FIRE IN CITY MALL

2000 Words
Lumipas ang ilang araw at wala pa rin akong nakikitang kakaiba sa mga ikinikilos ni Benjamin. Ang isang cell phone naman niya ay nakapatay sa mga nakalipas na araw. Ibig sabihin ay hindi niya binubuksan ang cell phone niyang iyon sa mga nakalipas na araw. Tiningnan ko rin sa akin kung makikita ko ba ang mga text messages at phone calls noon sa sim card na 'yon, ngunit hindi kayang makopya ng kakilala ko. Hinayaan ko na lang. Ang mahalaga naman ay ang mga darating sa kaniya sa mga susunod. Malakas talaga ang kutob ko na ginagamit niya ang cell phone na 'yon, kahit mukhang luma na. Nakakapagtaka lang kung bakit may gano'n siya. Imposible naman na nakuha niya 'yon bilang isang ebidensiya. Palagi ko ring dala ang isang phone na nabili ko. Maliit lang 'yon para hindi masiyadong halata sa bulsa ko. Naka-vibrate lang din iyon para kung sakali man na may tumawag ay hindi tutunog. Sa nagdaan din na araw ay wala kaming naging trabaho dahil wala namang mga reports na pumapasok sa amin. Pero napapansin ko na marami pa ring inaasikaso si Detective Cason. Hindi ko naman malaman kung ano ang pinagkaka-abalahan niya dahil mahirap naman tingnan ang mga dokumento na nasa lamesa niya. Lalo na at may mga CCTVs din sa loob. May mga tao rin sa paligid. Baka isipan pa nila ako na nagmamasid kay Detective Cason. Hangga't maaari ay kailangan kong mag-ingat upang hindi mabuking ang tunay na plano ko kung bakit ako nagtatrabaho sa istasyon na ito. "Alert, rookies! May report na nakarating. Maghanda na kayo. Isuot ninyo ang mga bulletproof vests at dalhin ang mga kakailanganin ninyo," sambit agad ni Detective Walker sa amin. Tahimik lang kami kanina, pero bigla na lang nagkagulo sa loob ng station dahil sa bagong report na nangyari. Mabilis naman kaming kumilos ng mga kasamahan ko. Sunod ay nanakbo na kami papunta sa van. "Ano ang report na natanggap natin?" tanong naman ni Detective Walker kay Benjamin. Nilingon muna ako ni Benjamin saka ibinato sa akin ang susi ng sasakyan. "Ikaw ang magmaneho," seryosong utos niya sa akin. Mabilis naman ako na nagpunta sa driver's seat. Nagsakayan na rin sila sa loob. "May nasusunog sa City Market at may mga namatay. Kailangan pa natin na mag-imbestiga roon. Namatay daw ang mga 'yon bago pa nagkaroon ng sunog," sagot naman ni Detective Cason. Mabilis ko nang pinaharurot ang sasakyan paalis at papunta sa City Market. Binuksan naman ni Detective Walker ang radyo para makarinig kami ng balita. Sigurado naman ako na may balita na agad tungkol doon. "Kasalukuyang pinapatay na ngayon ang malaking apoy sa City Market. Tatlong bangkay na ang nailabas at nakumpirma na ang kanilang mga katauhan. Ang isa sa kanila ay ang may-ari ng City Market. Ang dalawa naman ay dalawang empleyado. May iba nang nailikas sa loob ng sunog at naidala na sa ospital. Ngunit may mga tauhan pa rin na nasa loob at hindi pa alam kung buhay pa o patay na." Ang City Market ay malaking mall dito sa lugar namin. Lahat ng mga kakailanganin ng mga naninirahan dito ay doon lamang mabibili. Maganda rin ang disenyo no'n at may limang palapag na mall. Kaya naman nakakagulat na nasunog 'yon ngayon. "Ayon sa mga nauna natin na tauhan doon, malaki pa rin ang apoy dahil sa laki ng building ng mall. Nahihirapan daw sila na patayin agad ang malaking apoy. Mabuti nga at walang mga katabing gusali 'yon dahil malawak ang sakop nila na lupain. Kung may mga katabi sila, tiyak na marami ang madadamay sa sunog," sambit naman ni Detective Walker. Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho ko upang mas makarating kami ng mabilis doon. Naglabas na rin ako ng wangwang para magsitabi ang mga sasakyan na nasa harapan namin. Sobrang traffic na papunta roon dahil nga sa sunog na naganap. Ngunit mabilis kaming nakaalusot. Hindi na kami masiyadong lumapit pa at agad na kaming bumaba sa hindi kalayuan. Tumakbo kami papalapit sa mga pulis at reporters na naroon. Ang mga bumbero naman ay nasa harapan mismo ng City Hall. Wala na ang apoy sa harapan, ngunit may malaki pa ring apoy sa likurang bahagi ng gusali. "Alam niyo na ba kung ano ang pinagmulan ng apoy?" tanong agad ni Detective Cason sa mga reporters. Umiling naman ang mga ito, "Miski ang mga bumbero ay hindi malaman kung ano ang naging sanhi kaya nagkaroon ng sunog. Pero nakakapagtaka lang na namatay ang may-ari ng City Mall at sakto rin na nasira ang kaniyang gusali," sagot naman ng isang reporter. May punto ang kaniyang sinabi. Kaya kailangan talaga na magkaroon ng imbestigasyon tungkol sa pangyayari na ito. Sa pagkakaalam ko rin ay bihira na pumunta ang business owner kapag mall naman ang pagmamay-ari niya. Kaya mapapaisip talaga ako ngayon kung sinadya ba talaga ang nangyari na ito, o aksidente lamang na nagkaroon ng sunog. Lalo na at sobrang laki ng sunog na nangyari at sakop ang buong gusali. Imposible na aksidente lamang ang pagkasunog. "Magsuot kayo ng mga facemasks ninyo. Papasok na tayo roon sa oras na mawala na ang apoy," utos agad ni Detective Cason. Pinigilan ko naman siya nang akmang lalapit siya sa mga bumbero sa harapan. "Bakit tayo pupunta roon? Wala na rin naman tayong makukuhang mga ebidensiya dahil nasunog na ang kabuuan. Mahihirapan din tayo na mahanap kung saan mismo nangmula ang sunog sa lawak ng mall na 'yan. Lalo na ngayon at ganiyan na ang sitwasyon ng mall ngayon," sambit ko sa kaniya. "Bitawan mo nga ako, bata. Sino ka ba para pangaralan ako sa mga dapat ko na gawin? Mas marunong ka pa sa akin na matagal na sa industriya na ito? Alam na alam ko na kung ano ang dapat kong gawin." "Wala ka pa naman nahawakan noon na kaso na mall ang nasunog. Kung isang bahay lang ang nasunog, mas madali lang na malaman kung ano ang sanhi ng apoy. Pero hindi iyon katulad sa sitwasyon--" "Manatili ka rito kung hindi mo gustong pumasok sa loob. Wala rin naman kayong kwenta para sa akin. Kung sino ang may gusto na sumama sa akin sa loob, sumama." Hindi na ako nakapalag pa dahil mabilis na siyang umalis. Tiningnan ko naman ang mga kasamahan ko at sumunod sila kay Detective Cason. Tinapik naman ako ni Detective Walker sa aking balikat. "Naiintindihan ko ang punto mo. Pero hindi mo rin naman masasabihan si Detective Cason. Alam din niya kung ano ang mga ginagawa niya," sambit niya lang sa akin. Sumunod na rin siya sa aming mga kasamahan. Napabuntong-hininga na lang ako. Tingnan ko lang kung may mahanap silang ebidensiya roon o malaman nila kung ano ang sanhi ng sunog. Naglakad naman ako papunta sa likurang bahagi ng City Mall. Wala na masiyadong sunog doon. Ngunit nakakita naman ako ng isang anino ng tao. Nagtago naman ako sa gilid para hindi niya ako makita. "N-Nakalabas na ako... Pucha! Mabuti na lang at buhay pa ako. Akala ko ay masusunog na rin ako sa loob," rinig ko na sabi ng isang boses lalaki. Nakaramdam naman ako ng kakaiba kaya mabilis kong kinuha ang phone ko at nag-record ng video. Maririnig naman dito ang sasabihin pa ng lalaki. "Ang hirap ng naging sitwasyon ko sa loob. Nalaman ni Senar ang plano natin at sinubukan pa niya na pigilan ako. Kaya sumabog na ang mga bomba na itinanim ko sa bawat parte ng City Mall dahil nilabanan pa niya ako. Mabuti na lang at nakapunta ako sa exit area agad, kaya hindi ako masiyadong napuruhan sa sunog.” Tiningnan ko naman ang sitwasyon ng lalaki. May mga kaunting sugat siya at hindi naman gaano malala ang nangyari sa kaniya dahil sa sunog. Ibig sabihin ay tama nga ang hinala ko kanina. Planado ang pagsunog na naganap dito sa City Mall. Imposible talaga na hindi planado, dahil buong gusali ay nasunog. Kung aksidente lang ay