PHILANTHROPIST
I halted in the middle of walking in the hallway when I caught something from my peripheral view. And my intuition was right. It was Aris with his model girlfriend. Nasa picnic grove sila sa harap ng CAFA kasama ang mga kaibigan siguro ng babae.
"That explains why jerk wasn’t with his cousin these past few days."
"What are you mumbling about?"
Napasapo ako sa aking dibdib nang biglang sumulpot si Cindy sa tabi ko. Titignan ko na sana siya ng masama kung hindi lang bumanda ang tingin ko sa mga kasama niya sa kanyang likuran. Well, they were my friends nga pala.
"Maybe she’s amidst of regretting her decision." Hydia uttered. "Kurt is one of a kind after all."
"Yeah right! If I’ve given a chance to date a guy like him, there’s no way I’ll let go that fast."
"Then why don’t you date him?"
"Oh my gad, Winter! I’m not that low. I don’t date my friends’ ex-boyfriend." Margot grimaced.
Tumingin ako sa kanya, bakas ang paninigurado sa aking ekspresyon. Although sigurado naman talaga ako na hindi niya ‘yon gagawin. Besides, ang daming lalaki sa paligid. Paunahan na lang at kapag nahuli, hindi pwedeng mang-agaw at lalong hindi pwedeng mamulot.
"Anyway, she’s the university model right?"
"Who?" Cindy asked back at Lily.
"Iyong kasama ni Aris."
"Yup. I also heard that she’s a DL and philanthropist."
"Aris’ standard nowadays become high." si Hydia.
"And the span of his relationship is getting longer. Nakatatlong buwan din sila ng ex niyang tourism student." ani Margot na sinundan ni Cindy.
"I guess, he’s being responsible and manly. I wonder when Darius reach this kind of maturity."
"I wonder too." Lily mocked.
I don’t how long I stayed silent the whole time they talked about Aris and his new girl. I don’t even know why I can’t say anything. Nananatili lang akong nakatayo roon habang tinatanaw ang magjowa na abala sa pakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan ng babae. Kung titignan ay para akong naputulan ng dila. And my friends might find me strange for not talking since I’m naturally talkative. Kaya naman bago pa nila mapansin ang pagiging tahimik ko, niyaya ko na agad sila na pumasok sa room.
"Hi babe!"
Kasabay ng pagbati ni Darius ang pag-akbay niya sakin.
"You're alone again?" Agad kong tanong sa kanya nang mapuna na wala ang karaniwan niyang kasama sa mga oras na ito.
"Nope. Nauna na sila sa cafeteria. May dinaanan lang ako rito."
"Babae?"
"Whoa!" Humiwalay siya, lukot ang mukha habang nakatingin sakin. "I won't dare to cheat on my beloved Summer."
"As if you're truly dating." Irap ko.
"Soon." He assured me with smile.
"Why don't you think of giving up? I'm telling you this for your sake. She's asexual. There's no hope for both of you."
"Should I date you instead?"
"Oh come on! Di tayo talo."
Mahina siyang tumawa. "Kaya nga ipipilit ko. If there's no hope for both of us then I'll make one."
"You surely know that your words made you look like a liar."
"I thought you're on my side?"
I shrugged my shoulder as devilish smirk formed on my lips. Afterwards, I pushed the door of cafeteria and went inside first. Sumunod naman siya. Hindi niya sana ako maaabutan kung hindi lang bumagal ang paglalakad ko. Dumapo kasi agad ang mata ko sa usual na puwesto namin kung saan may intruder akong nakita.
"Hindi ko nga pala nasabi. May ibang kasama pala tayo."
"Nakikita ko nga." Mapakla kong wika saka nagpatuloy sa pagpunta roon. Buti na lang, hindi napuna ni Darius ang pag-iba bigla ng tono ko. But then, paano niya nga ba mapupuna kung abala siya sa pagtitig do'n sa babae? He also seemed enjoying that there's new face in our table. Todo kasi kung makangiti.
