lamang. Ang katawan niya ay noon lang nag-react ng ganoon katindi para sa isang babae. He wanted her so badly he could feel his arousal was almost near the point of pain. He could always get his fill in terms of s****l need in just a snap of a finger. Hindi mahirap iyon sa tulad niya na may maipagmamalaking magandang pisikal na hitsura. Shit! pagmumura niya sa isip. Gumagana ang kanyang imahinasyon, ang kanyang pilyong imahinasyon. He was thinking of a thousand ways to make love to her. To brand every inch of that perfect body with his touch, with his lips, with his dominance. He wanted to own her, to possess her. Ang kamay niya ay hindi mapalagay. Grabeng pagpipigil ang  ginawa niya para hindi hablutin ang babae at doon din mismo ay kuyumusin ng halik. Dahil sa mga pumapasok sa isip ay lalong nagwala ang kanyang testosterone. His breathing became ragged. I thought you were not interested in getting laid tonight? pambubuska ng isip ni Daniel, ang paningin ay nakatutok pa rin sa likod ng babae. Ang buhok ng babae ay naka-braid sa likod ng ulo kaya na-emphasize ang magandang hugis ng leeg nito at flawless na balat. God! Gusto niyang markahan ang leeg na iyon ng kanyang halik. Gusto niyang markahan ang lahat dito. Tinungo ng babae ang bar at inokupa ang isang stool. “Good evening, ladies and gentlemen…” sabi ng tinig na biglang nangibabaw sa lahat kaya naman nanahimik ang mga guest at iisang isip na hinanap ang pinagmulan niyon. Agad niya itong nakita na nakatayo sa platform na nasa ikalawang palapag. “Welcome to the Party of Destiny. Welcome to Mystic Landia. Kilala n’yo na siguro kung sino ako.” Bahagya itong ngumiti. “Ako si Lolo Kupido na siyang host ng party na ito.” So this is the man behind this craziness. Party of Destiny?What the f**k! He must be insane or something, ani Daniel sa isip. “Hindi kaila sa akin na may ilang tao dito ang hindi naniniwala sa destiny at hindi naman ako mamimilit na magbago kayo ng mga pananaw at paniniwala sa buhay. Sapat na sa akin na dumalo kayo sa pagtitipong ito at pansamantalang makalimot sa kanya-kanya ninyong problema sa labas ng lugar na ito,” dagdag  ni Lolo Kupido. Yeah, tama ka riyan! sagot ni Daniel. I don’t believe in destiny. Dahil tayo ang gumagawa ng mga kapalaran natin. Really? Ikaw ang gumagawa ng kapalaran mo? Bakit, Daniel, ginusto mo ba na maging ganyan ka? Ikaw ba ang pumili ng kapalaran mo? kontra ng isang bahagi ng isip niya. Dumiin ang pagkakahawak niya sa kopita. Hindi niya pinili na magkaroon ng ganoong sakit. Ibinigay iyon sa kanya. Nagkibit-balikat si Daniel bago muling ibinalik ang atensiyon sa babae na tila walang pakialam sa nagsasalita dahil nakatitig lang sa baso ng alak at mukhang napakalalim ng iniisip. Ni hindi nga yata aware sa mga atensiyong nakukuha. He frowned. She really looked familiar. Parang nakita na niya. Oh, he was referring to the familiar kind of aura that she exuded. Napansin niya ang bracelet sa galanggalangan ng babae. Nakita na niya iyon sa kung saan. Napasinghap si Daniel nang mag-flashback sa isip kung saan niya nakita ang bracelet. Nasa galanggalangan iyon ng babaeng doktor na nakita niya sa The Medical City habang kipkip ang patient chart.Kumunot ang kanyang noo. Tumindi ang pagtambol ng kanyang dibdib. Ikaw nga ba…?   