Flirt Umalis rin si Jame Brancen pagkatapos kumain. Ako naman ay nagkulong na sa kwarto at hinintay nalang na magising si Mommy. "Abbegail." Garalgal ang boses niya at pagod na bumagsak ang tingin sa akin. Pero may kislap doon sa mga mata niya nang magtagpo iyon. Kahit na maputla siya ay matamis naman ang ngiti niya. Tuluyan akong pumasok sa loob at isinara ang pinto. Lumapit ako sa kanya at umupo sa kama. "Mom... how are you? Sinabi ni Michelle na may sakit ka daw." Sinikap kong magtunog kalmado. "Yeah, but I'm fine now anak. You're here." Hinaplos siya ang pisngi ko. Nakasandal na siya sa headboard ng kama niya. "Did you drink your medicine? Kumain kana ba Mom? Do you want me to cook for you? Anong gusto mo?" Sumasayaw ang mga mata niya habang nakatingi

