Urge "Problema mo Abbey? Kanina ka pa natatawa ah. Noong nakaraang araw kamuntik ka nang mapagalitan dahil sa antok mo kanina naman kamuntik kana ring mapagalitan dahil sa pagpipigil mo ng tawa. What's with you?" Puna sakin ni Autumn at takang taka sa aking inaasal. Nasa cafeteria kaming dalawa. Hindi ko namalayan na napapahagikhik na pala ako dahil sa sumasagi sa utak kong mukha niyang nag a-arf arf. Kahit anong pigil kong hindi matawa ay natatawa talaga ako. I don't even know why. Dahil narin siguro sa mukha niya. "Alam mo yung kanta na How much is that doggy in the window?" Natatawa na naman ako. Ni hindi ako makakain ng maayos. "Yung pambatang kanta? Oo. Eh yan lang gusto mong kinakanta eh. Why?" Sumubo siya ng pagkain habang nasa akin ang kanyang tingin. "Duet tayo Autumn." Ngum