NATAPOS ang opening speech ni Lolo Kupido at inianunsiyo na nito ang pagsisimula ng kasayahan, pero hindi iyon magawang pagtuunan ng pansin ni Celine. Nakakatatlong order na siya ng hard drinks. She could not help it. Tuwing binabagabag siya ng alalahanin ay palagi na niyang pinagbabalingan ang alak. Um-order siya ng isa pang shot ng alak bago tumayo at hinanap ang exit. Gusto niyang magtungo sa dalampasigan. Ang bawat isa ay nagsasaya. Kung hindi nagsasayaw ay may kausap. Bagaman mayroon ding mangilan-ngilan na nagsosolo. Nakahinga nang maluwag si Celine nang makarating sa dalampasigan. Napapikit pa siya nang dumampi sa balat ang malamig at preskong hanging-dagat. Tinungo niya ang dalampasigan, pagkatapos ay hinubad ang suot na sandalyas. Nagsimula siyang maglakad sa baybayin. Ang pinong buhangin at ang marahang hampas ng alon sa mga paa ay napakasarap sa pakiramdam. Kung sana ay kayang dalhin ng mga alon pabalik sa dagat ang mga alalahaning gumugulo sa kanyang isip, baka sakaling na-enjoy pa niya ang kasayahan. Tumigil si Celine sa paglalakad nang maramdamang tumayo ang balahibo niya sa batok. Pakiramdam niya ay may mga matang nakatutok sa kanya. Lumingon siya. May mga parehas din na nasa dalampasigan subalit tila abala ang mga ito sa isa’t isa. Namataan niya ang umpok ng malalaking bato. Tinungo niya iyon at naupo. She watched the moon from the other end of the sea. It was a full moon, at may repleksiyon ang buwan sa dagat. Pero gaano man kaganda iyon, hindi niya iyon mapagtuunan ng pansin. Ang isip niya ay bumalik anim na taon na ang nakararaan… “What? Hindi puwedeng mangyari iyon, Celine. Kailangang matuloy ang kasal ninyo ni Marc. Do something!” “Hindi na mapipigilan si Marc, Papa. He’s in love with someone else.” Hindi makapaniwala si Celine na mai-in love si Marc. He was a certified playboy. Kaya nga tutol siya sa ideyang makasal sa lalaki. She was a romantic at heart. Kanina nang sabihin ni Marc na may minamahal itong iba, nakita niya iyon sa mga nito. He really was in love. Her father uttered a curse. “Hindi puwede, Celine. Alam mong ang kasal lang ninyo ni Marc magsasalba sa negosyo natin.” She bit her lip. Mariing pumikit. Kung may pagpipilian lang siya ay hindi niya ilalagay ang sarili sa sitwasyong iyon. But she had no other choice. Nasa bingit ng bankruptcy ang negosyo nila at siya ay kasalukuyan pa lang nag-aaral. Ni wala siyang maiambag sa pagnenegosyo dahil nasa medisina ang puso niya. She wanted to be a doctor. Si Marc at ang pamilya nito ang makakatulong sa kanila. Kaya nga kahit ayaw niya, she had to go along with the plan. Oh, she once suggested to his father na manghiram na lang sila ng pera sa mga kaibigan o sa bangko kaya. Subalit ayaw ng daddy niya. Masyado itong ma-pride. At least kapag naging bahagi raw siya ng pamilya nina Marc, hindi na masyadong nakakahiya na humingi ng tulong. And she could not say “no” to her father dahil sa laki ng utang-na-loob niya sa mga Hampton. Ampon lang kasi siya. “Ang sabi ni Marc ay kakausapin ka rin niya,” ani Celine sa papa niya. “No. Gagawa ako ng paraan para matuloy ang kasal ninyo.”       “What? Papa, ano’ng—” “Just do your part, Celine. Dikitan mo si Marc. Ako na ang bahalang gumawa ng paraan para matuloy ang kasal ninyo. Now, tawagan mo si Marc. Sabihin mo sa kanya na bigyan ka niya ng sapat na oras at ikaw na `kamo ang bahalang kumausap muna sa akin. Do anything just to buy some time. Understand?” “Y-yes, Papa.” Dinikitan ni Celine si Marc habang ang ama ay abala sa pagpaplano kung paano nila masisira ang relasyong Marc at Riza. Pagkaraan ng dalawang linggo ay dumating ang pagkakataong hinihintay nila, dumating ang pagkakataong magpapabago sa kanilang mga buhay. Marc lived in his own miserable world since then. And she? She lived her life in guilt. I’m sorry Marc. I’m sorry. Hindi ko alam kung kailan ako magkakaroon ng sapat na tapang at lakas ng loob para ipagtapat sa `yo ang kasalanan ko. I am so tired of living in guilt, but I know… I know it’s not yet the price I have to pay for my sin.   HALOS sa dalampasigan ginugol ni Celine ang oras. Nang makadama ng lamig na dulot hanging-dagat ay ipinasya niyang pumasok na uli sa bulwagan. Dumeretso siya sa bar at muling humingi sa bartender ng inumin. Nang masaid ang laman ng wineglass ay muli siyang um-order ng panibago sa bartender. Nararamdaman na niya ang epekto ng alak sa katawan. Good. At least, pag-uwi sa bahay ay makakatulog na siya nang hindi nag-iisip. Aware si Celine nang may umokupa sa katabi niyang stool. Dinala niya sa bibig ang baso ng alak. Then, the bartender placed another shot for her. Nagtaka siya dahil hindi naman siya um-order. Iminuwestra niya sa bartender ang katabi. Lazily, sinulyapan niya ang katabi na isa pa lang lalaki. Of course, the man wore a mask, pero agad na tumutok ang mga mata niya sa mga labi nito. They were full, luscious, and sensual. “Thank you,” aniya, sa mga labi pa rin ng lalaki nakatingin. Oh, dear, she liked men with luscious lips. Gumuhit ang manipis na ngiti sa mga labing iyon. “So, naniniwala ka sa destiny?” Narinig niya iyon, at nabasa sa pagbuka ng mga labi nito. Napalunok siya. Why, parang napakaseksing lumabas ang bawat pantig ng salitang iyon. Ang boses nito ay malalim, baritone—lalaking-lalaki. Sinulyapan ni Celine ang mga mata ng lalaki. And she had to blink. Parang hinihigop siya ng mga matang iyon. Dark brown iyon, may karakter. Nanunuot yata sa kaibuturan ng pagkatao niya ang paraan nito ng pagtingin. It was as if he was making love to her through his eyes. “I bet you’re handsome,” nadulas ang dila niyang wika. Pero sa halip na bawiin ang sinabi, natagpuan pa niya ang sarili na humahagikgik. Lasing na talaga siya. Bumakas ang amusement sa mga mata ng lalaki. Umangat ang isang sulok ng mga labi. At sa napakasensuwal na mga labing iyon natuon ang mga mata ni Celine. Bumangon sa dibdib niya ang kagustuhang matikman ang halik ng mga labing iyon. “I’m sorry?” sabi ng lalaki na bahagyang inilapit ang tainga sa kanya na para bang gustong ipaulit sa kanya ang kanyang sinabi. She gladly obliged. Subalit bago pa man niya maulit ang tanong ay nanuot na sa ilong niya ang suwabeng amoy ng lalaki. Sininghot pa niya ito. “Hmm…” she murmured in a lazy, flirty tone. He smelled expensive and seductive. Bahagyang humarap sa kanya ang lalaki. “‘Hmm’ what?” anito. Celine smelled his warm and sweet breath. Nagdulot iyon ng kakaibang init na nanulay sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan. Umungol siya. She was a city girl, born and bred. She knew she was feeling s****l at that moment. “Just ‘hmm,’” sabi niya bago kinuha ang alak na in-order ng lalaki para sa kanya. Deretso niyang ininom iyon. Narinig niya ang pagtawa ng lalaki. Ah, maganda itong distraksiyon. Ngayong