Calm "Good Morning!" bati ko sa kanilang lahat nang madatnan ko sila sa kusina. Nakalingkis naman ang kamay ni Jame Brancen sa beywang ko. "Abbegail. You look..." Hinead to foot ako ni Sky. "Blooming! Great!" diklara niya na nagawa akong ngitian. Hindi ko alam kung may ediya siya sa pagiging blooming ko o ano. "Good mood. Buti naman." Napangisi narin si Julie. Iginiya ako ni Jame Brancen sa gitna nina Ellie at Julie at doon ako pinaupo. Yung mga pinsan naman ni Jame Brancen nakatitig sakin at nakangiti. Di ko tuloy alam kung maiilang ba ako o baliwalain nalang iyon. Kaming dalawa ni Jame Brancen ang huling nagising eh. And I woke up with this relaxing feeling. Basta, masaya ako. Kalma. Hindi takot. "We're so worried about you." Niyakap ako ni Ellie na nasa gilid ko. Pati si Julie a

