Kita ko naman ang tuwa nila nang payagan ko si Paige na tumira rito. "Sige, Paige! Sa kwarto ko na muna ikaw tumuloy. Pwede naman na magsama muna kami ni Nix sa kwarto niya. Mas maganda kasi sa kwarto ni Nix kaysa sa akin. D'yan naman sa kwarto ni Kyson, ayaw niya talaga na may pumapasok doon," sagot naman ni Zephyr. "I have some rules while you're here. Since puro lalaki kami rito, mas ayos kung mauuna ka nang maligo at mag-ayos ng sarili mo bago pa kami lumabas sa mga kwarto namin. That's to secure your privacy. Second, kailangan ay nasa loob ka lang ngg kwarto mo kapag kami namang mga lalaki ang maliligo. Sa pagluluto naman, 'yon na ang bayad mo sa amin sa pagtira mo rito. Kailangan mong magluto araw-araw bago tayo pumasok. Sa gabi naman ay kami na ang bahala sa pagluluto. And the las