gabi, magsasaya siya at kalilimutan ang problema. Sa background ay narinig niya ang anunsiyo ng huling sayaw ng pagtitipong iyon. “Halika, magsayaw tayo.” Hinawakan niya sa kamay ang lalaki. Celine was slightly rattled. Para siyang nakuryente na hindi niya mawari. Parang biglang nawala ang kalasingan. Iwinaksi niya iyon sa isip. Tumawa ang lalaki. “Hey, hindi ako marunong magsayaw,” anito pero hindi naman siya pinipigilan sa ginagawa niyang paghila rito. “Oh, come on. Last dance na daw, o. Will you be my last dance?” Nang makapuwesto ay humarap si Celine sa lalaki. Kahit matangkad ito ay nagawa naman niyang pagsalikupin ang mga kamay sa batok nito. Kapagkuwan ay nginitian niya. “Your last dance…” usal nito. “Oo. Will you be my last dance?” “All right, I will be your last dance,” tila sumusuko nitong sabi bago ipinalibot sa baywang niya ang mga braso. Sa pagkagulat ni Celine, hinapit siya ng lalaki palapit sa katawan nito. Tumingala siya at nakita ang mapang-akit na ngiting nakaguhit sa mga labi ng lalaki. Ngumiti rin siya. Ang lalaki ay tila nahumaling sa ngiti niya. Kapagkuwan ay natitilihan siya dahil nararamdaman niya ang init na nagmumula sa kamay nitong nasa likod niya. Nanulay na naman ang tila kuryente sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan. “‘Somewhere In My Past…’” aniya. “Huh?” “Ang kantang tutugtugin, ‘Somewhere In My Past’ ang titulo. Pakinggan mo ang lyrics.” Sa hindi niya malamang dahilan, idinikit niya ang ulo sa dibdib ng lalaki. Pinakinggan niya ang pagtibok ng puso nito habang mahina siyang sumasabay sa kantang tinutugtog ng orchestra. “I met you just tonight. But I keep wonderin’ why. It seems I’ve always known you all my life. I held you only once. But I keep wonderin’ why. It seems I’ve held you forever.” Muli siyang tumingin sa lalaki. “Maganda ang mensahe, hindi ba? Noon lang kayo nagkita pero parang kilala mo na agad siya.” Hinuli ng lalaki ang kanyang mga mata. “Kung hindi kita nakita, baka ngayon ay nasa daan na ako pauwi,” anito, hindi nagkomento tungkol sa kanta. “B-bakit?” “Bakit uuwi na ako?” “Bakit nanatili ka nang makita mo ako?” Muli ay ngumiti ang lalaki. Hindi napigilan ni Celine na hindi pag-ukulan ng sulyap ang mga labi nito. Napakasensuwal talaga ng mga labing iyon. Parang laging nangangako ng kaligayahan, ng langit. Bumalik ang paningin niya sa mga mata nito, sapat para makita niya na kumislap ang kung anong emosyon doon. Kapagkuwan ay yumuko ang lalaki. Pakiramdam niya ay biglang lumukso ang kanyang puso. Hahalikan kaya siya nito? Tumahip ang dibdib niya sa antisipasyon. Subalit nakaramdam siya ng pagkadismaya nang lumihis ang mukha nito sa gilid ng kanyang mukha at sa halip ay binulungan siya, “Dahil naiiba ka sa lahat. Dahil parang kilala na kita… and I keep wonderin’ why.” Napasinghap si Celine nang maramdaman ang pagdampi ng mainit na mga labi nito sa kanyang tainga. He nibbled her earlobe. Nanulay ang init sa katawan niya at nagsindi ng apoy. Humaplos ang mga daliri niya sa batok ng lalaki. She heard him groan. Pagkatapos ay gumanti ito at humaplos ang kamay sa kanyang likod sa isang napakaerotikong ritmo. Bumilis ang t***k ng puso ni Celine. Hanggang sa maghabol siya ng hininga. Lumayo siya. She stared at his eyes. Maging ang lalaki ay tila hindi makapaniwala sa nangyayaring mahika sa pagitan nila. Pero nasindihan na ang