Chapter 1
Crixia's P.O.V
*tok*tok*tok
"Baby, please wake up kanina pa kita ginigising. It's already 6:30 A.M and your first class will start within thirty minutes. So,please anak gumising kana!!!" malakas na tawag ni Mommy Mariel, my Mom.
Well she is a wonderful woman, she is kind, lovable, humble, understanding and a strong woman. I admire her about that because that is the reason why dad loves her that much. Without her, I dont think I can be the one who I am today so, I really love her so much. And I am so lucky to have her.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig na naging dahilang ng pagkahulog ko sa kama ko. " OMG, Mommy ! (sigaw ko) Late na ako huhuhu.." At agad na dumeretso sa banyo upang maligo, matapos ang sampung minutong ginugul ko sa pagligo nagbihis na ako. Di ako katulad nang ibang babae na kung ano-ano pang ginagawa. Alam na nerd nga eh mas gugustuhin ko pang magbasa ng libro at igugul lahat ng oras rito. Pagkatapos kong magbihis, bumaba na ako para kumain ng umagahan. I wore my below the knee skirt and paired with a loose shirt. Of course I tied my hair up and wore my thick glasses.
Pagkababa ko sa hagdan ay nakita ko na agad si Mommy na pinapakain si Carl nakababata kong kapatid limang taong gulang palang siya. Nung nakita ako ni Carl agad siyang tumakbo papunta saakin at niyakap ako.
"Ate, Good morning mom is right there." ani niya nung kumalas na sya sa yakap sabay turo rito. Agad niya kong hinila kaya lang nang napadpad ang tingin ko sa relo ko late na pala ako 6:45 A.M na kayat kumuha nalang ako nang isang bread at nagpaalam kina mommy kasi pumasok na si daddy sa work. Siya kasi ang CEO ng kompanya namin kaya ayon. Itong kompanya naming ito isa sa pinakatanyag na kompanya sa halos buong bansa. Paglabas ko ay nakita ko si Mang Peng na inaayos na ang kotse na sasakyan namin.
"Good morning maam." bati nito
"Good Morning din po sabi ko sainyo huwag niyo nalang po akong tawaging 'maam' hija nalang po o kaya anak kasi hindi na po kayo iba sa'kin." sagot ko naman
"Sige m-...hija tara na at baka malate ka pa." nahihiyang sagot nito.
Nginitian ko nalang siya at sumakay na.
Makalipas ang anim na minuto biglang tumigil ang sasakyan.
"Mang Peng, ano pong nangyari?" takang tanong ko at kinabahan.
"Ae.. hija mukhang tumirik ang sasakyan teka at titignan ko." nagaalangan na sagot niya.
Tumango nalang ako bilang sagot.
Nang natapos ang limang minuto lumapit si Mang Peng sa akin at sinabing, " Nako malaki ang sira pasensya na hija pero di kita maihahatid ." nagaalalang paumanhin nito.
"Paano po 'yan Mang Peng walang sasakyang dumaraan late na po ako." naiiyak sagot ko kay Mang Peng.
"Teka hija at titingin ako nang masasakyan mo." aniya.
Makalipas ang labinglimamg minuto at late na nga ako nang halos sampung minuto napagdesisyonan ko nalang na maglakad kayat nilakad ko nalang.
"Hija mag-iingat pasensya na talaga." nahihiya at nagaalalang saad nito.
Ngumiti lang ako at sumagot, "Okay lang yun Mang Peng sige po late na kasi ako eh."sabay takbo.
Bale lakad takbo lakad takbo ang ginawa ko.
Makalipas ang dalawampung minuto sa wakas nakarating na rin ako kaya lang dahil sa sobrang init ay pawis na pawis na ako nang nakarating ako at mas magulo na rin ang buhok ko.
"Paano na 'to" bulong ko sa sarili ko.
Pagkaapak ko palang sa corridor maririnig mo na ang masasakit na salitang sinasabi nila sa akin.
"Yuck, maligo ka nga tskkkk di ka na nahiya"
" Eh, naligo naman siya ah.. naligo sa sarili niyang pawis." sagot ng isa at sabay-sabay silang nagtatawanan.
Well sanay naman na ako pero ang mga salitang huli kong narinig ang nagpakawala sa mga luhang kanina ko pa kinikimkim na siyang dahilang nang aking pagtakbo.
" Nerd na nga, mabaho, mukhang nakatakas sa mental hospital, at mukhang baliw pa"
Baliw?
Baliw?
Baliw?
Paulit-ulit itong tumatakbo sa aking isipan habang tumatakbo na naging dahilan nang aking pagkatumba at napasubsub sa simento. Ni wala man lang ni isang tumulong sakin busy kasi sila sa pagtawa. Narinig ko nanaman ang nakakabinging tawanan nila na pinangungunahan ni Dezzipauline ang itinuturing na pinakamean sa lahat. Nang hindi ko na nakayanan ang panlalait nila tumayo ako at tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero ang mga paa ko'y parang may sariling pag-iisip ng di ko namamalayan nakarating na ako sa CR at nakapasok sa isang cubicle roon. Doon ko ibinuhus lahat nang luhang lagi ko nalang kinikimkim. Minsan iniisip ko kung anu bang ginawa kong mali at sadyang mainit ang dugo nila sakin isang hamak lang naman akong nerd. Pagod na pagod na akong umiyak dahil lagi nalang na ito ang dahilan. Nang unti- unti na akong tumahan nagayos na ako at dumeretso sa susunod kong klase. Tinanong ako nang teacher ko kung bakit namamaga ang aking mga mata.
"Ms. Bernard what happened, did you cry?" Ngumiti nalang ako sakanya at umiling bilang sagot.
Matapos ang discussion halos lutang parin ako ng dahil sa pag-iisip tungkol sa nangyari. Ganunpaman, matataas parin ang gradong nakuha ko sa short quiz na ibinigay niya kaninang natapos siyang magdiscuss.
Lunch Break na kaya dumeretso ako sa garden nang dahil sa pagmamadali at pagiging busy ko sa pagkuha nang aklat sa bag ko upang basahin wala kasi akong ganang kumain ng pananghalian kaya magbabasa nalang ako. Sa di inaasahan meron akong nakabangga at natumba kaming dalawa nasa ibabaw niya ako.
"Aray!" sigaw naming dalawa
Sino kaya siya???????