Cruel world Tahimik lang akong nakaupo sa front seat ng kotse ni Dad. Napatahan ko na ang sarili ko habang nagmamaneho naman siya. Alam kong ang rami niyang tanong sa akin pero binigyan niya muna ako ng oras para makapag-isip isip. Pagdating namin sa bahay nila ay nakuha ng malaking gate nila ang atensyon ko. Bumukas ito ng kusa at pumasok kami sa loob. Maganda ang bahay nila. Halatang sumisigaw sa karangyaan. My Dad is hardworking. Wala rin naman akong alam kung anong trabaho ng napangasawa niya. Kinalas ko ang seatbelt ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging pagtrato ng asawa niya sa akin pati na nung Seth lalo na't sinampal ko pa iyon at ang rami kong sinabing masasakit na salita. "Feel at home Abbey. I know she's gonna like you. Excited yung mameet ka eh." Ngumiti sa akin si Dadd