apoy at walang ibang patutunguhan iyon kundi ang maglagablab. At ang lalaki... kahit hindi gaanong kita ang kabuuan ng mukha nito, kapansin-pansin pa rin ang taglay na presensiya. Nag-uumapaw ang taglay na s*x appeal. Iyong tipong kahit ihalo man ito sa karamihan, may maskara man o wala, mangingibabaw pa rin. Noon lamang siya nakatagpo ng lalaki na may ganoong personalidad. Tumigil ang musika at muling may nagsalita. Pero hindi iyon naintindihan ni Celine. Hindi rin niya napagtuunan ng pansin dahil ang buong atensiyon niya ay nasa lalaki. Ganoon din ito sa kanya. Animo pareho silang napaloob sa isang mundong kanila lamang. He was holding her in his strong arms and their eyes were connected solidly. Can’t it be true? Could I be wrong? That somewhere in my past, I fell in love with you. Can’t it be true? Could I be wrong? That somewhere in my past, there was also me and you. Nang muling lumapit ang mukha ng lalaki, tumiyad si Celine at sinalubong iyon. Lumamlam ang mga ilaw. O, hindi siya sigurado kung lumamlam nga ba ang mga ilaw at kung bakit sa likod ng isip niya ay tila may nagbibilang. All she cared about was this man and the kiss that was about to happen. Ipinikit niya ang mga mata habang sinasalubong ang mga labi ng estranghero. When their lips met she could not describe how blissful it was. Nananantiya ang unang beses na paglalapat ng kanilang mga labi. They both took a moment to savor the sweetness of their lips. Pagkatapos niyon ay magkasabay uli nilang inapuhap ang mga labi ng bawat isa. Then again. And again. Hanggang sa tila pareho silang naging mas mapaghanap. Ang halik ay lumalalim, nagiging mas mainit, mas mapusok. Hindi lang basta tinatanggap ni Celine ang halik ng lalaki, ibinabalik at tinapatan pa niya ang kapangahasang ipinapamalas nito. She had never tasted lips so sweet and so intoxicating like this one. Kung dulot iyon ng epekto ng alak, hindi niya alam. But she wanted more, so much more. Ang lasa ng mga labi ng lalaki ay pambihira, nakakaadik. Parang isang napakasarap na vintage wine. Naghabol ng hininga si Celine nang matapos ang halik. At nang bahagyang umayos ang kanyang paghinga ay muling nagtagpo ang mga uhaw na mga labi nila na para bang hindi pa sila kontento.   “EXCUSE me,” sabi ni Celine bago dali-daling lumayo sa lalaki. “Hey…” sabi ng lalaki, sabay pigil sa kanyang braso. “Saan ka pupunta?” Lumunok siya. “T-to the ladies’ room. I… I’ll be quick,” aniya bago tuluyang umalis. On her way, nadaanan niya ang waiter na may dalang tray ng mga baso ng wine. Tumigil siya at kumuha ng isang baso. Nilagok niya ang alak bago nagbitbit pa ng isa. Hindi niya alam kung saan siya patungo pero kailangan niyang makalayo sa lalaki. Nakatagpo siya ng isang sulok na malayo sa kasayahan. Naupo siya sa lapag. Salamin ang dingding kaya nakikita pa rin niya ang dalampasigan. Ang isip niya ay okupado na ng lalaki. “What was that…” Kusang umangat ang kamay niya at natagpuan ang sarili na hinahaplos ang kanyang mga labi. Noon lamang siya nakaranas ng ganoong klase ng halik. Hindi, hindi ang paraan ng paghalik kundi ang lasa niyon at ang epekto sa kanya. It was so goddamn sweet. They had created fire within their bodies. Ano ba ang mayroon sa lalaking iyon? Dahil kung hindi niya napanghawakan ang natitirang katinuan ng isip, baka naialok na niya ang sarili sa lalaki. “Fireworks…” sambit