“Please, kausapin mo kami. Ako ang anak ng biktima ng nasa video na in-upload mo sa social media kahapon. Hindi ko alam kung ano ang intensyon mo at kung bakit kailangan mo pa ‘yon na ikalat kahapon sa social media, pero kailangan naming maaksyunan ngayon ang pangyayari na ‘yon. Sana maaawa ka sa akin o sa aking ina. Lalo na at alam ko na isang anak ka rin naman. Paano na lang kung sa magulang mo nangyari ang gano’n? Hindi ba at gagawin mo rin ang lahat upang labanan at magkaroon ng hustisya ang maling nagawa sa ‘yong magulang? Gano’n din ang sitwasyon ko ngayon. Kaya sana ay huwag ka nang matakot pa sa amin at kausapin mo kami. Ikaw lang ang tanging witness na mayroon kami, lalo na at nasa ‘yo ang orihinal na video. Kailangan namin ‘yon na makuha ngayon, upang malaman kung sino talaga ang

