Distraction Hindi ko pinapansin si Michelle sa bahay. Ayoko ring may pagsisimulan ng pag-uusap nila. Minsan ay nananatili ako sa kwarto ni Mommy pag nagigising na siya at pag tulog siya ay nagkukulong na ako sa kwarto ko para makipag usap kay Jame Brancen. Ayaw niya munang idate ako, dapat daw ay nandito lang ako. God Jame Brancen, why so nice? "Uuwi kana agad pagkatapos nito?" tanong ni Autumn sakin. Nililigpit niya na ang mga gamit niya. "Yeah, susunduin ako ni Jame Brancen eh. Pupunta kaming Yoonmined sandali pero iuuwi niya rin ako. Tapos doon na siguro kami sa bahay tatambay." sabi ko. "And Michelle? Nalibing mo na?" Bumusangot ang mukha ko. "Hindi pa eh. May pala ka diyan?" I rolled my eyes. Pag naiisip ko ang mukha ng babaeng iyon lahat ata ng sis