ni Celine nang makarinig ng putukan sa langit at makita ang repleksiyon niyon sa dagat. Napakaganda. Nakamamangha ang bawat hugis at bawat kulay na nagbibigay liwanag sa kalangitan. “Fireworks…” muli niyang usal, pero patungkol na iyon sa epekto sa kanya ng halik ng lalaki. Oh, dear, ang totoo ay ayaw niyang iwan ang estranghero. Gusto niyang tuklasin kung mapapaso siya sa init na dala nito o tuluyang madadarang at magliliyab. Oh, well, base sa reaksiyon ng katawan niya, sa palagay niya ay hindi malayo na tuluyan siyang magliyab. Subalit alam niyang kailangan na niyang umalis doon bago pa siya mapasubo sa tukso. She was not promiscuous. Isa siyang doktor at inaalagaan niya ang kanyang reputasyon at dignidad. Isa pa, noon lamang nangyari na uminom siya sa isang public place. Tuwina ay sa bahay siya umiinom. Ininom ni Celine ang alak na binitbit. Kapagkuwan ay isinandal ang ulo sa dingding. She closed her eyes. Gumitaw sa balintataw niya ang misteryosong mga mata ng lalaki, pati na ang sensuwal nitong mga labi. DANIEL was becoming impatient. Tatlumpung minuto na ang nakalilipas pero hindi pa rin niya natatagpuan ang babae. Napuntahan na niya ang ladies’ room at nakausap ang babaeng nagmimintina ng kalinisan niyon. Ayon dito, walang babaeng may kasuotan na dinescribe niya ang nagtungo roon. Nasa kanya ang purse ng babae. Nabalikan niya iyon sa bar kanina habang hinihintay ang pagbabalik nito. Ilang malulutong na mura na ang napakawalan niya. Tinakot ba niya ang babae kaya tinakbuhan siya? Where the hell was she? “Damn it!” Bakit, Daniel? Bakit? tanong ng isip niya. Ano ang gusto mo sa kanya? Mas maraming halik? O higit pa roon?  Natigilan siya. Hindi niya iyon magawang sagutin. Pero oo, hindi niya ipagkakaila na malakas ang epekto ng babae sa kanya. He wanted her underneath him, on top of him, to be one with him, and so much more. Alam mo naman kung saan siya matatagpuan, Daniel, sabi ng isip niya. Oo, tama. Siyento-porsiyento siyang sigurado na ang babae ay ang doktora sa The Medical City. Bumuga siya ng hangin. This was going nowhere. It was time to go home. Paliko na si Daniel sa isang hallway nang matigilan. Sa isang sulok ay may nasilip siyang paa. Tumahip ang kanyang dibdib. Hayun na naman ang pakiramdam na parang kilala niya ang may-ari niyon. Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang sulok. Napahinga siya nang malalim nang makumpirmang ito na nga ang hinahanap niya. Base sa pagkakabagsak ng mga balikat at ulo ng babae, mukhang nakatulog na ito. He knelt down on one knee. Nakumpirma niyang tulog na nga ang babae. Napailing siya, kapagkuwan ay itinaas ang kamay. Hindi niya napigilan ang sarili na haplusin ang nakahantad na bahagi ng pisngi nito. Napapikit siya. Parang may mapagpalang kamay na humahaplos sa kanyang puso. He felt the warmth. “Hmm…” pag-ungol ng babae. Nagmulat si Daniel. Ikiniling ng dalaga ang pisngi bago ikiniskis iyon sa palad niya. He stared at her. Ano’ng meron sa `yo? Bakit mula nang makita kita parang parte ka na ng buhay ko? Bakit... Pinalis niya ang mga katanungang gumugulo sa isip. Bumuntong-hininga siya. “Hey…” aniya. “Baby…” Maging siya ay nagulat sa itinawag sa babae. Noon lang siya gumamit ng endearment sa isang babae. Ang mga babaeng pumupuno sa mga seksuwal na pangangailangan niya ay halos hindi niya matandaan ang mga