MASUSING pinag-aralan ni Celine ang iginuhit. Nakamaskarang mukha iyon ng isang lalaki na may nanunuot na mga mata at sensuwal na mga labi. Hindi niya napigilan ang sarili, pumikit siya at sa isip ay binigyang buhay uli ang halik na naganap sa pagitan nila ng lalaki. That mind-blowing kiss they shared, the feel of his hot palm against her skin. And his gaze that could make her skin prickle, stirring a kind of excitement within her that was so peculiar to her. Napaungol siya. Hindi puwedeng hindi siya maaapektuhan kapag binabalikan ang naganap na halik sa pagitan nila ng lalaki. And worst, her body was asking for him! Binubuhay ng lalaki ang kanyang dugo. God, Celine, ano’ng nangyayari sa `yo? bulalas niya sa isip. Alam niya kung sino ka, pero dumaan na ang mga araw pero ni hindi siya naki

