Chapter 10

3436 Words
IN RELATIONSHIP It was a long… passionate kiss. I didn’t know how long we stay oblivious about our surroundings. We’re too busy in feeling each other’s lips. He’s caressing my back and my arms were wrapped around his neck. He pinned me against the wall and deepened the kiss more. It was fascinating to watch. That scene. If I can stop the time to just stay that way, I will. But it’s already part of my mind. It will end anytime. Just like how it faded the moment I met the marbled floor. Nagising ako bigla sa katotohanan dahil sa sakit gawa ng impact ng pagkalagapak ko. "f**k!" I exclaimed and hold my knee where the pain comes from. Tumayo ako at patalon-talong bumalik sa kama. Hinimas ko ung part na mapula para mawala ang sakit. I also stretch it when I think, the pain was bearable. Ilang sandali pa kong nananatili sa kama bago nagdecide na lumabas. Dumiretso ako sa kusina nang mapansin na wala si Aris sa sala. At tama nga ang hula ko. Nando’n nga siya. Nagkakape. Siguro iniisip niyo kanina na nananaginip lang ako ‘no? Oh come on, darling! I’m not someone who dreams about the man I liked. Why would I settle in daydreaming when I can do it for real? Well, that’s what happened last night. Pinakita ko sa inyo kung gaano kabilis niya ko nakuha. Isang sorry lang, okay na kami. Isang halik lang, boyfriend ko na agad siya. Ngayon ko lang narealize na ang rupok ko. Wala eh. We’re talking about Aris Mirabueno. He’s someone you can’t miss. Someone you can’t refuse opening the door when he knocks. "Papasok ka na?" Tanong ko nang makita siyang bagong ligo at bihis na bihis. Pagkatapos bumagsak ang tingin ko sa countertop kung saan may nakahaing pagkain. I can’t help but smile when I realized that all the food that have been serve were usually my taste. "You know?" I asked again, ignoring what he replied. Nagsalubong ang dalawang kilay. "About what?" "That they were my favorites." Sabay muwestra ko sa mga pagkain pagkuwa’y pinaningkitan siya para tuksuhin. "No. I just know that as long as it was food, it was your favorite." Okay! That kills my mood. From love into hate, great change of feelings was so sudden. I shot him sharp stares that didn’t move him even a bit. Instead, ito ang sinabi niya sakin. "Nasa baba na ang sasakyan mo. Kita na lang tayo sa MIU." At saka tinalikuran niya ko. Ni hindi man lang inantay na makatanong ako o makapagsalita man lang. My mouth swung open in disbelief as I watch him leaving me. I’m secretly hoping that he will look back. And I jump in joy when he did but hearing his intention, "Don’t forget to lock the door before you leave." My joy has quickly replaced by frustration. I almost raised my middle finger and wished that I got more. Buti na lang, naalala ko na boyfriend ko pala siya kaya nagawa kong pigilan ang sarili. Pasalamat din siya na pinagluto niya ko. The reason why it’s easy for me to forgive him and decided to let him slide. Dahil masarap ang pagkakaluto, inubos ko lahat ng pagkain to the point na lumaki na ung tiyan ko. Pagkauwi ko sa bahay, ininuman ko agad ng tsa-a para madispose ang lahat ng fats at carbs sa aking katawan. Since ala una pa naman ang susunod na klase, nagstay na muna ako sa kwarto ko. Kung ngayon kasi ako pupunta sa university, mag-aantay pa ko ng dalawang oras and it was a hassle. Wala pa namang maayos na mapagtatambayan do’n. Hindi katulad dito sa bahay na may malambot na mahihigaan at makakainat o makakaikot ka pa. Although when the clock strikes at twelve, I get up from bed and immediately took a shower. Simple lang ang sinuot ko, puting knitted top na may tatlong malaking butones na pinaresan ng torso na black and red ang pattern design at sneakers. Kaya fifteen minutes pa lang ang nakalipas, ready