pangalan. Nagmulat ng mga mata ang babae, mga matang tila puno ng mga alalahanin. “Iuuwi na kita, all right?” Talaga, Daniel? Nakakagulat, iyan ang unang pagkakataon na aakto ka nang ganyan sa isang babae! sabi ng isang bahagi ng isip niya. Totoo iyon. He had never cared. Pero ang babaeng ito... napakarami nitong binubuhay na emosyon sa kanyang dibdib. Oh, hell. Hindi niya itatanggi na gustong-gusto pa rin niya itong angkinin, pero hindi lamang iyon ang gusto niyang mangyari. Ilang saglit na tinitigan ng babae si Daniel. Kapagkuwan ay umangat ang kamay nito at hinaplos siya sa mukha. “Prince Charming…” He chuckled. Lasing na talaga ito. “I don’t think I am Prince Charming.” “But you are. I’m sure you are…” anito sa inaantok at lasing na boses. Sabihin mo sa akin iyan kapag nakilala mo na ako nang lubusan. By then, baka nga maniwala ako na puwede akong maging Prince Charming. Others call me a freak, you know. “Ihahatid na kita, okay?” Tumango ang babae. Binuhat ni Daniel ang babae. Nagulat siya nang bigla nitong ipinulupot ang mga braso sa kanyang leeg. Sa loob ng ilang sandali ay naghinang ang mga mata nila. Binigyan siya ng babae ng ngiti bago isinubsob ang mukha sa kanyang dibdib. Habang palabas, hindi na niya pinansin ang mga sulyap na nakukuha nila. His strides were long and determined. “You will soon believe in destiny, young man,” sabi ng tinig na nagpatigil sa paglalakad niya. “Every journey leaves an impact on you and every one you meet along the way.” Nilingon ni Daniel ang nagsalita. Nakita niya ang lalaking nakaputing tuxedo na may kapa, ang lalaking nagpakilalang si Lolo Kupido. Tumuon ang mga mata nito sa dalagang karga niya. “May dahilan kung bakit ang mga landas ng dalawang tao ay nagtatagpo. Hindi lamang sila basta itinadhana. They met because they can give each other something nobody else can. Sa huli, malalaman mo kung ano ang something na iyon.” “Destiny is made only for the hopeless romantic,” pakli niya. “Let us see, young man. Let us see.” Tuloy-tuloy nang lumabas ng pagtitipon si Daniel, karga ang babae. Narating niya ang parking lot. “Daniel!” pagsalubong sa kanya ni Lino. Nasa mukha nito ang kalituhan. “Sino `yan?” Iniabot niya rito ang purse ng babae. “Open it. Tingnan mo kung may car key.” Ginawa naman ni Lino ang iniutos niya. “Meron.” “Good. Hanapin mo ang kotseng ginagamitan niyan. Imaneho mo at sundan ako. Ibigay mo sa akin ang susi ng ating sasakyan. Let’s bring this…” This princess… “This woman home.” Saglit siyang tinitigan ni Lino, kapagkuwan ay agad na tumango. Tumalilis ang lalaki at pinindot ang alarm ng susi ng sasakyan ng babae. Kung within range ang kotseng kapareha niyon, tutunog iyon at magbibigay ng warning lights. Inilulan na ni Daniel ang babae sa sasakyan niya at ikinabit ang seat belt. “P-princess…” paggising niya kasabay ng bahagyang tapik sa balikat nito. “Princess…” “Hmm…?” “Saan kita ihahatid?” To his delight, paungol na ibinigay ng babae ang address. Mukhang natagpuan din agad ni Lino ang sasakyan dahil may bumubusina na sa kanya. Tinawagan niya ang lalaki at tinanong kung alam nito ang address na ibinigay ng babae. Hindi kasi siya pamilyar. “Oo. Sa kabilang bayan lang `yan,” sagot ni Lino. “Good. Lead the way. Susundan na lang kita,” aniya at sinundan si Lino palabas ng exit gate.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD