"Gagi, kasalanan mo 'to! Ang sakit tuloy ng ulo ko dahil nilasing mo ako!" reklamo ni Zephyr. "Ano? Paanong magiging kasalanan ko kung bakit ka nalasing? Sinabihan naman kita kagabi na tama na ang kakainom, pero ayaw mo pang magpaawat! Tapos niyaya mo pa ako na sumayaw kaya mas lalo akong nahilo at nagsuka na naman ako. Sobrang sakit ng lalamunan at sikmura ko ngayon," reklamo rin ni Nixon. "Hindi ko akalain na malalasing na naman ako. Akala ko kasi ay kaunti lang ang nainom ko, pero naka-anim na bote na pala ako ng alak! Wala kang malasakit sa akin, ni hindi mo man lang ako pinigilan sa pag-iinom." "Pero kasalanan talaga ito ni Paige. Siya naman ang nagdala ng maraming alak kagabi. Tapos napainom tayo dahil nga kagabi ang unang stay niya rito sa dorm natin. Ang sakit tuloy ng ulo ko ng