to go na agad ako. Pero nawalan pa rin ako ng oras na makipag-usap kay Aris dahil kakarating ko pa lang, tinambakan na agad ako ng mga gawain. May groupings kasi kami kahapon kaso di ako nakaattend gawa ng brokenhearted ako sa cancellation ng competition. Ngayon tuloy ginantihan nila ko. Ngayon ko lang din na narealize na running for Latin honors ung leader namin. Kaya todo ako kung pagalitan. Halos matanggal na ung eardrums ko sa panenermon niya. Kahit gusto kong pumunta ng cafeteria para bumili ng pagkain, hindi na ko pinayagan. Kailangan daw tapusin ung presentation namin ngayong araw. Wala na kong nagawa kundi ang sumunod. Chinat ko na lang si Aris na baka hindi na kami magkasabay sa pag-uwi. At ang loko, pinapakulo ang dugo ko. Nireplyan ba naman ako ng ‘okay’. What the hell! Ten minutes na ung lumipas before siya makapagreply tapos iyon lang ang sasabihin niya? Pigilan niyo ko please! Baka makama ko ng wala sa oras ang Mirabuenong ‘yon. "Where are you going?" Si Cindy nang humiwalay ako sa kanila. Hindi ako sumagot pero tinuro ko ung puwesto nina Darius. Nagtaasan ang kilay ng mga kaibigan ko. Hindi ko naman sila masisisi dahil hindi naman nila alam na okay na kami ni Aris, na nagdidate na kaming dalawa. Hindi ko pa sinasabi sa kanila. Nawawala sa isip ko na magkuwento since ang hectic ng sched namin this week. Ngayon lang talaga nagkaroon ng pagkakataon na makasama sa paglalunch ang mga boyfriend ko. I just plastered a smile with assurance upon seeing their reaction. Before I turned my back away from them, I waved them a bye. Hindi ko na inalintala pa ang sarili na lingunin sila pagkatapos. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad patungo sa puwesto ng mga lalaking kaibigan. Actually, kumakain na sila kaya hindi nila napansin na papalapit ako. Saka lang sila nagreact nang umupo ako sa bakanteng upuan na katabi ni Achilles at kaharap ni Elias. Kung hindi lang ako gutom, baka tumawa na ko sa reaksyon ng mga kasama. "Kay Aris ‘yan." Awat sakin ni Darius. Pabulong pa ung pagkakasabi niya, parang nag-iingat. "So?" Painosente kong wika at sumubo ulit ng isang kutsarang kanin. "What’s wrong in eating my boyfriend’s food?" Mukhang magulo ang huli kong sinabi. Marahil dahil puno ang bibig ko nung nagsalita kaya walang nakaintindi sakin. "Mag-aaway lang kayo lalo." "Nand’yan na siya." Deklara ni Elias habang ang tingin ay na kay Aris na abala sa pagkalikot ng phone niya. Pinanuod ko lang siya sandali tapos balik na ko sa pagtatanghalian. The air filled with silence. The reason why I shifted my attention at my friends. Namataan ko silang naninimbang na nagpalipat-lipat ang pares ng mata sakin at kay Aris na nakatayo habang nakabaling sakin, salubong ang kilay. I rolled my eyes. "What? Just get one. Gutom na ko. Wala na kong panahon mag-order." Umiling siya at tumikhim. "You're unbelievable!" Hindi ko maiwasang humagikhik nung tumalikod siya. Rereklamo pa kasi, gagawin din naman pala. "Buy me extra rice." Pasigaw kong habol. "Inumin din. Fit 'n right." His mouth were hang open when he paused and looked back at me. Seeing him getting annoyed, I widened my smile. "Thank you, babe... Love you." I mouthed the last two word. He glared at me and before I could tease him more, Darius choked up. Sa kanya tuloy dumako ang atensyon ko. Namataan ko rin ang paglaglag ng panga ni Elias at Marky. Ganon din si Aki na hindi maiguhit ang mukha. "Ew ha!" Matalim akong tinignan ni Darius habang sinusuntok ang dibdib niya. Ikinangisi ko lang iyon pagkuwa'y inabot sa kanya ang bote ng juice. Tinanggap niya naman at uminom agad mula rito. "Gago! Seryoso?" Aniya nang mahimasmasan. Sinulyapan din niya ang pinsan na kasalukuyan ng binabagtas ang daan patungong counter. "How?" Si Elias. "You