"You must be Yvonne Lopez?" Panimula niya habang ako ay bahagyang pinasadahan ng tingin ang babae. She's wearing a modest clothes unlike me na nakacrop top at cargo pants. Ang nakakainis pa ay wala man lang siyang suot na make up.
"I'm Darius Mirabueno."
Pagkatapos ay inabot ni Darius ang kamay niya kay Yvonne na agad naman nitong tinanggap.
"I know you. Aris also told a lot of things about you."
Kahit ung ngiti, mala-anghel aba!
"It was good right?"
She didn't respond. Instead, she chuckled as her eyes barely darted on me.
"I’m Winter Arguelles. At last, we met." Ngiti ko sa kanya saka umupo sa bakanteng upuan na kaharap niya. Ngumiti siya sakin pabalik habang mataman akong pinapanuod. Well, hindi lang naman siya ang nanunuod sakin, pati rin ang boyfriend niya na akala mo may gagawin akong kalokohan kung tignan ako ng masama.I arched my brow and glared at him too.
Akala niya ba hindi ko siya gagantihan? Ang lakas ng loob niyang magdala ng babae! How dare him to betray me!
Kung hindi lang umubo si Darius, hindi kami titigil sa pagtitinginan ng masama. Halata rin sinadya ng katabi ko na sikuhin ako para agawin ang atensyon ko.
"Saka na kayo maglambingan kapag wala na ang magandang babae rito." Bulong pa niya. Sarkastiko akong ngumiti.
"Wala naman sa kanya kung maglambingan tayo. Right Yvonne?" Baling ko sa kaharap na nalilito kaming tinitignan. Her forehead puckered more when I caressed Darius’ hair. Napangisi ako nang tapunan ako ng matalim na tingin ng katabi.
"You two dating?"
Darius growled in disapproval and I chuckled. "We don’t need to date each other. We can do something with no strings attached. Being in a relationship doesn’t give you assurance."
"Why don’t you eat your food?" Sabay subo sakin ng Siopao. Hinampas ko nga sa braso dahil muntikan na kong mabulunan sa ginawa niya.
"H’wag mo ng pansinin ‘tong si Winter. Kakagaling niya lang kasi sa break up kaya kinakain ng kapaklaan."
"What?—" f**k s**t! Napatigil ako sa akmang pagrereklamo nang dumikit ang pagkain sa ngala-ngala ko. Mabilis kong dinampot ang tubig sa harapan saka ininom ito ng diretso. Pagkatapos napaubo pa ko ng ilang beses habang hinahampas ko ang aking dibdib.
"Okay ka lang?"
"I almost die. Of course, I’m okay." I uttered with a sneer at Darius.
"Sorry na! Ang ingay mo kasi." Aniya saka hinawakan ang panga ko at bahagyang pinunasan ang labi ko. Tinapunan ko siya ng masamang tingin pagkuwa’y marahas na umirap. Aba! Kasalanan ko pa!
"Are you done with your food?" It was soft voice of Aris for his girlfriend. It made me glanced at his way which is the reason why our eyes met and locked for a moment. I can’t help but twitch my lips as I noticed the blankness in his pair of eyes. Problema ng isang ‘to?
"We should go."
"Mabuti pa nga." Awkward na ngiti ni Yvonne habang pasimpleng nagpalipat-lipat ang tingin niya samin ni Darius. Tuimayo silang dalawa at bago umalis, nilingon ni Aris si Aki.
"Sana lang ay tayo-tayo lang mamaya."
Napasinghap ako habang pinanuod ang paglayo niya. Kung nakakamatay lang ang titig, baka kanina pa siya nakasalampak. Seriously? Anong problema niya? Hindi ko naman siya pinahiya sa girlfriend niya ah! Uhh kairita! Ako na nga itong naagrabyado, ako pa itong lumalabas na masama!
"One more, Ma’am?" Ani ng bartender nang makita siguro na wala ng laman ang baso ko.
"Yes please."
He nodded and poured tequila on my glass afterwards. Sandali ko iyon pinagmasdan at inikot-ikot bago sumimsim. Nakailang baso na ko pero wala pa ang mga kasama ko. Dinampot ko ang cellphone sa countertop at tinignan ang GC namin.
