Fireworks Sinikap kong lumabas ng normal sa closet ko. May dala akong suklay at malaking salamin. Nagawa ko pang magfoundation para lang hindi lumitaw sa pisngi ko ang pamumula nito. I want to conceal it as much as possible. Ayokong makita niyang may epekto ang lahat ng ito sa akin. Pag nakita niyang naaaapektuhan ako then that's the end of me. He'll win again. Ako na naman ang maiiwang talo. "Ba't ang tagal mo?" tanong ko at pilit na iniiba ang topic. Nakashort lang ako at malaking tshirt. Ayokong mag sleeveless. "Tinulungan ko sandali ang kapatid ko sa Restaurant. I'm sorry if you've waited too long." sagot niya at nakasandal na sa headboard ng kama sa habang nakahalukipkip doon. Wala ring bahid na ebidensya sa mukha niya na may ginawa kami kanina. Of course, he's good at playing