sure, you want to hear the story?" Paniningkit ko sa kanya, bakas ang malisya sa aking mga titig. He was taken aback because of it. He shook his head as sign of submission. "Kailan pa?" Usisa ni Darius. "Two days ago." "That's a relief! Akala ko, ang tagal niyo na kaming niloloko." "How about that Lopez? When did they broke up?" Marky in his confused look. "Three days ago." I immediately answered. It made his two brows converge in disbelief. Ibang-iba kay Darius na humagalpak ng tawa, bakas ang amusement sa kanyang mata. Halatang proud sa ginawa ng pinsan niya. "Nagpapalit lang talaga ng damit. Pano 'yon?" "And there's no exception." Dugtong ni Aki sa kinomento ni Marky. "That burden is on me. Don't worry, I won't go and cry to you once it happened. Ayokong masabihan ng "I said you so,"." I mocked his voice that made his left brow shot up. He stared at me with disbelief written all over his face. Mukhang hindi makapaniwala na nakuha kong maging confident sa kabila ng katotohanang mabilis din akong palitan. 'Na katulad ng mga ex ng pinsan niya, I'm gonna replace by someone else too in just a blink of an eye. But... I'm not someone who gets affected over preconceived event. If he leave me one day because he's already sick and tired then he can... anytime. Bakit ko naman ipipilit ang sarili ko sa taong ayaw na sakin di ba? At bakit poproblemahin ko ung bagay na hindi pa naman nangyayari? Pipigilan lang ako nitong sumaya. "Nakakuha ka na ng sayo?" Sinulyapan ko ang boyfriend nang tumabi siya sakin. May dala siyang basket na naglalaman ng iba’t ibang pagkain at maraming bottle can ng beer. Nasa market market kami para syempre, mamimili. Sa condo niya kasi napagtripan ng mga kaibigan na tumambay. Humarap ako kay Aris at iminuwestra ang mga dala. "Let’s go." Ngiti ko saka nilagpasan siya. Hindi na binigyan pa ng pagkakataon na punain ang dami ng kinuha ko. Sumunod naman agad siya sakin patungong counter pero siya itong nagbayad lahat. Since ‘yon lang naman ang pakay namin sa paglabas, bumalik na kami sa condo niya right after. Kalahating oras lang at nagsidatingan na sina Darius, Aki, Marky, Elias at dalawa pang lalaki na teammate ni Darius, si Stephen at Harold. They were also Aris’ friend. Sa pagkakaalam ko, mga kaibigan niya nung high school. Ngayon lang sila nagkabonding ulit dahil busy din ang mga ito as engineering students. Una ay nakikisali pa ko sa usapan pero kalauna’y ung pagkain na lang ang naging sentro ng atensyon ko. Hindi na kasi ako makarelate sa usapan ng apat tapos ung magpinsang Darius at Aki naglalaro na kasama si Marky. Nagbrowse na lang din ako sa phone ko since hindi naman pwedeng mag-open ng TV. Halos umawang ang bibig ko nang dumaan sa newsfeed ko ang post ni Olivia kung saan kasama niya ang kanyang boyfriend. Hindi naman ako magrereact kung hindi lang may pagkabulgar ang photos nila together. Pinaglandakan ba naman na kakatapos lang nila guluhin ang kanilang kama. Baklang ‘to! "What was that?!" Bungad ko sa kanya nung sagutin niya ang tawag ko. Kita sa screen ng cellphone ko kung gaano kalukot ang mukha ko. ‘Yung akala mo'y kumakain ng maasim na camias. [What do you think?] He laughed. I rolled my eyes. "Do you really need to show it?... He’s not that handsome." [Hey b***h! Stop being insecure!] This time, ako naman ang humagalpak ng tawa. Gigil na siya eh. Kung katabi niya lang ako, baka nahablot niya na ang buhok ko kanina pa. "Why would I? You know that I never felt insecure towards you. The fact that I have v****a that you’re eager to have, I’m already on another level. Much higher than you." Pagkatapos ay aksidente kong nalingonan ang mga kasama. Saka ko lang napagtanto na nakatingin silang lahat sakin. Pero si Aris lang ang binalingan ko pabalik. He’s