With you Nanatili kami doon ni Jame Brancen. Kumuha siya ng isang room doon para matulugan ko lalo na't ayokong umuwi nang hindi nakakahingi ng tawad kay Michelle. Kahit ayokong matulog ay pinaidlip niya parin ako sa balikat niya. Nagising lang ako dahil sa paghaplos niya sa pisngi ko. Tumambad sakin ang mukha niyang nakatunganga at hindi ata kumukurap dahil sa kakabantay sa akin. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang eyebugs sa mga mata niya. He didn't sleep again. And he really looks stress. Kung ano man ang napag-usapan nila ng Dad ni Michelle ay wala akong ediya pero malaki ang kutob ko na isa ito sa dahilan kaya pakiramdam ko ang may bumabagabag sa kanya ngayon. Kahit ang rami niya nang inaalala ay kaya niya paring ngumiti. Umayos ako sa pagkakaupo sa kama. Inalalayan niya agad ako.