Mga ‘on the way’ na raw pero kanina pa ko naghihintay! Mga scam aba! Dapat pala hindi ako pumunta sa tamang oras. Mukha tuloy akong loner dito sa Arthena Bar habang naghihintay. Kapag wala pa sila ng 8:30, sasama na talaga ako sa lalapit at magyaya ulit sakin na makipag-inuman.
Cindy:
Malapit na ko.
Hydia:
Me too!
Cindy:
Baka magkasama lang tayo e ‘no!
Me:
• Malapit na rin ako.
• Malapit na kong maubusan ng pasensya.
At ang mga haliparot! Hina-HAHA react ba naman ang message ko. Akala ata nagbibiro ako.
Margot:
Ito na nga, Winny! On the way na kami ni Lily.
Me:
• Kanina pa ‘yang otw na yan ah!
• Sabihin niyo kong banyo ang punta niyo ‘no para naman hindi ako umaasa at nasasaktan ng ganito.
Cindy:
Hala! Ang drama mo girl. Para namang hindi ka nag-ienjoy d’yan.
Hydia:
If we know, nakakandong ka na sa isa sa mga lalaki d’yan.
Hindi ko na natugonan pa ang mga mensahe ng kaibigan nang may umupo sa tabi ko. Hindi ko naman sana iyon papansinin kung hindi lang pamilyar sakin ang bulto. Sinulyapan ko iyon at nang makompirmang si Kurt, ngumiti ako.
"Alone?"
"No! I’m waiting for my friends to come here." Sagot ko na ikinatungo-tungo niya. Pagkatapos bumaling siya sa bartender at umorder ng alak. Binigyan naman siya agad nito ng inuming katulad ng sakin.
I shifted my weight a bit while my eyes remained on him. Pasimple siyang pinapasadahan ng tingin. He’s wearing a simple black shirt paired with denim ripped pants and Fila shoes. I like how he looked boyfriend material with his get up. Parang gusto ko siyang balikan. But of course, I’m just kidding! I won’t wreck my own principle. Ex is an ex!
Nilingon niya ko. Siguro naramdaman niya ang panititig ko. Sa halip na mag-iwas dahil nahuli niya ko, hindi ko ginawa. Patuloy lang ako sa pagtitig sa kanya.
"Do you need something?"
"If you have something to offer then I might need it." I winked.
"Closure?" Taas kilay niya wika na ikinahagalpak ko.
"How ‘bout way to avenge for my pride?"
He sighed unbelievably. "I thought you’re hurting because we broke up… I was wrong! I stepped on your pride by breaking up with you first and it was the hurtful thing for you."
"You’re indeed smart. That’s why I liked you when we first met." I uttered with a grin then drink my tequila at once. Pagkatapos nilapag ko ang baso sa countertop saka tumayo para umalis na. Nagchat na kasi ang mga bruha na nakarating na sila. Wala naman akong planong salubungin sila pero dahil nakikita ko ng hindi maganda ang pupuntahan ng usapan namin ni Kurt, kinailangan ko ng dahilan para makaalis.
Nasa pinakaloob ako ng bar kaya kinailangan ko pang dumaan sa mga couches at sa dance floor para tuluyang makalabas. Tuloy-tuloy na sana ako sa paglalakad kung hindi ko lang nahagip ang pamilyar na grupo na nakapwesto sa couch. Napahinto ako at bahagya silang pinasadahan ng tingin.
There’s Darius, Achilles, Aris and his girlfriend, Yvonne. ‘Yung iba hindi ko kilala sa pangalan pero pamilyar sakin ang mga mukha. Ito ung palaging mga kasama ni Yvonne, mga kaibigan niya ata.
I crossed my arms as bitterness penetrates on my system. So kaya pala hindi ako sinama? Meeting with friends pala ang ganap nila ngayong gabi. I felt betrayed! I can’t accept that they are having fun alone. It even infuriates me when Aris and Yvonne kissed each other and everyone cheered them up.