hindi agad kakalat sa kabuuan at kaunting parte lang bg gusali ang mada-damage. Ngunit ngayon na narinig ko na ang tunay na nangyari, sinabotahe pala ang mall na ito. “Si Senar? Patay na siya. Sigurado ako na namatay na siya. Nasunog ang kaniyang opisina dahil doon ko siya kinalaban. Lalo na at dalawang bomba ang nailagay ko roon. Nagamit ang labing-limangpu’t na bomba. May mga katulong din ako kanina noong ikinalat namin ang mga bomba na ‘yon.” Ang nakakapagtaka ay kung paano siya nakapasok sa loob ng mall. Imposible naman na maipasok nila ang mga bomba na ‘yon dahil nade-detect ng mga malls ang mga harmful na bagay. Pero may isa akong naisip, baka sa exit area rin sila dumaan at sinaktan nila ang mga guwardiya na naroon. “Sige, boss. Punta muna ako sa ospital ngayon. Para hindi lumala ang kalagayan ko. Ayokong humingi ng tulong sa mga ambulansiya na narito. Baka kwestiyunjn pa nila ako.” Binaba na niya ang tawag. Pinatay ko naman ang video recording ko. Nang akmang aalis na siya, ay agad akong tumakbo papunta sa kaniya. Pinigilan ko naman siya sa paglalakad, saka ko mabilis na ipinosas ang dalawa niyang kamay. “You’re under arrest for making City Mall on fire. I already have enough evidences to arrest you, so I don’t need a warrant of arrest. Sa prisinto ka na lang magpaliwanag,” sambit ko agad. Nagpumiglas naman siya sa akin. “Ano ang pinagsasabi mo?! Bitiwan mo nga ako! Biktima ako ng sunog na naganap, kaya bakit mo ako hinuhuli ngayon?!” sigaw pa niya habang hinihila ko siya papunta sa sasakyan namin. “Kung biktima ka pala, sana ay hindi ka na sa exit area dumaan at hindi mo na tinangka pa na tumakas. Nakita at narinig ko ang lahat ng mga kilos at nasabi mo kanina sa kausap mo sa phone. May video rin ako. ‘Yon ang magiging patunay laban sa ‘yo.” “Bitiwan mo ako! May mga sugat ako! Isa akong biktima! Ikaw ang kakasuhan ko dahil sa ginagawa mo sa akin ngayon!” Dahil sa sigaw niya ay nakakuha na kami ng mga atensyon. Nakita ko na napahinto sa pagpasok sa loob ng mall sina Detective Cason. Wala na ring apoy sa mall dahil napatay na ng mga bumbero. Lumapit naman sila sa kinaroroonan namin. Medyo malayo pa kami sa mga media ngayon at may harang din, kaya hindi sila makakapasok. “Bakit nakaposas ang lalaki na ito? Sino siya?” tanong sa akin ni Detective Cason. Iniharap ko naman ang phone ko sa kanila saka ipinarinig ang mga sinasabi ng lalaki kanina. “Siya ang nagkalat ng mga bomba sa kabuuan ng City Mall at may mga kasamahan pa siya sa paglalagay no’n. Mukhang sa exit area sila dumaan, kaya hindi na na-check pa ang mga gamit na dala nila at naging madali sa kanila na ipasok ang mga bomba na ‘yon. Narinig ko rin na may boss siyang tinawag, siguro ay ‘yon ang nag-utos sa kaniya na gawin ito. This is a sabotage case,” paliwanag ko. “Tarantado kang lalaki ka. Hindi mo ba alam kung gaano kalaking damage ang nagawa mo? Maraming mga inosenteng tao ang namatay, pati na rin ang mga namimili lang sa mall!” galit na sigaw ni Detective Cason sa lalaki. “Hindi niyo na kailangan pang pumasok sa loob upang maghanap ng mga ebidensiya. May sapat na tayong ebidensiya at kailangan na rin siyang makwestiyon. Upang malaman natin kung sino ang nag-utos sa kaniya na gawin ito.” Hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa at agad na namin siyang isinakay sa sasakyan. May mga reporters pa na gusto kaming tanungin kung sino ang lalaki na dala namin, ngunit hindi kami nagsalita. “Dalhin niyo muna ako sa ospital! Sugatan ako ngayon dahil sa sunog. Hindi niyo ba nakikita ang katawan ko?!” sigaw pa ng lalaki sa amin. Nanggigil naman ako dahil sa sinabi niya. “Hindi ba at ikaw naman ang may kagagawan ng sunog? Marami ang namatay dahil do’n, kaya hindi nakakaawa ang sitwasyon mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD