NAKAPAG-LANDING na ang chartered plane na sinasakyan nina Daniel at Celine sa airstrip ng Isla Cavelli, pero nananatiling tulog pa rin ang dalaga. Sayang lang at hindi nito nakita ang tanawin ng Isla Cavelli mula sa himpapawid. Ayon kay Luka ay normal lang daw iyon sa isang nagdadalang-tao. Ngumiti si Daniel at hinagkan ang ulo ni Celine. Hindi pa rin siya makapaniwala na magiging ama na siya. Dinadala ni Celine—ng babaeng mahal niya—ang kanyang anak. Ah, parang puputok ang dibdib niya sa sobrang saya. Tumaas ang kamay niya sa kagustuhang mahaplos ang pisngi ni Celine. He was hesitant at first, but he gave in. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ng babae. Umungol ito, marahang iginalaw ang ulo, as if to feel the warmth of his hand and his caress. Nakadama naman siya ng hindi masukat na t