"Conservative my ass!" I can’t help but hissed as I watch them with blazing eyes. Bitter na kung bitter pero nakakainis silang makita. Akala ko pa naman kaibigan nila ko! Tangina! Ako lang pala ang nag-iisip no’n mag-isa.
"Winter!"
Napapitlag ako sa kinatatayuan dahil sa matamang pagtawag ni Kurt. I shook my head to brush away everything that bothers me before decided to shift my eyes at Kurt. Pagkalingon ko sa kanya ay s’yang pagdating niya sa mismong harapan ko. Sa halip na magsalita para magtanong, kinunotan ko lang siya ng noo.
"Your purse," paliwanag niya. Bumagsak ang tingin ko sa hawak niya at nang makompirmang purse ko nga, kinuha ko ito agad sa kanya.
"Thanks!"
"Are you leaving?"
I took a peek at them before nodding at Kurt. And then, I walked away right after. Tuluyan ng nawalan ng pakialam sa kung ano man ang image na maging kalalabasan ko sa mga taong aking nakakasalubong. The only thing that I’m concerned about was to leave this place.
"Where are you going?"
"Uuwi na!" Bulyaw ko kay Cindy saka nagmartsa papunta sa sasakyan ko. Hindi na pinansin pa ang panay na pagtawag ng mga kasamahan sakin. Ini-start ko agad ang makina pagkapasok ko sa loob pagkuwa’y tuluyan ng silang iniwan.
Why are you acting this way, Scythe Winter?! Ano bang ikinagagalit mo talaga?! Eh ano ngayon kung nakita mo silang naghahalikan?! Natural lang sa kanila na gawin iyon dahil magjowa sila. Ang hindi natural, ikaw! Iyang nararamdaman mong iritasyon!
Am I jealous? HAHA! Why? Bakit ako magseselos sa Yvonne na ‘yon? Hindi ko naman gusto si Aris. Hindi ko siya gusto!
"Why would I like him? He’d never been good to me!"
Tama! Nagagalit lang ako dahil hindi nila ko sinama. They left me behind because of that girl. That’s all! No more, no less!
"Okay ka lang?" Salubong sakin ni Rain, umaga ng Huwebes. Nakabihis na siya at mukhang naghahanda sa pag-alis.
"Bakit naman ako hindi magiging okay?" Tawa ko para hindi niya mahalata na nagsisinungaling lang ako.
"Umuwi ka ng maaga kagabi pero bakit mukha kang pagod at puyat?" Pagkatapos huminto siya sandali para pasadahan ako ng tingin. Pakiramdam ko, para akong bagahe na sumasailalim sa airport scanner dahil sa paraan ng pagtitig niya. "Is there someone bothering you?"
"Sino naman?" Mahina kong tawa na s'yang dahilan para magsalubong lalo ang kanyang dalawang kilay. Bumagsak tuloy ang ngiti ko at saka bahagyang tumikhim. "You should go. Baka ma-late ka pa sa klase mo."
And I turned my back away from her right after. I still felt that she’s watching me behind so I was being careful and slow the whole time I’m walking towards the kitchen. I only able to breathe calmly when I heard the door slammed.
Napaupo ako sa high chair at sinalampak ang aking noo sa countertop habang iniisip ang kagagahan ko kagabi. Buti na lang talaga, wala na ung tatlo kaya kahit tumawa ako mag-isa rito sa kusina, walang magtatanong o mang-iistorbo. Takot lang sakin ng mga maids na pasukin ako rito ‘no! Hindi ngayon na badtrip ako.
What’s wrong with you, self? Why are you still thinking about what happened last night? Why are you still affected with that freaking kiss? Hindi ka ganito, Winter Arguelles! Hindi ikaw ang tipong naaapektuhan! You are tougher than this! You’re capable of moving on that easy and fast!—It’s because you liked Aris! Admit it!
"Ako? Gusto ang lalaking ‘yon?" Tinuro ko pa ang sarili pagkuwa’y sarkastikong humagalpak. I also shook my head as an attempt to wash away my insane thought while remained laughing as if there’s no tomorrow. It even echoed in every corner of the kitchen.
