"Hindi ko kinakaya ang mga kriminal na 'yon. Grabe ang kanilang mga nagagawa. Kaya nakakatakot ang mga tao sa ngayon. Hindi natin alam kung sino ba talaga ang mga mabubuti at kung sino ang mga masasamang tao," kumento naman ni Zephyr. Isang linggo rin ang ginugol namin upang matapos ang pag-aasikaso sa negosyo ni Dale Torres para tuluyan na silang mahatulan sa korte at makulong na. Ang iba naman ay inaasikaso na sa ibang bansa dahil doon sila ipapadala. Kaya naman sa isang linggo na nakalipas ay wala muli kaming tulog ng ayos. Marami pa kaming mga inalam. Napag-alaman namin na sadyang mayaman ang pamilya ni Dale Torres kaya nagawa niyang makapagpatayo ng gano'ng klase ng negosyo. Wala rin siyang mga katulungan sa kaniyang negosyo katulad ng mga business partners, shareholders at iba pa. Si

