World War III Nagdoorbell si Jame Brancen. Pinagbuksan kami ng katulong nila. Pumasok kaming dalawa sa bahay. Ito ang kauna unahang tatapak ako sa bahay nila. I've never been here. Si Mommy kasi ang parating pumupunta sa akin sa bahay. Sa sobrang galit ko sa kanila ay wal rin sa isipan ko ang pumunta sa mga bahay nila. "Abbey." Sinalubong ako ng Dad ni Michelle at niyakap. "Ate A B!" sigaw ni Dyoll at nagtatakbo papunta sa akin. Yumakap siya sa dalawa kong hita kaya inangat ko siya sa ere at kinarga. Napangiti ako dahil yumakap agad siya sa akin at ipinahinga ang ulo niya sa balikat ko. "He missed you. Parati ka niyang bukambibig." sabi ng Dad niya. Ngumiti lang ako ng tipid. "And you must be Jame Brancen Delafuente, Abbey's boyfriend." Nakipagkamay si Jame Brancen sa kanya habang