But in the end, no matter how hard I laughed or how much I tried to pull myself, the burden is still inside of me. It was heavy as igneous rock that slowly killing my stamina. That’s why I went to school like I’m sort of messed up.
With disheveled hair in bun, black printed loose shirt paired with short and white sneakers, I entered in cafeteria like it wasn’t part of university. Patuloy lang ako sa paglalakad habang marahang pinapasadahan ang paligid. Hinahanap ko ung mga kaibigan ko. ‘Yung mga kaibigan na hindi ako hinahayaang ma-left behind.
"Is this kind of rebellion?"
Hindi ko na kailangang lingunin pa para makita ang pagmumukha ng nanunuksong boses na iyon. It is clearly the asshole Darius!
"For what reason?" Balik-tanong ko pagkaharap ko sa kanila. Inaasahan ko na talaga na kasama niya ang dalawang pinsan at ung babaeng pilantropo. Kaya naman kahit bigla akong ginapang ng iritasyon, nagawa ko pa rin panatilihin ang masigla kong mukha. Nakangiti ako sa kanila ng malapad pero konting angat pa, mapupunit na talaga ang aking labi.
"Nothing, I guess!" Kibit balikat niya. "You’re just full of surprises. Hindi ko alam na may igaganda ka pa pala." Sabay tawa kaya di ko mawari kung seryoso ba ung komento niya o isa na naman itong kalokohan. But then, I should act as Winter with full of enthusiasm.
"Now you know so remember it." Kaya nakisabay ako sa sinasabi niya. Pinaningkitan niya ko ng mata na hindi ko na napagtuonan ng pansin dahil sa pagbulungan ng dalawa. Of course, sino pa ba? "Dito na ko."
"Hindi ka sasabay samin?"
"Hindi." Iling ko saka mabilis silang tinalikuran. Gusto ko pa sanang dugtongan na sa totoong kaibigan lang ako pero pinigilan ko na lang ang sarili. Baka mahalata pa nila na nagtatampo ako sa kanila. Mamaya masabihan pang immature tss!
After kong maglunch, dumiretso ako sa garden sa likod ng COA. Hindi katulad nina Cindy na sa classroom ang punta. Absent na ko sa klase ko sa isang subject kaninang umaga at nagpasya ako na lumiban ulit. Bukod sa mapapagalitan ako ng mga professors dahil sa suot ko, wala pa kong energy na dumalo sa klase.
Garden is the best spot to take a nap so I choose to go here. Nakahanap din agad ako ng mapagpupuwestuhan kaya diretso higa na ko. Although after minutes of trying hard to sleep, I failed to do so. Every time I closed my eyes, the thought of him clouded my mind. And it frustrates me knowing that I’m the only one who suffered this way.
"If you just saw how devastated she was, you can’t help but cried in joy."
"Really? Sayang naman at wala ako kagabi. Edi sana napicturan ko ang pagmumukha niya." Pagkuwa’y sabay silang tumawa. Hindi ko naman sana papansinin iyon kung hindi lang pamilyar sakin ang boses. Pero nag-alinlangan din ako lalo na’t kakaiba ang tono ng pananalita. There’s no way she’s the woman I’m thinking at the moment right?
"How dare her to defy me when she’s just a mere student!"
"Yeah right! I’m sure, alam niya na kung saan siya lulugar." At saka nagkaroon ng panandaliang katahimikan. Doon na ko bumangon para i-check ang hinala ko. "Ang ilusyonadang katulad niya ay hindi nababagay sa university na ‘to at lalong-lalo na kay Aris Mirabueno."
My brow rose up when I found out that my intuition is right. My eyes infiltrate instantly to the two students sitting on the other stone bench. There I found Yvonne na kahit nakatalikod, walang duda na hindi ko siya makikilala. The other one wasn’t familiar to me and even I know, she’s someone I’m not interested at. The only thing that matters to me was Yvonne Lopez and the real her. I can’t help but raised my side lips.
• • • • • •