Chapter 4

3173 Words
GUYS I uttered a deep sigh after I looked at my inbox and found nothing. Dalawang araw na ang nakalipas simula nang magkita kami ni Kurt. At hanggang ngayon, kahit isang reply ay wala akong natanggap mula sa kanya. Like what the hell! Siya na nga itong nang-iwan, siya pa itong hindi nagpaparamdam. "Matutulad ka sa babaeng ‘yan kapag tinuloy mo ang panliligaw kay Yvonne." Wala sa wisyo akong sumulyap sa kaliwang banda kung saan nadatnan ko si Darius, Aris, Elias, Marky at si Achilles na kakatabi lang sa kanila. "Yan ang mukha ng pinapaasa." Nanunuya pang dugtong ni Darius. Salubong ang kilay ko nung nag-iwas ng tingin sa kanila. Mariin akong pumikit at sa aking pagmulat, tuluyan ko silang hinarap. I also plastered a sweet smile and crossed my arms. "How about the face of someone who’s going to commit murder?" "Whoa! Don’t vent your anger on me." Darius raised his palm, denotes submission. "You know, I speak only the truth." At saka bahagyang humakbang palapit sakin. Pinasadahan ko siya mula taas hanggang baba habang inaantay siyang makalapit. Segundo lang naman ang ginugol since sa magkabilaan lang kami ng hallway. "You know that I don’t lie too." He shook his head. "But you can’t kill your friend either." Sabay akbay sakin. Napairap na lamang ako pagkuwa’y nagpatianod sa hila niya. Hindi na inatubili pa ang sarili na lingunin ang mga kasama namin. Sigurado naman kasi ako na susunod ang mga ito. "Where are we going?" Tanong ko nang marealize na parking lot ang punta namin at hindi cafeteria. "Basta." Kung hindi lang ako nginitian ni Darius, hindi ko na sana siya tatapunan ng tinging puno ng akusasyon. I don’t really like every time he smiles. Feeling ko, pinagtitripan niya ko kahit hindi naman talaga. "Don’t worry it’s not a place you are thinking right now." Pagkatapos sinenyasan niya ko na pumasok na sa kanyang sasakyan. Inantay ko munang makaikot siya bago ako pumasok at naupo sa shotgun seat. Sinusuot ko na ang seatbelt nang pumasok siya sa driver seat. Maya-maya lang ay pinaandar niya na ng makina ng sasakyan at nagsimulang magmaneho. Mula sa side mirror, nakita ko ro’n ang pagsunod ng dalawang sasakyan at siguradong ung apat ‘yon. "It supposed to be a man’s time but you’re someone who won’t bother being one of the boys…kaya sinama kita." "What is this all about? I thought, we’re going to eat?" "Yeah, we will. After the game." Sabi na nga ba! Pustahan na naman ang punta ng limang ito. "Then why did you drag me? I’m not in the mood to laugh after watching you all lose." "Hoy!" Aniya saka kinatok ang dashboard. Napatikhim na lamang ako nang mapag-alaman ang ginawa niya. Naiiling din akong umiwas ng tingin at nagpasya na ituon na lamang ang pansin sa labas. Nananatili akong ganon hanggang sa makarating kami sa parking lot ng isang skyscraper. "We’re just in right time." Sambit ni Marky after niyang tignan ang oras sa phone niya. Mula sa kanya, nagpalipat-lipat ang mata ko sa apat pa niyang kasama. I can’t see their expression since I was at their back yet I saw how Aris moved his head for a nod. Hindi ko maiwasang suminghap sa tuwing naiisip ko ang sitwasyong kinasasadlakan. Not that I’m in bad situation. I just don’t understand why I need to be here. Ni hindi man lang ako ininform na muse pala ko. My eyes landed in front when the door opens in 19th floor. Bumungad samin ang dalawang babae na bahagya pang natigilan sa akmang pagpasok. Marahil napagtanto na puro lalaki ang sakay ng elevator o dahil ako lang ang nag-iisang babae? But then, no need to ask. Obvious naman na ako ang hinusgahan nila. Kita iyon sa paraan ng pagtitinginan nila. Akala ko nga ay hindi na sila tutuloy pero ginawa pa rin nila pagkalipas ng ilang segundo. At dahil nasa likuran lang nila ako, nakikita ko sila. Ni hindi ako makapaniwala na ibang level din ang pagkabulgar nila. Panay sulyap ba naman sa mga kasama ko. "Do we really need to do it?" I almost burst in laughter when they glanced at me with same expression. Except syempre do’n sa dalawang babae na kahit hindi ako sinilip, eh halata namang nakikinig. I find them funnier than these five confused guys I'm with. "We already did five rounds last night." Nagpakurap-kurap pa ko para lang magmukhang pagod. Hininaan ko rin ang boses para tunog totoo ang pinagsasabi ko. "What the hell are you saying?" Hindi ko alam kung paano ko nagawang maintindihan si Aris kahit tingin lang naman ang ginawa niya. "What?!" I laughed ridiculously. I'm too persistent to do the idea on my mind to be bothered by anyone. Kahit ng isang pagbabanta. "Come on, baby! We’re living in 21st century. Hearing story about a woman slept with five guys isn’t a big deal these days." Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong pagtuonan ng pansin. Iyong naguguluhan, gulat o hindi makapaniwalang ekspresyon ng mga kasama ko o ung dalawang babae na kating-kati ng lumabas ng elevator. Ang hirap pumili! Kung pwede lang videohan ang pagmumukha nilang lahat, my goodness! hindi ko na kailangan ng totoong clown. This one is enough to make my stomach ache. Marky scratch his nape and barely dodged me. Ganon din ang dalawa na matamang dumistansya sakin. Si Aris naman ay naiiling na nag-iwas. Ibang-iba kay Darius na palihim na tinapik ang kamay ko at pagkatingala ko sa kanya, agad niya kong inilingan. Too bad that something naughty came up in my pretty head because of what he did. "Ugh!" I moaned in erotic way. It was the reason why they looked back at me with wide eyes and parted lips. Si Darius naman ay nagsalubong ang kilay habang nakatiim ang panga. Dapat talaga ay hihinto na ko lalo na’t sobra na ang kahihiyang natamo ng lima pero… "Do you desire me that much?" I can’t. Masyadong mahirap tapusin ang ganitong klase ng katuwaan. "Is it okay that we’re going to do it here?" I caressed Darius’ chest and leaned my face towards his. I smiled when I got to understand what his pair of Hispanic eyes screamed. Ba’t ako na naman?! I pursed my lips then tilted my head. Dahan-dahan kong nilapit ang labi ko sa kanya na umabot sa puntong nasisinghot ko na ang kanyang hininga. Sayang lang at hindi natuloy since bumukas na ang pintuan ng elevator at mas mabilis pa kay Flash kung lumabas ang dalawang babae. Pagkasarado ng pinto ay s’yang paghagalpak ko. "Ang saya mo eh ‘no!" "She’s unbelievable!" HAHAHAHAHA! "Baliw ampota!" Masyado akong abala sa pagtawa para balingan pa iyong mga nagkomento. Ang tanging laman ng aking kukote ay ang mukha ng dalawang babae. "Serves them right!" I muttered in smug manner. Ang kaliwang kamay ay nakatakip sa bibig habang ang kabilang kamay ay nakatukod sa dibdib ni Darius. Muli akong nagpatuloy sa pagtawa to the point na muntik na kong mabulunan sa sariling laway. "I regret that I brought you here." Ani Darius sabay tanggal sa kamay kong nakatukod. Pabaling na ko sa kanya nang mataman siyang lumayo sakin at bago ako lagpasan, paulit-ulit siyang nag-tsk at umiling. I can’t help but chuckled as I watched them all exits with unread expression. Akala mo mga binatang first time nakatikim eh! Mga hipokrito! where are you? Napaismid ako nang makatanggap ng text mula kay Kurt. Hindi ko alam na marunong din pala siyang magreply. Akala ko naputulan na ng kamay eh since ilang araw ng hindi nagpaparamdam. Me: home Pagkatapos ay sumimsim ako sa beer ko. Him: can we meet? Sandali akong tumunganga sa harap ng phone para pag-isipan ang sinabi niya. Maya-maya dumako ang tingin ko sa mga kasama na kapwa mga abala sa sariling phone. Hindi na siguro masama kung iiwan ko ‘tong mga ‘to. Dalawang oras na rin naman akong nandito at naghihintay na matapos sila sa game. Besides, baka malasing pa ko kakahintay sa dinner treat ni Darius. Ilang can na rin kasi ang nainom ko kakahintay sa kanila. At alas syete pa lang ng gabi, sigurado akong hindi pa kumakain si Kurt. Sa kanya na lang muna siguro ako tatanggap ng dinner treat. After I sent a reply, I immediately grabbed my bag and opened it. Kinuha ko ang press powder ko at naglagay nito sa aking mukha. Nilabas ko rin ang lipstick at mascara ko. Isang pasada lang sa buhok ay okay na katulad ng pag-aayos ko sa aking crop top at mini skirt. "Aalis ka?" Sulyap sakin ni Elias. "Yup." Sabay tayo at pasada sa mga kasama. Good thing, Darius is also looking at me. Kaya hindi ko na kailangan pang agawin ang atensyon niya. "Next time mo na lang ako ilibre." "Bakit?" Inangat ko ang phone at mataman itong kinalog. "A ghost suddenly wanted to meet me. I gotta go!" Pagkatapos ay tumalikod na ko. Hindi na hinayaan pang makareact siya. Though I heard him saying ‘ingat, babe!’ before I totally get outside. Sa loob na ko ng elevator nang matanggap ang address na pagkikitain namin ni Kurt. Good thing, malapit lang ito sa lugar na kinaroroonan ko kaya ilang minuto lang ang ginugol ko sa pagsakay sa taxi. "Akala ko, nauna ako." Agad kong wika at saka naupo sa bakanteng upuan sa harap niya. "May kinita akong kaibigan malapit dito. Dumiretso na ko pagkatapos nung matanggap ko ang text mo." "Ah." Tungo-tungo ko habang pasimple siyang pinasadahan ng tingin. He’s wearing a white shirt na pinapalaliman ng black leather na jacket. Not that he don’t looked handsome in that style, I just find it unusual. Madalas kasi ay simpleng t-shirt lang ang suot niya. I wonder what’s going on? Because my intuition keeps telling me that something bad will happen. "So what’s the tea?" I paused from running my fingers on the edge of my glass and barely looked at Lyca. Kanina ay medyo abala ako sa pakikipag-usap sa iba pa naming kasama pero ngayon, nag-iisa na lang ako sa couch since nagpaiwan ako nung nagyaya sila na sumayaw sa dancefloor. Bukod sa wala pa kong gana, masyado ng masikip ang dancefloor para makisiksik pa ko. I also wanted to be alone. But as you can see, I can’t anymore. "I don’t have one." Sagot ko habang matamang pinapanuod ang pag-upo niya sa tabi ko. "Oh come on! I heard a lot about you." Aniya habang nagsasalin ng alak sa baso. "I even heard that you’re seeing a hotshot from PU." "You heard it late. We already broke up!" I chuckled and took a sip from my glass afterwards. Naiiling siyang tumawa. "Gosh! Hindi ka pa rin nagbabago." "Change is something that requires light years to happen." I smirked then shifted my attention on the front where the view of people busily dancing and having fun can be seen. "Or never gonna happen." Dugtong niya na hindi ko na kinontra pa kahit alam kong ako ang tinutukoy niya. I don’t want to say anything. I choose not to. Mamaya malaman pa niyang maling akala siya. Do’n pa lang sa part na naunang nakipagbreak sakin si Kurt, nagkaroon na agad ng malaking pagbabago. And until now, I still can’t believe. Hindi ako makapaniwalang sinira niya ang pangalan ko. Dapat nung una pa lang, iyong hindi niya pagreply ng ilang araw, ay nahulaan ko na ang gagawin niya no’ng araw na nakipagkita siya sakin. Edi sana inunahan ko na siya. Jerk! I can’t accept that he took my role! "Winter Arguelles right?" Napahinto ako at agad tiningala ang kaharap. Mabilis din kumunot ang aking noo nang mapag-alaman na hindi pamilyar sakin ang lalaking nakaharang sa daraanan ko. "Yeah. What’s up?" He grinned. "So what I heard was right! You’re really nice...I’m Elon Garcia." Sabay abot sakin ng kamay niya. Tinanggap ko naman agad iyon na may kasamang ngiti. And it wasn’t a fake one. It’s truth that I’m not in mood but I’m not someone who ruins the mood of others either. I can plaster a smile if that’s what it takes to get along well with the crowd. "Nice to meet you. But how do you know me?" "You shouldn’t be surprised. You’re famous." "Am I?" Tinuro ko pa ng sarili ko habang kinunotan siya ng noo. Tumungo-tungo siya pagkuwa’y mahinang humalakhak. Hindi ko alam kung saang parte ako may sinabi o ginawa na nakakatawa para makita ang pagningning ng mata niya dahil sa tuwa. He seems entertained too. Feel ko tuloy, mukha akong clown. Or perhaps, he’s aware that I’m just acting empty-headed? "You want to grab a drink with me?" Bago ako nagsalita, sinulyapan ko muna iyong isinenyas niya which is isang liquor stall di kalayuan sa kinaroroonan namin. "Sure." At saka nagsimula na kaming maglakad patungo ro’n. Good thing, hindi na ganon karami ang tao sa dancefloor kaya hindi ko kailangang makipagsiksikan. Mabilis din kaming nakarating at naupo sa puwesto banda sa sulok. We talked a lot about life and studies while drinking. Napag-alaman ko na galing siya sa PU and it got me understand why he knew me well. Para kasi siyang autobiography ko. Alam na alam niya kung ano ang pinaggagawa ko sa Sydney man o dito sa Pinas. That's why there's an hour that we do nothing but chat about my life and all things relating to me. He asked a lot of questions just to confirm if what he knew or heard about me were true. And I choose to be transparent. Besides, wala rin naman akong dapat itago. Kung ano man ang pagkatao na pinapakita ko sa labas ay s’yang pgkatao ko rin sa loob. "We need to sober up." Suhestyon ko nang bahagyang makaramdam ng hilo. Mukhang tinamaan na ata ako ng alak. Pero simula pa kasi kanina, inom na ko ng inom. Kaya hindi ko masisisi ang katawan ko kung bumibigay na. "Let’s dance." Yaya ko pa at saka tumayo. Medyo na-out of balance pa nga ako sa pagtayo pero buti na lang mabilis akong nadaluhan ni Elon. Inalalayan niya rin ako habang naglalakad kami at nakipagsiksikan sa mga taong sumasayaw. Nung medyo nasa gitna na kami ay saka kami huminto at maya-maya’y sumunod na sa beat ng tugtog. We started to bang our head, shook our hips, we jumped, we sang the lyrics in loud manner, laughed without any reason until sweat trickles from our body. Until we’re grasping with our breath. And I totally got back my sanity right after. "Where are you going?" Usisa ko sa kanya nung akma siyang hihiwalay sakin. He paused and glanced at me with a big smile. "I’m thirsty so I’m gonna buy drinks. I will buy one for you too. So wait for—" I interrupted him by shaking my head. "Juice na lang. It’s already late. I need to go home after drinking one." Kakapansin ko lang kasi na madaling araw na pala. Baka hanapin ako sa bahay kapag hindi pa ko uuwi. Kaya pass na sa alak since magmamaneho pa ko pauwi. "Oh, okay!" Aniya. Ngumiti ako at tumungo-tungo. Ngumiti rin siya pabalik pagkuwa’y tumuloy na sa pagpunta sa liquor stall. Ako naman ay pumunta sa standing bar table na pinakamalapit sakin. Habang naghihintay, bahagya kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng bar. The premises might be dark that you can’t recognize the skin tone of even a single person but it has full of led lights that came in different colors. And it gives you the privilege to recognize those people around you. Medyo masakit nga lang sa mata kaya tumigil din ako sa pagtingin-tingin pagkaraan ng ilang sandali. Also, Elon already arrived with two glasses in his grip. Inabot niya agad sakin ang isa habang ang isa ay ininuman niya. "Thanks!" I uttered then drink my juice as well. May balak pa sana akong paunti-unti ang pag-ubos nito pero dahil sa uhaw ako at masyadong refreshing ang inumin, halos paubos na nung nilapag ko sa mesa. "It’s good!" I commented as I looked at Elon. Nadatnan ko siyang umiinom sa cocktail niya habang direkta ang tingin sakin. And despite the chill I suddenly felt toward his stares, I choose to ignore it. I decided to flash a friendly smile instead. Nginitian niya rin naman ako pabalik pero nananatili pa rin ang mata niya sakin. Kahit nung nilapag niya ung baso sa mesa, nakatingin pa rin siya sakin. It made me come up into a thought of asking him because honestly, he looked like someone who’s going to do bad things. At mali naman na husgahan ko agad ang pagkakakilala ko sa kanya dahil lang hindi ako komportable sa ginagawa niya ngayon. So the only way I know was to be frank and ask him. However, when I’m about to speak up, a sudden motion puts me in dizziness. I squeezed my eyes to sharpen the blurry images in front of me but it didn’t work. Mas lalo lang akong nahilo na s’yang dahilan para mapahawak ako sa mesa bilang suporta sa balanse ko. "Okay ka lang?" I wanted to answer Elon but I can’t. My headache is too much to handle. It’s tormenting me to the point that I can’t pay attention to what’s happening around. Basta naramdaman ko na lang na inalalayan ako ni Elon. May sinasabi rin siya na naririnig ko naman pero hindi ko magawang irehistro sa aking utak. Masyado akong hilo para alamin pa kung saan ang punta naming dalawa. Pero sigurado akong hindi kami palabas ng bar. Naaaninag ko pa rin kasi ang led lights but this time, it was all red. I parted my lips to ask him but my dizziness made me speechless. So I end up on shutting my mouth once again. It stressing me out that I couldn’t do anything even speaking a word. And the more I’m thinking about a way to cope with the dizziness, the giddier I’m feeling. Kaya naman nagpasya akong tumigil na at magpaubaya na lamang kay Elon. Siguro naman ay lugar na paghihingahan ang punta namin di ba? • • • • • •
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD