“Cassy, sige na kumain kana kahit kaunti lang para naman makabawi ka ng lakas,” pakiusap ni Toyang. Umiwas lang ako ng akmang ilalapit niya sa bibig ko ang kutsara na puno ng pagkain. Nakikita ko ang kagustuhan niya na mapakain ako ngunit wala talaga akong gana sa ngayon. “Wala akong gana,” walang gana kong usal. Tahimik lamang ako habang pinagmamasdan ang papalubog na araw. Maggagabi na naman at isang tahimik at malungkot na gabi na naman ang matatapos. Isang linggo simula ng makauwi ako sa mansiyon namin simula noon wala na akong kinausap. Wala na akong hinarap miski si Alejandro ay hindi ko pa kayang harapin. Mga tawag at pangangamusta ng mga kaibigan ko ay hindi ko pinakinggan at wala silang nagawa kung hindi ang umuwi na laglag ang balikat. Isang masasaganang luha na naman ang um

