“DON’T worry too much. Okay lang ako,” sabi ni Daniel kay Celine. Nasa condo unit na sila. Nakahiga na siya sa kama. And his abdominal pain was killing him. Isa iyon sa mga dulot ng pagkakaroon ng Porphyria—severe abdominal pain. Tuwing umaatake ang pananakit ng tiyan niya, halos nauubos ang lahat ng lakas niya. “K-kumalma ka, Celine.” “Kumalma? Paano ako kakalma gayong nakikita kong naghihirap ka?” singhal ng dalaga. Gumitaw na naman ang mga luha sa mga mata. Napaungol siya dahil doon. “Hindi mo sinasabi sa akin kung ano’ng nangyayari sa `yo. Doktor ako, mataas ang IQ ko, mataas ang karangalan ko nang magtapos ako, pero pakiramdam ko ay napakabobo ko sa mga sandaling ito.” Tuluyan nang namaybay ang mga luha ng dalaga. And it felt so weird dahil pakiramdam niya ay nababawasan ang sakit ng