looking at me warningly. Napatikom tuloy ako ng bibig kasabay ng pagdako ng mata ko kina Stephen at Harold. Naalala ko na bago nga lang pala sila. Kakasama lang nila samin kaya malamang nagulat talaga sila sa salitaan ko. "Sorry." Wika ko sabay tayo sa kinauupuan. Hindi naman kasi pwedeng ibaba ang tawag kaya ako na ang mag-aadjust. Ako na ang umalis sa sala at pumunta sa kwarto ni Aris. My boyfriend also said something to his friends before I could shut the door. I didn’t hear it clearly since I’m wearing airpods and Olivia is ranting on the line. Mas nakapokus ang pandinig ko rito. Dahil nakahanap na ko ng mapaglilibangan, halos hindi ko na namalayan kung gaano ako katagal na nasa kwarto lang habang nagpagulong-gulong sa kama. Kung may makakita nga lang sakin, baka napagkamalan na boyfriend ko ung kausap ko. Panay kasi ang tawa ko dahil sa kalokohan ni Olivia at Luke. But don’t get them wrong. Hindi sila magkasama. Nakagroup call kaming tatlo. "Miss you guys. Especially our night drives and victory parties." [This fake b***h!] Olivia in his crossed arms. Pabiro din siyang umirap sakin. [You don’t have the rights to miss someone you left.] [That’s harsh, baby!] Luke chuckled. "Hey! I’m dead serious." I pouted. [Then go back here and I’ll beat you up, really hard.] [And do you expect her to go back after hearing that?] Taas kilay na wika ni Luke sa manager namin pagkuwa’y bumaling siya sakin. [You will visit us right?] "Of course! I can visit you now if you want me to do so." I winked. [Oh my God! Look at this woman! Look at her audacity to flirt with my man right in front of me.] "Oh come on! He’s my man, not yours." Pagtataray ko sa kanya. Naiiling na natatawa na lamang si Luke habang pinapanuod kaming dalawa ni Olivia. I burst out in laughter too when I saw the expression of our manager. If just sharp stare could kill, I might end up in six feet below the ground at this moment. Although naiwan sa ere ang pagtawa ko nang mapadako ang tingin ko sa pinto ng kwarto kung saan nakatayo at nakasandal si Aris sa hamba habang seryoso akong pinapanuod. Nakaekis din ang kanyang mga braso na mas nakapadagdag pa lalo sa awtoridad niya. I dodged his stares and shifted back my eyes on my phone. "I think, I need to go." [Out of the sudden?] Si Luke. "Yup. Let’s talk again tomorrow." [Alright! Night, honey.] "Night." [Bye, b***h!] I chuckled. "Bye." Then I end the call right after. Tumayo na rin ako sa kinauupuan pagkatapos nilapitan na ang boyfriend kong tinotopak na naman ata. "Tapos na kayo?" Tanong ko na wala siyang balak sagutin dahil pinasadahan niya lang ako mula ulo hanggang paa at maya-maya’y bumagsak ang tingin niya sa hawak ko. Sinulyapan ko rin ang phone ko, nagtataka. "It was Olivia and Luke." Paliwanag ko sabay angat ng phone ko. Hindi ako sigurado kung ito ba ang gusto niyang marinig pero sinubukan ko pa rin. Isa pa, walang dapat pagtakpan dahil wala naman akong ginagawang masama. "They were my manager and my partner and also my friends from Sydney." At tuluyan na kong nakalapit sa kanya. I smelled beer from his breath but I don't think, he's drunk. "It’s already late. Let’s go." At akma na siyang tatalikod ngunit pinigilan ko siya. "Where?" Liningon niya ko. "I’ll send you home." Napatikhim ako at bahagyang pinag-ekis ang aking mga braso. "You’re already drunk." Okay! Ayokong umuwi kaya hayaan niyo na kong magdahilan ng ganito. "You already said too that it’s late. Baka maaksidente pa tayo kaya dito mo na ko patulugin. Ayoko na rin lumabas. Malamig. Inaantok na ko." "You really prepared this well huh?" A playful smile formed on my lips. It made him clenched his jaw in disbelief. Pagkaraan ng ilang sandali, nanliit ang mata niya, bakas ang pagbabanta. "It’s not your