Sinner Katulad ng sinabi kahapon ni Autumn ay nag-exam nga kami. Yung mga kaklase ko naman parang nakakita ng multong nabuhay. "Nakatitig kayo? Hindi niyo parin matanggap kung ba't ako ganito kaganda?" Tinaasan ko sila ng kilay kaya nag-iwas agad ng tingin ang mga gaga. Si Autumn humagalpak lang ng tawa. Dumating rin ang prof. Nagtanong agad ito kung okay na ba daw ako. Nalaman ko na excuse pala dapat ako ng 1week. Si Jame Brancen na naman ang may pakana. May kapit eh. Ang daling mapasunod sa kanya ang gusto niyang mangyari. Nagtake kami ng exam ni Autumn. May iba dito na napag-aralan ko na. Pero may ilang tanong parin na hindi ko nasagutan. I'm not that smart. May utak ako pero sapat lang para pumasa sa mga subject na ito. Ilang oras rin kaming nag-exam hanggang matapos kami. Si