plan to sleep on my bedroom huh?" Nangunot ang noo ko. "No but… where do you expect me to sleep? In sofa?" He shook his head in disapproval. "The last time I sleep there, my back hurts a lot. I can't let you feel the same way I do. But... either way you're not allowed to sleep in my bedroom too." "So the only option was to send me home?" He slowly nodded, with a mark of decisiveness. I sniffed. "Do we really need to make this a big deal? Seriously Mirabueno?" Taas kilay ko pang atake. "It’s your choice to sleep there last time. And… you can sleep on your bedroom. Ganon din ang gagawin ko." Nagsalubong ang kilay niya sa pagmamatigas ko. Halos matawa ako sa katotohanang mapagkunware siya. Kala mo naman talaga e 'no! "What?! Stop acting like you’re gentleman. It doesn’t suit you." "I’m not. I just don’t like sleeping with someone on my own room." "Ouch!" I sported a mock hurt out of habit. Natigilan siya at napatitig sakin, ung tingin na daig pa ung x-ray scanner kung tumagos sa katawan. Pero may halo itong paninimbang. Okay? It was a joke, don't tell me he take it seriously? Nagpakurap-kurap ako sa harap niya lalo na't grabe siya kung makatitig. Hindi ko alam kung ano ang hinahanap niya sa mukha ko. Ang alam ko lang, kailangan ko ng sumibat. I pursed out my lips as my pair of eyes wandered around his face. Then I slowly taking steps at nang makahanap ng oportunidad na makaalis, nilagpasan ko na siya agad. Nahagip ko pa ang matamang pagtaas ng kanyang kilay, nagtataka ata sa kung ano na naman ang plano kong gawin. I let out a celebratory smirk when I successfully walked past him. Somehow, it didn't last because of warm hand that immediately invaded my wrist. Before I could look back at Aris, he already pulled me. I realized that I’m standing in front of him again. At ng mas malapit. "I’m sorry. I didn’t mean to address you as someone." Humagalpak ako ng tawa. "Ano ka ba! Nagbibiro lang ako. Don’t worry, I’m not that sensitive." He smiled with a sneer. The reason why I paused from laughing and ended up on staring at him with intriguing eyes. "Do you know that I didn’t do guess when it comes on dealing with woman?" He asked that made me confused more. I also shot him a what-are-you-talking-about look. Because seriously? Hindi ko alam ang sinasabi niya. Subalit imbes na bigyan ako ng hint, pinasadahan niya lang ng tingin ang kabuuan ng mukha ko. Ganon din tuloy ang ginawa ko. Nakipagtitigan na lang din ako sa kanya. "Because you all used the same way when you are hurt, jealous… mad. Saying you were okay but later on, you don’t want to talk and gonna ignore us for days or worst, weeks or forever." "I’m not." Deny ko saka matamang lumayo sa kanya. "Don’t generalize dahil hindi ako parte ng populasyon ng babaeng ganon." At hindi man lang siya nag-alinlangan na ipakita sakin na hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. Tinapunan ko nga ng matalim na titig. Maya-maya’y napasinghap ako nang makita ang pag-angat ng gilid ng labi niya at ang panunukso sa paraan ng pagtitig niya sakin. "Oo na, isipin mo na ang gusto mong isipin. Kung ‘yan ang ikakasaya mo." Irap ko at akmang lalagpasan siya nang hinarang niya ang kanyang braso sa aking daraanan. Supladang bumagsak ang tingin ko roon pagkuwa’y lumipat sa kanya. I motioned him to remove his arm but he didn’t follow me. Instead, he pushed it towards my stomach until I get carried into his hard chest. Hindi pa nga ako nakakabawi sa gulat, mabilis niya ng pinulupot ng paekis ang kabilang braso para tuluyan akong ikulong sa kanyang bisig. Afterwards, he leaned his jaw on my right shoulder. "I guess, I will sleep with my girlfriend tonight…" he melodiously whispered. • • • • • •
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD